Hackers are everywhere! Nandyan lang sila sa paligid,nagmamasid at laging handa para ihack ang account mo anomang oras.
To avoid such things first and foremost kailangan masecure ng maigi ang
Email. Bakit email dapat ang unahin? Most of the web sites, exchange site at social networks ay kailangan makipag ugnayan sa email para ma revoke, mapalitan ang password mo. Mas magiging madali na sa hacker kapag ang una nilang nahack ay ang email mo.
Wag gumamit ng password na madaling hulaan, gaya ng birthday, edad, magkasunud na numero, at mga pangalan. Halimbawa ng matibay na password ay yong merong Upper Case at symbol gaya ng ( Yu79i#4aJopq) at itabi o isulat sa isang papel o sa iyung cellphone kung saan hinde agad makikita at mababasa.
Pagkatapos mong mamili ng password kailan mong mag install ng 2FA application.
Ano ba ang 2fA?
Ang Two-factor authentication (2FA) ay isang seguridad na proseso na nangangailangan ng mga gumagamit upang magbigay ng dalawang paraan ng pagkakakilanlan bago ma-access ang iyong account. Ang dalawang antas ng seguridad ay ang iyong password at isang kakaibang espesyal na code na binuo sa pamamagitan ng authentication app, na naka-install sa iyong smartphone. Ang dalawang pinaka-popular na authentication apps ay ang Google Authenticator at Authy.
Kung mayroon kang gumaganang 2FA, makakatanggap ka ng isang pansamantalang 6-digit code na maaaring gamitin lamang para sa isang maikling panahon - mga 20 segundo. Pagkatapos ng 20 segundo, ang code ay mag-eexpire at ang bagong code ay mabubuo. Sa pamamagitan ng paglagay ng iyong password at ng 6-digit code, ang iyong account ay maaaring maging mas protektado. Kahit na ang iyong password ay nakompromiso (siguraduhin na huwag ibunyag ito kaninuman!), ang iyong account ay hindi maaaring ma-access nang walang direktang access sa iyong mobile phone.
Upang gawing mas ligtas ang iyong account, inirerekumenda namin na i-enable mo ang enhanced security (two-factor authentication). Maaari mong gamitin ang anumang app na sumusuporta sa Google codes para sa 2FA, sa ibaba makikita mo ang isang maikling listahan ng apps na aming inirerekomenda:
Google Authenticator (GA) - default app for 2FA. Maaari mong i-download ang mga ito mula sa App Store at Google Play. Mangyaring suriin ang mga setup instructions sa ganitong artikulo.
Authy - advanced na app para sa 2FA. Pwede mo itong ma-download sa iyong mobile device mula sa App Store o Google Play o i-install ang browser extension patungo sa iyong Chrome browser (available sa Windows, Mac, Linux). Tingnan ang mga tagubilin kung paano i-set ang Authy dito.
Kapag natapos ng makonekta ang igong mga email sa authenticator app gaya ng ginagamit ko (AUTHY) maari ng pumunta sa mga social networking sites mo at mga websites or mga exchange site para maikonekta sa 2FA application. Nakikita ito palagi sa security. Madali la mang ang pag lalagay ng 2fA. Kailangan lamang i scan mo ang Code at mg add account sa authenticator app.
Kapag satingin nyo ay kulang pa ang impormasyon, ikakagalak kong basahin ang mga komento nyo sa baba. Maraming salamat.
para makaiwas sa hack palaging siguraduhing hindi makikita ang ang password mo at dapat hindi mo makakalimutan ang pass mo dahil baka hindi tlg na hack nakalimutan mo lang ang pass mo