Based on experienced, parang nasa 50% takot and 50% risk taker.
50% Takot
- Kasi alam nila na volatile ang market, so, pwede siyang tumaas any moment at pwede din bumulusok pababa ng biglaan lang.
- Kasi walang humahawak ng funds mo kundi ikaw lang, meaning kung sakaling merong financial loss wala kang hahabulin na insurance company or kung anu man na bank para makuha ang any loss money.
- Hindi ko yan balwarte.
- Wala ako time matuto dyan at busy ako, pero makikita mo nag-invest ng diamonds sa Mobile Legends para lang magRank up.
- Gusto mabago ang buhay pero ayaw magtry ng bago or ayaw lumabas sa kanyang comfort zone.
- Okay na ako sa stock market at least alam ko na yung company matatag, yan bang bitcoin kilala mo may-ari?
- Bobo ako dyan.
- Ikaw na lang magtrade saken or hanap ng crypto investment, bigay ko na lang pera sayo, okay lang ba? Katakot eh, baka magkamali pa ko.
- Wala nga ako lovelife, pang invest pa kaya dyan sa bitcoin. Buti nga yang bitcoin nagmamahal. Too risky yan parang lovelife ( D ba meron pang humuhugot? )
- Breadwinner po kasi ako baka pagnawala ang pera sa bitcoin, wala nang kakainin kami.
50% risk taker. Mostly sila yung mga un-expected mo na magtry nang bitcoin investment. As in kala mo hindi sila maglalaan ng oras para matuto nang cryptocurrency side. Pero talagang pagnakausap mo ulit mas magaling na sayo.
Pansin ko naman sa Pinas na natutoto na ang mga Filipino, hindi nga lang ganun kabilis ang pag-lago ng bitcoin sa Pinas pero at least we can see some improvements. Hindi tulad dati na "Ano yan bitcoin? Scam yan".