Sa mga nakikita mo, sa tingin mo bakit takot parin ang mga pinoy na mag invest? Kulang ba sila sa kaalaman o sadyang hinde lang sila open minded lalo na sa mga investment opportunities especially on cryptomarket?
Sa tingin ko hindi dahil sa takot mag-invest ang mga pinoy, ang dahilan nito ay kakulangan sa mga institution nag magpopromote ng cryptocurrency sa ating bansa. Kung pagmamasdan natin, karamihan sa nag-aalok ng investment patungkol sa cryptocurrency ay scam, at maraming pumapasok dito. Ang nakakalungkot lang ay hindi pumapasok sa market ng cryptocurrency ang mga perang pinapasok dito kung hindi sa bulsa ng mga may-ari at naunang sumali (Ponzi Scheme). Sa tagal ng cryptocurrency kailan lang nagkaroon ng malawakang impormasyon sa ating bansa patungkol sa cryptocurrency kaya hindi pa natin gaanong nakikita ang epekto nito sa ating mga kababayan.
Let's be honest on our opinion kase recently i asked my friend to invest sa bitcoin lalo na ngayon na nagsisimula na ulit itong umangat at ang sinabe nya lang sakin ay hinde pa sya handa and hinde pa sya willing matuto, so nagulat lang ako kase mukang hinde talaga sya open for any investment knowing naman na maganda ang work nya. I just want to know kung nakaencounter naren ba kayo ng ganito?
Ganyan talaga kapag wala pang nakikitang resulta sa mga ginagawa nating investment. Katulad sa naranasan ko, way back 2014 ng simulan kong ipaalam sa kapitbahay at mga kaibigan ko ang patungkol sa cryptocurrency. Sa dinadaming pinagkwentuhan ko tungkol dito iisa lang ang naniwala sa akin. Nang dumating ang 2017 at pumalo ang cryptocurrency, siyempre since nagkaroon ako ng investment, nakita nila na lumuwag ang kabuhayan ng pamilya ko, napagawa ko ang sira sira naming bahay at nabili ko ang mga plano kong bilhin. Nang makita nila ang resulta ng investment ko sa cryptcourrency ayun nagkaroon sila ng interest. At nagsimulang mag-invest kaya lang nasampolan sila ng bear market hehehe. Hindi na kasi nagtanong sa akin at nalaman ko na lang na pumasok na pala sila sa cryptocurrency industry.