~
Wag gumamit ng password na madaling hulaan, gaya ng birthday, edad, magkasunud na numero, at mga pangalan. Halimbawa ng matibay na password ay yong merong Upper Case at symbol gaya ng ( Yu79i#4aJopq) at itabi o isulat sa isang papel o sa iyung cellphone kung saan hinde agad makikita at mababasa.
~
Maidagdag ko na din kabayan! Kung usapang passwords talaga, sa pamamaraan ng brute-force ay maaari pa rin mahack yang password mo kahit na mahaba yan. Hindi sa pahabaan ng password ang magiging batayan mo kung magiging secured na account mo kung saan mang site. Maaaring may kaparehang letra yan o kaya nama'y karaniwan na yun nabubuong password na yun. Kung ilalagay natin sa sitwasyon na ibubrute force attack ang account mo, pwede makatulong sa iyong itong site na ito kung ilang araw/buwan/taon inaasahan bago ma crack ang password mo:
http://random-ize.com/how-long-to-hack-pass/Nakabasa din ako ng nakaraang pangyayari dito sa forum na nagkaroon daw ng dumping ng accounts noon at binebenta yung karamihan sa dark web. Noong taong 2015 pa ito nangyari sa forum, pero napakarami ang na dump na account noon. Eto yung link nung balita:
https://www.hackread.com/hacked-bitcointalk-forum-database-on-dark-web/Nakakalungkot naman siguro kung isa sa mga account mo ay nariyan, di ba? Pero sino ba talaga responsable seguridad ng kanyang account? Kahit na may 2FA na meron diyan, napakaraming posibilidad na ma bale din yan ng hacker.
Maari kang gumamit ng password manager gaya ng KeePass. Mas maigi nang safe talaga, lalo na kung ikaw ay isa talagang gala sa internet.
Para makaiwas sa ganitong incedente kailangan magdoble-ingat palagi sa mga sites na pinapasukan mo dahil ito ang kadalasang ginagamit upang madali ka nilang mabiktima dahil na rin sa mga virus na nilalagay nila dito. Tiyaka huwag agad-agad magtitiwala lalo na sa mga taong hindi niyo kakilala at huwag ipabibigay ang mga importante bagay dahil kapag nagkamali ka dito siguradong magbabago ang buhay mo.
Di ganoon kadali malaman kung may virus ba ang pinasukan mong site kahit na may anti-virus ka pa, kabayan. Common na logic na yan pero marami pa rin ang nahahack. Phishing, keylogger, brute-force. Maraming paraan para malusutan yan. Kung may sarili ka talagang kompyuter, siguraduhin mong wala talagang makukuha ang hacker diyan sa kompyuter mo kahit ni isang trace ng password mo kahit sa isang document file pa or sa protektadong .rar file. Wag nating maliitin ang mga hacker.