Hindi na natin maiiwasan ang katotohanang kailangan natin ng Ingles upang maipahayag ang ating sarili sa paraalan, trabaho, at maging sa mga bagay na ating kinahihiligan. Kung kaya't marapat lamang na ito'y ating matutunan, bilang ito ang lengguwaheng pang internasyunal. Ang mga gabay na ito ay kapaki-pakinabang upang mas mahasa ng mga Pilipino lalo na ang mga gumagamit ng Bitcoin sa kanilang pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng opinyon sa wikang Ingles.
Sabihin man nila na ayos lang kung baluktot ang iyong Ingles, sa tunay na mundo, mayroon ka pa ring angat kung nahasa mo na ang iyong berbal at di-berbal na pakikipag komunikasyon. Ang mga Pilipino ay madaling maturuan at makipagsabayan sa iba kung kaya't walang hindi kaya sa taong nais umunlad at matuto.
Malaki talaga ang maitutulong ng mga ito upang mas lalo tayong maging bihasa sa pag sasalita, pagsusulat ng salitang English, At syempre nasa ating kagustuhan rin ito upang matuto ng English, Kasi hindi rin tayo matuto ng maayos dito lalo na kung wala naman sa ating kagustuhan..
Salamat sa mga tips upang mapaganda at mapabilis ang pagkatuto natin ng lengguwaheng english. Ang english ay kinikilalang universal language na kung saan ito ang tulay na lenggwahe para magkaintindihan ang dalawanf magkaibang bansa. Ito rin ang basehan ng pagkakaroon ng magandang kumunikasyon ng bawat isa. Halos lahat ng platform natin ay maituturing ng gumagamit ng english language dahil ito ang ating basis. Alamin natin ang bawat corrections nang sa gayon ay maiwasan ang mga improper or mispronounciation natin at para maintindihan tayo ng ibang tao.