Hindi naman kasi talaga dapat na magsend ng merit kung hindi naman ito makabulohan o hindi nakakatulong. Kasi yung main purpose ng merit ay para hindi dumami yung mga basurang post dito sa forum. Iwasan din ang manghingi ng merit para hindi makatanggap ng negatibong feedback.
Isa din sa naging possibleng dahilan kung bakit mataas yung merit shared ng lokal boards nila, ay dahil may merit source sila at napakadami din ng kanilang mga post sa lokal boards.
Kaya di maiwasang may mga users na nagsisialisan dito pero kung kaya natin magkamerit dahil sa mgaconstructive post, paano pa kaya kung may merit source na.
Yan ang kulang sa ating mga pinoy dito sa ating lokal board, may mga ilan akong nakitang gumawa ng topic na mga pinoy pero sa kanila ko nakita yung sobrang taas ng standard and napakakuripot, na kagaya nga ng sinabi ni @benbarubal kung sino pa yung nag-efort na may sense yung post yun pa yung pinagkaitan ng merit. mapapailing kana lang talaga.
Pero sana maging maganda ang mga pinaplanong ito sa lokal board natin, para naman magbayanihan tayong mga pilipino para everybody happy, kung nagawa ng ibang bansa, papayag ba tayong mga pinoy na hindi natin yung magawa ng higit pa sa kanilang ginawa, siyempre hindi diba?