Sa natuklasan ko ay iniimbestigahan na itong phlwin dahil nga madaming mga sumubok dito sa casino apps ng sugal na ito ang hindi makapagwithdraw sa apps na ito. At meron din akong napanuod ng isyu sa balitang ito na hindi nga din ito ata regulated sa ilalim ng pagcor, bukod pa dyan may nagpatunay na yung mga ginagawa ng mga influencers na sure win ay hindi naman talaga totoo. At pawang mga lantaran na panlilinlang ang kanilang ginagawa sa kanilang mga tagasunod. At batay din sa rules mula sa pagcor dapat kung meron kang casino apps online ay meron ka rin dapat na landbased casino o pisikal site dito sa bansa natin dahil kung wala at casino online lang ay certified na ilegal ito base sa pinanuod ko na video na ito, panuorin mo nalang.
https://www.youtube.com/watch?v=RuXPOPJ-qZMObvious na obvious naman na illegal ang operation nito, sa mga datingan pa lang ng mga vloggers at youtube promoters eh magdududa ka na talaga. Parang tulad land din iyan ng mga rugpulled project na mga NFT na pinopromote ng mga streamers. Hinahype nila sa laki ng kitaan at panalo. Malaki difference ng mga gambling streamer ng mga legit casinos, pinapakita nila ang flow nga game manalo o matalo hindi lang puro panalo, then iyong pagwithdraw ay pinapakita rin nila ang process, unlike karamihan sa mga nagpopromote nito eh, hanggang kwento lang. May ipakita man, obvious naman na forged or photoshopped.
Dapat talaga sa mga nagpopromote ng mga scam sites ay kasuhan dahil kumikita sila sa pagkakascam ng mga tao. Dapat sampulan na ang mga ganitong klaseng streamer para naman maging responsible sila sa mga content nila especially sa mga investment schemes.
Sobrang daming mga bagong casino ngayon at ganyan lang mangyayari every time na merong parang nasa hot seat ng mga criticism. Parang iisa nga lang ang owner ng mga yan kasi paiba iba lang ng pangalan pero ang sistema parang pare parehas lang hanggang sa dumami ulit ang mga users nila. Ang mga kababayan naman natin ang kawawa dito kasi mahihikayat nanaman at hindi natututo. Merong sa mga scam nadadale, meron naman sa irresponsible gambling nadadale.
Marami kasing natitrigger ng greed. Kung hindi magiging ganid ang tao, kokonte lang maiiscam. Pero hindi talaga matanggal ang pagiging greedy kaya mga scammer parang nagtitrade lang, wash, rince and repeat ang datingan.
Tapos ang responsible authority naman ay napakawalang wenta, naghihintay pa na may magreports sa kanila, ni walang initiative para gawin ang scope ng trabaho nila. Puro sitting pretty sa opisina, nagpapasweldo lang ang mga tax payers sa mga taong natutulog sa trabaho. Nakakasama ng loob talaga.