Actually ako anti-duterte ako, but is doesn't mean na galit ako sa kanya, ang ayaw ko lang sa kanya is yung sinabi niyang magiging pamamalakad niya, at sinabi niyang magiging "bloody" yung way niya ng pagpapatupad ng batas, even though na laganap na ang krimen sa bansa pero on my own opinion pwede naman gumamit ng paraan, pero no choice din kasi talaga ang mga tao eh matitigas ang ulo hanggat walang nasasample-an eh hindi titigil.
Oo nga e, ang nangyayari din kasi sa bansa ngayon eh, pera na ang batas, kapag mayaman ka abswelto ka sa kaso mo , kapag mahirap ka at may kaso ka, nako magdusa ka sa kasalanang ginawa mo dahil wala ka namang pambayad sa mga opisyales / judge / abogado. Sana mabago tong sistema ng gobyerno natin, gusto ko rin sana makita yung sinasabi ni duterte na 3-6 months alisin nya ang corruption at kriminalidad, pero tingin ko imposible ata.
Imposible nga n kaya nyang ayusin ang kriminalidad sa loob lng ng 6 months. Pero posible din kc walang imposible sa taong mapursigi. Kaya ipaubaya n lng natin sa kanya yan. Kc may napatunayan n cia sa davao.
Tama, pero ang boto ko for president ay para kay Madam Mirriam, pero kung sino man manalo sa kanila, sana silang dalawa si mayor duterte or madam mirriam kasi magkaibigan naman sila, wala sanang manalo sa hanay ng LP, kasi sure na ipagpapatuloy lang yung mga nasimulan kuno na daang matuwid na sabi ni mayor eh 'kulubot' haha
Ako din Miriam din ako, pero di naman ako anti duterte, basta ang akin lang wag lang sobrang harsh ng plano para linisin ang Pilipinas kung sakaling manalo siya... baka kasi maging oppressor ang dating niya eh maulit na naman ang history natin..ayaw pa naman nating naaapi kahit pa may kasalanan talaga yung tinutugis..
Oo, basta wag manalo si roxas, okay na ako diyan.. hahaha...baka kasi bahala na tayo sa buhay natin pag nanalo yan..
kapag siya naging presidente baka sabihin niya sa ating mga kapwa niya pilipino, "you are all pilipino, but your president is me, a Roxas" nako grabe talaga kahit na kababayan ko to si roxas, probinsiya kasi namin capiz,roxas pero hindi ko siya boboto sablay na kasi papogi niya ngayon, matatalino narin mga botante ngayon alam kung papogi o kung talagang sinsero yung isang kandidato.
Hha.mararami talagang ayaw kay roxas nakakapgtaka si miriam pa huli at hindi siya ..chief .yung mga ganyan sincere lang kapag botohan gusto lagi caught on cam ..ultimo plastic na oinamimigay roxas nakalagay ..hha..nabalitaan ko ss isang part manila nagmimigay yata jollibee pero usap usapan lang un Ss lang ng isang member may ngcomment pinapunta kami tapos pagdsting namin di na kami nabigyan ubos na daw.wahahah