Pages:
Author

Topic: Para sa Kaalaman ng Lahat... Ang BitcoinTalk Ay...... - page 2. (Read 400 times)

jr. member
Activity: 143
Merit: 2
 Malaking tulong itong forum na ito lalo na at i apply mo sa real world ang mga natutunan mo dito. Kunwari ay meron kang day job at may project kayo dun at yung mga kailangan dun sa project na yun ay na encounter mo na dito sa bitcointalk at alam mo na ang mga techniques, syempre mapapadali ang project niyo at matutuwa sayo ang boss mo at maaring mapromote ka kung consistent ang mga ginagawa mo. Pwede ka ding mag side business, example ang trading at mining. Kaya mas maganda pa din na mas maraming kang natutunan at nalaman dito kesa umasa lang sa mga bounty kasi mas marami pang opportunity ang kaalaman na matutunan mo dito kesa sa mga bounties.
member
Activity: 145
Merit: 10
Salamat sa pagpapakilala mo kung paano nagsimula at para saan ba ang bitcointalk forum.Maganda pala ang hangarin ng forum na ito sa bawat isa sa.atin.
Nagsimula lng ako sa pag post sa bounty dahil na rin sa pag share ng mga kaibigan na kung saan ay unang nabiyayaan  ng mga rewards galing bounty.Kung ito pala ay patuloy at tiyagaan na aralin ay may mas the best palang income ang naghihintay.
Sana ang post mo ay maging eye opener sa lahat upang wag abusuhin ang forum na ito.para pansariling kapakanan lamang.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Wala tayong magagawa yan talaga ang mga pinoy kong pera pinag uusapan kahit ano gagawin kahit na mali na at makaka apekto sa account nila gagawin parin nila dahil ang katumbas nito ay pera pero di nila alam na kikita naman tayo sa mabuti na paraan hindi lang sa mga maling paraan kaya wag aabusin ang forum na ito baka ito ang daan para guminhawa iyong buhay kong saka sakali lang kaya enjoy lang ang forum at matoto. Godbless!

Tama ka dyan, kaya nga dapat talagang yung mga bagong account dito ay mainform na dapat ay makita nila ang totoong use ng forum na ito, kasi mas marami pa silang pwedeng pagkakitaan kapag natuto sila sa mga resources na available dito..
full member
Activity: 476
Merit: 100
Wala tayong magagawa yan talaga ang mga pinoy kong pera pinag uusapan kahit ano gagawin kahit na mali na at makaka apekto sa account nila gagawin parin nila dahil ang katumbas nito ay pera pero di nila alam na kikita naman tayo sa mabuti na paraan hindi lang sa mga maling paraan kaya wag aabusin ang forum na ito baka ito ang daan para guminhawa iyong buhay kong saka sakali lang kaya enjoy lang ang forum at matoto. Godbless!
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Hindi man ako nakaabot ng 2014, pero napansin ko yun nung mga nag basa ko sa mga forum. Onti lang din ang mga participants ng iba but siympre, sino ba din kasi ayaw kumita? Naiintindihan ko din sila pero kung puro yun na lang at inaabuso pa yung sa mga bounties/airdrops at mareklamo, nakakainis lang. Madami nga kasing ganun eh.

REAL TALK TAYO!!

Sa totoo lang, ang iba na sumasali dito ay nahype lang ng mga kaibigan na marahil ay nagpakita ng bagong biling Smartphone at sinabing dito nga nanggaling ang pinangbili, Sa totoo lang di na mawawala ang ugaling yan ng Pinoy, hehehe (Yun bang may yabang ng kaunti) Kaya ang epekto dahil nga sa mahal ang BIGAS at SILI eh maraming nahikayat na sumali dito, hindi para matuto, kundi para sumali sa mga bounty na naikwento ni BESH na nakabili ng bagong Smartphone..  Cheesy  Cheesy  Kaya without the proper knowledge, ayun bumanat na lang ng bumanat.. Sa totoo lang ang iba dit na sumali eh di man lang din ata nagbasa ng mga Rules ng Forum na ito..
Siguro noon kung maliit lang ang bigayan, hindi siguro mahihikayat mga tao mag post o gumawa ng iba't ibang account eh, lalo na kung mababa lang ang presyo ng Bitcoin. Noon nag simula ako, akala ko sobrang taas na ng presyo noon, na feeling ko na hanggang dun lang, at hanggang umabot ito ng sobrang taas na $20000, napa wow lang talaga ako.

