Ang pagkakaalam ko nakared flag na itong PHLWIN, pinopromote ito ng mga sikat na influencers kagaya ni @makagwapo, @whamoscruz, @Page ni Ato at @Awit gamer, lalo na yung @Jonathan vlog na may video na nasa sasakyan sinasabi nya na galing daw sa PHLWIN halatang-halata naman na hyped lang ang ginagawa.
Itong mga infleuncers na ito, yari itong mga ito paginimbestigahan sila ng SEC dahil nagpopromote sila ng ilegal na casino na hindi rehistrado sa SEC, kasi mga hindi rin nagreresearch sapagkat mga mukhang pera din at silaw na silaw sa bayad. Tapos nanloloko pa ng mga followers nila na madali daw kumita oo madali din mawala ang perang pinasok. Abangan ko nalang pagpinatawag na sila sa imbestigasyon, hehehe
Wala pa kasing notice ang SEC regarding sa PHLWIN kaya malaya pang nakakapagpromote ang mga influencers ngayon.
Kapag nag-labas na ng notice ang SEC at sinabing possible scam or fraud ang site na ito, dun na magsisimulang mag-delete ng mga posts yang mga yan. Parehas na parehas lang doon sa Lelegold kung saan pagkalabas ng SEC notice, tinanggal na nila lahat ng mga posts nila sa pages nila para walang ebidensya. Sobrang nakakahiya pero wala tayong magagawa kung ganun ang gusto nilang gawin. Wala rin naman tayong magagawa para managot tong mga influencers na ito.
sa totoo lang sinubukan ko rin itong laruin nung nakaraang buwan nung di pa ito masyadong patok. oo nanalo ako ng kaunti tapos kinash out ko para makasigurado na. nacurious lang kasi ako sa mga influencer kung talagang totoo nga ba talaga ang mga sinasabi nila, pero mas tunay pa nga sa totoong mawala agad ang pera mo kesa manalo ka. yung mga kaibigan ko dito samin naglalaro ng ganyan, sa una nanalo tapos nung mga sumunod na panay na sila cash-in, yan yung napansin ko. sinubukan ko lang din ito dahil sa curiousity kahit alam kong medyo shady basta talaga pinoy mga nagpopromote dinodouble check ko talaga.
Nakakacurious talaga yung laro lalo na kapag nakikita mong ang lalaking pera ang nakukuha ng mga influencers sa pang-uuto sa kanilang mga followers.
Sa totoo lang, gusto ko ring subukan tong laro na ito pero natatakot akong kapag nanalo ako, bigla akong maadik at hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa pag cash-in. Though alam ko naman kaya kong controlin sarili ko, mas ok na yung safe at hindi na lang mag-cash in sa fraud na ito.