dapat ang sinasalihan mo ay yung kayang kaya mo, sana nag secondstrade ka na lang kung medyo duda ka na kakayanin mo mag post sa labas at umabot ka sa minimum limit pra mkakuha ng sweldo.
Mas maliit naman maximum limit post dyan sa sinalihan niyang campaign ipagpatuloy mo lang yan at icareer mo dahil maganda naman ang kikitain mo dyan. Pero kung hindi mo kakayanin katulad ng sinasabi ni Naoko pwede ka namang lumipat. At habang nanjan ka tuloy tuloy mo lang yan para mapraktis ka din.
hindi naman problema ang maximum limit e dahil nga konti lang oras nya dito sa forum dahil sa trabaho, kahit pa sabihin na 10 yung maximum limit e kung hindi naman maabot di ba? problema pa yung minimum limit dahil yun yung dapat maabot para mka sweldo
Kailangan niya ng maayos na paggawa ng schedule niya. Kung wala naman siyang masyadong ginagawa saka siya mag post dito sa forum.
Yun lang talaga ang kailangan niya gawin na maabot yung minimum limit. Pero kaya yan basta makasunod ka lang sa batas ng sinalihan mo.
At sigurado magiging masaya at gaganahan ka na kapag nabayaran ka na.
yes kahit naman 2 posts a day siguro aabutin na yung limit, kahit mag post lang sya kapag nkauwi na sya ng bahay ok na yun at hindi na masyado mahirap siguro, ika nga konting tyaga lang
Tama ka dyan kaya na yan dahil kadalasan naman ng mga minimum chief eh sampu katulad nitong sa atin sampu ang minimum nito.
Basta maintain mo lang yang minimum chief at sigurado ok na ok na yang campaign na nasalihan mo.