Dahil na kita na nila ang pwedeng presyo ng ganun, nag rereklamo na pag bumaba, iniisip na lang ang mga losses nila at hindi na nag tingin kung ano ang kabuoan na nangyayari sa Bitcoin. Malayo na ang narating ng Bitcoin nung simula, at marami pa itong mararating. Basta nag bibigay ng effort, maraming mararating. Long live Bitcointalk!
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Para sa kaalaman ng lahat, way back 2014 wala namang mga bounty noon at kung meron man, walang pumapansin, ang focus namin talaga dito ay ang matuto ng tungkol sa blockchain at Bitcoin and Litecoin, dahil noon eh yang dalawang yan lang ang kilala pagdating sa crypto, masaya na kami dati kapag may mga nagpopost dito ng tutorial sa mining, yan talaga ang pinupuntahan ng tao dito, nagtaka na nga lang ako, kung bakit sa bounty na halos lahat naka focus ng sumasali sa forum na ito, Hindi na sila nandito para matuto kundi para sumali sa mga bounty, yan talaga ang nakakalungkot, kasi di naman yan ang diwa ng forum na ito...

BONUS na lang po kasi ang Bounty, at mas marami po tayong kikitain once na matutunan nating ang Technology ng Blockchain.. Kaya nga po gumawa ako ng isang Thread din para naman makapagbigay ng INSPIRASYON sa mga bagong sumasali dito... (Look my Thread here: https://bitcointalksearch.org/topic/huwag-mong-sayangin-ang-time-mo-na-di-ka-matuto-dito-sa-bitcointalk-ng-bitcoin-5048529 )


REAL TALK TAYO!!

Sa totoo lang, ang iba na sumasali dito ay nahype lang ng mga kaibigan na marahil ay nagpakita ng bagong biling Smartphone at sinabing dito nga nanggaling ang pinangbili, Sa totoo lang di na mawawala ang ugaling yan ng Pinoy, hehehe (Yun bang may yabang ng kaunti) Kaya ang epekto dahil nga sa mahal ang BIGAS at SILI eh maraming nahikayat na sumali dito, hindi para matuto, kundi para sumali sa mga bounty na naikwento ni BESH na nakabili ng bagong Smartphone..  Cheesy  Cheesy  Kaya without the proper knowledge, ayun bumanat na lang ng bumanat.. Sa totoo lang ang iba dito na sumali eh di man lang din ata nagbasa ng mga Rules ng Forum na ito..


ANG EPEKTO!

Napuno ng spam ang forum na ito galing sa mga bagong account, (At karamihan eh sa mga dating account na rin na sinaniban ng kasakiman kaya gumawa ng mga farm account.) na ang naging Epekto ay ang pagkakaroon ng bagong batas sa mga newbie at jr. member. Kaya ngayon nakakalungkot man ay dapat na lang nating tanggapin ang katotohanan na mahirap na talagang magpa-rank ngayon.. Tanggapin na rin na may iba naman talagang newbie na talagang sumusunod sa patakaran at nandito para matuto ay nadamay na rin dahil dito..

Habang may Bitcointalk may PAG-ASA!!

Naman!! Oo meron, meron talaga!!
Hindi lang naman kasi bounty ang buhay ng isang nagki-Crypto eh, ang dami-daming pwedeng matutunan sa forum na ito na makakatulong ng husto sa atin,..

Dapat mong makita ang mga sumusunod:


1. Dapat mong malaman na ang Forum na ito ay nagtuturo ng hindi kayang ituro sayo ng mga UNIVERSITY, ng AMA, ng STI at ibang Institute!
2. Ang bLockchain Technology ang isang ino-offer ng bitcointalk, matutunan mo yan dito, at kapag natutunan mo ang technology na ito, simula na ng PAGYAMAN MO!!
3. Matututo ka rin dito ng MINING, Bitcoin Mining at GPU Mining, di mo rin yan maututunan sa University na pinapasukan mo ngayon.. Sa totoo lang utang ko ng malaki sa Bitcointalk kung bakit isa akong Minero ngayon na dati ay pangarap ko lang, at ng dahil sa mga kaalamang available dito, natutunan ko ito.
4. Hindi pa tapos, Psssst.. Basahin mo pa ito.. Alam mo ba na marami ng yumaman sa Trading ng Cryptocurrency? Oo tama ang nababasa mo, marami ng yumaman at nakapagpundar ng dahil dito, Dito mo lang din yan matutunan sa Bitcointalk..

Ang dami pa kabayan, halos nandito na lahat ng Inpormasyon patungkol sa technology...

Kaya sana eh huwag lang tumingin sa mga bounty, ikaw din ang mawawalan kapatid, Inuulit ko ang BOUNTY ay isa lang sa mga REWARD na pwede mong makuha sa Forum na ito..

















Pages:
Jump to: