Pages:
Author

Topic: Resources Para Matuto sa English Language - page 6. (Read 2248 times)

member
Activity: 174
Merit: 10
Napaka ganda naman ng post mo na ito lubos na nakakatulong talaga sa pag aaral ng english itoy sapat na resources upang makpag aral ng english mahasa ang skills sa pag bigkas ng english. ito'y aking nirerekomenda ko para sa mga newbie dito at gustong matuto ng english
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Magandang starting point at guide ito para mahasa sa pagsasalita ng ingles. Pero gaya nga ng sinabi ko hindi naman kailangang fluent ka sa ingles ang importante nasasabi mo yung gusto mong sabihin ng naaayon at malinaw. Hndi naman kasi natin ito main languange so for me understandable na may mali sa grammar.

Kaya lang syempre tulungan mo din ang sarili mo mag improve at itong thread ni op napaka useful, nandyan na lahat ng basic na dapat aralin at sundin.

Iba pa din kasi talaga basahin kapag tama ang grammar dahil nai express ng mabuti ang point ng message. Yung ibang lahi kahit punctuation napapansin din kung tama ba o mali ang pag gamit, ganun sila ka observant.
sr. member
Activity: 868
Merit: 257
Para sakin mas madali ka lang matuto sa English kung hilig mo ang pag babasa dahil dito mas lumalalim yung mga vocabulary word natin. May kaibigan akong mahilig ang magbasa ng mga english novel and ngayon isa na sya sa pinaka magaling mag English samin. Lahat ng sinabi mong way para matuto kaming mag english sobrang laking tulong samin. Napapansin ko din pag mahilig ka din mag basa mas nalalaman mo yung mga proper grammar. Sa tingin ko mas lalo kang uuhasay sa English kung lagi kang magbabasa ng mga English books.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Minsan kapag wala akong magawa ginagamit ko yung dinownload ko sa cellphone kong english tutorial malaking tulong din kahit papano para maenhance yung english vocabulary natin at the same time mas maganda kung nilalabas din natin thru posting or whatever na mapapapraktis natin yung mga natutunan natin. With the given information above madali na lang para sa iba na makapag hanap ng ways para maimprove yung english efficiency.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Ito yung matagal ku nang hinahanap na resources para matuto sa English Language tamang tama magagamit ku ito sa pag aaral ko pati narin sa pag pag popost dito sa forum my iba kasi kong website na nakita para matuto sa english pero sa kasamaan palad need mupa maging premium member para sa mga tools, maraming salamat kabayan babasahin kong mabuti ito.
Anong website to sir? Baka pwede natin yan gamitin para lalo tayong humusay sa english. Mayroon kasi akong dictionary at iba pang way para matuto ng english pero kinakailangan ko pa ng iba. Kung gusto mo talaga matuto basahin at intihin mong maigi ang bawat detalye na nakapaloob sa thread na ito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Ito yung matagal ku nang hinahanap na resources para matuto sa English Language tamang tama magagamit ku ito sa pag aaral ko pati narin sa pag pag popost dito sa forum my iba kasi kong website na nakita para matuto sa english pero sa kasamaan palad need mupa maging premium member para sa mga tools, maraming salamat kabayan babasahin kong mabuti ito.

Hindi lang ito magagamit natin dito sa forum kundi pati na rin sa iba pang mga occassion tulad ng pag aaral o sa mga opisina kung nasa ibang bansa kana, kahit pala hindi kapa nakakalabas ng bansa sa mga officemate natin na Englisero tiyak na makakasagot kana kahit papaano  Grin Grin..
full member
Activity: 798
Merit: 104
Ito yung matagal ku nang hinahanap na resources para matuto sa English Language tamang tama magagamit ku ito sa pag aaral ko pati narin sa pag pag popost dito sa forum my iba kasi kong website na nakita para matuto sa english pero sa kasamaan palad need mupa maging premium member para sa mga tools, maraming salamat kabayan babasahin kong mabuti ito.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
Sang ayon naman ako sa listahan na ito. Yung sa akin lang naman na opinyon at base sa experience, mas natuto ako mag salita ng english
sa pamamagitan ng pagsalamuha sa mga amerikano o  ibang banyaga na english ang language nila. Sa tingin ko pag nakipag usap ka sa isang banyaga natuto ka kung paano sila magsalita at minsan may matutonan ka na bagong salita. Sabi nga nila praktis makes perfect.
O di kaya experience is the best teacher. So e.experience natin makipag usap sa mga banyagag amerika or english.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Good effort mate, thanks for sharing these, lots of us in the community will benefit this, especially those who are not so fluent in English.
sr. member
Activity: 672
Merit: 251
Great! I believe we can easily adopt English language kase pinoy tayo! and I know all the hard work will be worth it. English is very important lalong lalo na sa forum na ito, and naniniwala ako na you don't have to be good in English as long as you know what you are saying and you can say it direct to the point. This is a great tips though most of Pinoy here will surely not make effort on looking this thread because of being in active in local forum.
Actually we can adopt English language kase we're simply good at it. Mostly mga Pinoy, second language is English dahil na din siguro sa civilization ng mga kano dito . Pero I disagree dun sa sinabi mo na you don't have to be good in English as long as you... In this forum you need to. Madaming mga judgemental dito. Sobrang dami nila. So you need mastery in English talaga especially when you are joining signature campaigns.
member
Activity: 476
Merit: 12
Its not easy to learn English lalo na sa mga taong mahina talagang pumik up kahit nga yung mga average level nahihirapan padin pero kung talagang pag tutuunan ng pansin makakaya natin yan itong thread na ito ay napaka useful not only for posting in this forum makakatulong din ito sa mga nag aaral na gusto pang gumaling sa pag eenglish.
Yung Grammar talaga ang nahihirapan ako at mga English Vocabulary.
full member
Activity: 602
Merit: 103
Yung article kasi is already in english,so hindi na nya need itranslate but pwede nya naman ipost ang topic then i link yung article.

