Pangit ang walang tax mga Chief. Di ako agree diyan mga pauso nila akala nila makakakuha ng boto yan dahil maganda nga pakinggan. Alam niyo napagkaganda ng tax rates natin dito sa bansa natin pero ang problema walang napupuntahan. Sa Singapore malaki tax doon pero kita naman ang resulta. Hay buhay Pinas. Paano kaya uunlad ang bansa kung walang tax. And karamihan pa sa mga workers dito sa atin below 30k ang sahod so paano na? Alam ni Binay yan pero siyempre mas cute pakinggan nga naman kung walang tax.
Yes, that is true, tsaka meron naman nang mga exempted sa income tax like yung mga sumasahod ng below 6000 pesos a month pababa, talagang exempted sila sa BIR, ang pangit lang diyan, ginagawang dahilan yan ng mga negosyante para mag hire ng mga tao and bobolahin agad nila na 6000 lang ang sahod nila para di na sila kaltasan ng tax,which is papatak talaga sa below minimum...
I think tama talaga si Miriam, na dapat ma double ang per capita income ng mga trabahador muna, that way siguro maitataas na din ang ceiling ng mga exempted sa tax.. 12k to 15k is I think reasonable na para maging exempted sa income tax and tamang tama na if maliit and nag uumpisa pa lang ang pamilya.. tamang tama lang din na papatak siya sa minimum and sosobra siya sa 12k if kasama ang overtime...
isa pa, hindi naman nya basta-basta matatanggal ang tax ng mga sumasahod ng 30k pababa. dadaan pa yan sa masusing pag-aaral at kung walang mapagkukunan ng pantapal sa mawawalang koleksyon ng BIR mula sa income tax, hindi naman nya maipipilit tanggalin yan. At ang dami na din mga tax exemptions ng mga empleyado lalo na ung mga pamilyado, so I think huwag na nya pakiaalam ung income tax na yan.
Dapat ang tanggalin nya ay yung value added tax (VAT) na nagpapahirap lalo sa atin. Kung mawawala ang VAT, napakalaling kabawasan yan sa mga presyo ng bilihin.
At dapat ang sabihin nya ay tanggalin na ung mga tax exemptions ng mga malalaking kumpanya. Pero yun nga lang, mawawalan sya ng suporta sa mga business communities. ahahai