Then what if hindi ganyan ang nangyari?may mga taong tulad kay Lt. Marcelino, or kay hanzel marantan, they are in the system, madaming galamay, madaming sabit, and sila sila mismo sa pulis ang protektor, three to six months is not even enough para malinis ang buong hanay ng pulis and ang gabinete..tandaan, hindi lang iilan ang drug addict and drug lords dito satin, panigurado magkakarun ng negative impression sa human rights if maya't maya may tumutumba na lang...at hindi yan ang numero unong problema ng Pilipinas and I think he is not a good example of being a pride of the Philippines, and Davao is not as big as the whole Philippines, madami nang nangakong susupilin ang kriminalidad sa buong Pilipinas, but nothing happens, ends up another lame duck..
Kaya nga sir, pero sino sa kanila ang tingin na kahit papano may mabago?Hndi naman pwedeng hayaan natin sila. Kung ganyan,parang Hopeless case na tayo...
Pero, di ako naniniwala na wala ng pag-asa dahil sa atin una dapat magsimula. Lider na may Political Will ang kailangan na handa ipatupad ang Law and Order.
Maraming policies sa Davao na ipinatupad nya,na pwede sa national like anti-discrimination,ang pagkuha ng businness permit within 72 hours ba yun,sa iba meron na ring ganyan,at kung lumagpas doon sa oras na itinakda sa opisina na ng Mayor magpaliwanag ang officer involved,mga projects na ipinatupad maganda kung ang 911 buong Pinas meron tayo nyan pero di naman masyadong ramdam,First intelligent city with tie-up sa IBM etc.
Sa leadership pa rin siguro yan,kung sinabi na ng Presidente sa custom/ibang ahensya ng gobyerno na STOP na ang Kurapsiyon at sige pa ang pangungurakot, may kalalagyan ka.Sabi nga ni Duterte, its either ipapatawag nya ang gumagawa o siya mismo ang pupunta sa office mo.
Malalaman mo ang isang lider na sinusunod ng tao kung sa simpleng smoking ban lang sinusunod sya,sa simpleng bawal ang paputok every December sinusunod sya.Simple lang yan pero dyan mo malalaman o mapulsuhan ang tao.
Sya lang ata ang talagang nag all-out-war sa camp abubakar eh. Kaya rin nasira ang mga businesses ng mga generals kaya yun, talsik si erap. di kinaya ng mga businessmen ang action star
OO nga sir, si Erap lang ang seryoso para sa kapayapaan sa Mindanao,pero nagawan din ng paraan para mapatalsik sa pwesto.Marami syang nabangga.