Iyong alt ko binenta ko na. Iyong goinmerry. Di ko naman na need ng alt kasi kahit papaano ok na ako sa maximum post ng bit-x. Unlimited post siya pero dahil sa pagtaas ng btc rates 150 post na lang ang maximum. Di ko na rin masyado maasikaso ang pag sig campaign. Busy sa pag aaral ng trading at nagagamay ko na kahit papaano. Thanks sa mga trader na Pinoy na nagturo sa akin. Now I know kaya pala iyong ibang mga mamaw dito di na naasa sa sig campaign.
Ok yan boss. Husayan mo pa. Sabay sabay tayo magpakadalubhasa kahit sa totoo dalubhasa ka na talaga hehe. Wag masyado maadik sa chart. Isabay mo lang sa signature campaign hehe.
Nagsalita ang mamaw hehe. Sila Boss Ceg, Sir Val at ikaw ang dalubhasa. Sa kanila ako natuto. Pati pala si agustina na nagpapanggap lang na newbie sa trade
.
Saang site ka nag tetrading? Gusto ko talaga matuto ng trading haha tsaka magkano puhunan mo? Basics lang ang alam ko, buy low , sell high
Limitado lang dun ang kaalaman ko sa trading :3
Magkano puhunan mo boss at anong exchange gamit mo gusto ko pag aralan, mas ok ang traDer my konti din akonh alam sa pag tatrader kc minsan trader din ako sa stock.
Ang gamit naming chart is iyong sa bitcoinwisdom especially iyong sa Bitfinex. Ang setup ko sa chart (credits kay Sir Val) ay pinost ko na sa previous page. Pero sige wag na kayo magbackread :
BBANDS /CandleSticks / StochRSIStochRSi = Indicator ito. It tells u if overbought or oversold. When to buy or when to sell.
Then sa time interval depende sa taste niyo. Pag magalaw ang price dun kayo sa 5m / 1m para makita niyo iyong action.
Iyong volume makikita niyo sa ilalim ng chart yan sa sinabi kong site.
It will tell you what is happening
price up + green volume up = up sya BULLS WIN
price down + red volume = DOWN (Bears) madaming sellers
Sana nagets niyo haha. Magegets niyo rin yan pag babad kayo sa chart. Sa ngayon di magalaw ang price. Maganda galawan niyan nung nag $400- $500.
Sinabi na ni agustina to pero puwede kayo magpraktis sa coins.ph pero parang wala yata $ currency doon. Maganda kasi magtrade kapag $ ang pagbabasehan kaysa sa PHP.
Bitfinex , Bitstamp ,ecoin ilan sa mga magandang exchange site.
If may experience na kayo kagaya mo bro yakel madali ka na siguro makapagadjust. Ganoon lang din ang siste.
Buy low sell high. Madali lang pakinggan pero ang tanong kasi diyan kailan ang low at kailan ang high. Kaya maganda tumingin sa chart para makabuo ka ng mga speculation.
Puhunan? Kahit Php1k ok na pero kung maganda ang galawan maganda mga
BTC0.5-
BTC1. Pero kagaya nga ng sinasabi ng ilan,
invest only what can you afford to lose. Ang maganda kasi sa trading wala kang talo in a long term basta sa bitcoin to usd exchange ka lang. Low chance na mapababa ang bitcoin price ngayon ng less than $200.
PATIENCE ang mahalagang ingredient dito.
Useful thread :
https://bitcointalksearch.org/topic/wall-observer-btcusd-bitcoin-price-movement-tracking-discussion-178336Then sa FB hanapin niyo iyong Bitcoin PH. Iyong mga mamaw na trader nagpopost doon about sa galawan. Mahalaga magbasa ng speculation with basis. Laking tulong.