Great work OP sa pagtranslate nito sa Filipino Smiley Maraming matutulungang mga "bagong" member yan na medyo shitpost ang dating ng mga post.

I think para din siguro may content itong thread nya kaya niya trinanslate nalang into Filipino.

For sure marami itong matutulungan, libre na, gagaling ka pa sa english. I like this thread, I could apply these things to myself for personal development, the only problem is if Local Members could appreciate this, minsan kasi napapagod na tayong mag-aral kung kaya't duon nalang tayo may kikitain which is mga airdrop o mga bounty.
member
Activity: 68
Merit: 32
Sa tingin ko mas deserve ni  OP ang merit kesa sa ganitong reply :



Very useful especially sa mga tao na hindi sanay mag-english at mag-observe ng proper english grammar. Sobrang makakatulong din ito sa pag construct ng mga posts especially kung gusto niyong magka merits or makatulong sa mga ibang tao dito sa forum. Kahit mga professional na tao nagkakamali din sa basic grammar kaya lubhang makakatulong ito sa lahat ng tao.

I highly suggest na i-translate mo ito sa english and i-post mo sa beginners and help section para makita ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.

parang me naamoy akong...  Tongue



Yung article kasi is already in english,so hindi na nya need itranslate but pwede nya naman ipost ang topic then i link yung article.

Great work OP sa pagtranslate nito sa Filipino Smiley Maraming matutulungang mga "bagong" member yan na medyo shitpost ang dating ng mga post.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Great! I believe we can easily adopt English language kase pinoy tayo! and I know all the hard work will be worth it. English is very important lalong lalo na sa forum na ito, and naniniwala ako na you don't have to be good in English as long as you know what you are saying and you can say it direct to the point. This is a great tips though most of Pinoy here will surely not make effort on looking this thread because of being in active in local forum.
Hindi naman talaga kinakailangan na magaling mag english ang isang tao kung naaiintidihan naman ito ng nagbabasa nito ayos na yun. Pero sana huwag naman yung parang english carabao or ang daming mali na grammar. Kaya dapat sa atin mag aral sa english ako hindi magaling pero sinasanay ko lagi sarili ko pati pananalita ko minasan english na rin pati nag aaral rin ako pagmay time lalo na sa grammar.
full member
Activity: 686
Merit: 108
Great! I believe we can easily adopt English language kase pinoy tayo! and I know all the hard work will be worth it. English is very important lalong lalo na sa forum na ito, and naniniwala ako na you don't have to be good in English as long as you know what you are saying and you can say it direct to the point. This is a great tips though most of Pinoy here will surely not make effort on looking this thread because of being in active in local forum.
hero member
Activity: 2282
Merit: 795


Very useful especially sa mga tao na hindi sanay mag-english at mag-observe ng proper english grammar. Sobrang makakatulong din ito sa pag construct ng mga posts especially kung gusto niyong magka merits or makatulong sa mga ibang tao dito sa forum. Kahit mga professional na tao nagkakamali din sa basic grammar kaya lubhang makakatulong ito sa lahat ng tao.

I highly suggest na i-translate mo ito sa english and i-post mo sa beginners and help section para makita ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Una sa lahat gusto ko lang makatulong sa mga kababayan ko na nahihirapan sa English Language, hindi ko kayo masisisi dahil sadyang mahirap ang lenguahe nato lalo na kung wala kang masyadong alam sa pag construct ng mga sentence o yung tinatawag nilang Grammar.
natatandaan mo paba nung nag-aaral kapa palagi kang absent minded sa klase? wag kang mag-alala pareho tayo. kaya laging tandaan nasa huli ang pagsisisi.

Ngayon isheshare ko sa inyo ang mga nahanap kong paraan upang mapadali sa atin ang pagaaral ng English Language,
at dapat din maging masipag tayo sa pagbabasa at pag translate ng mga english word na bago sa ating pandinig ng sa ganon madali natin itong maintindihan habang nandito tayo sa forum.





Narito ang mga resources upang madali tayong matuto:

1. Reading o Pagbasa
Ito na yata ang pinakamadali sa lahat kung magaling kanang magbasa madali na sayo ang mga susunod na instruction,
dito sa site na ito ay may maraming resources patungkol sa Reading, dito mapapadali ang iyong paghusay sa pagbasa dahil meron silang
25 comprehension level, magsimula ka muna sa elementary tapos Pre-Intermediate pagmadali na sayo magproceed kana hanggang sa dulo.
Reading Exercises



2. Writing o Pagsusulat
Sa Pagsusulat naman ay hindi na bago sa inyo to, pero ang ituturo sa inyo dito kung pano nyo sasagutin ng tama ang mga mensahe o katanungan base sa halimbawa na bigay sa inyo ng Bot. meron din itong levels na kung saan ay magsimula ka muna sa ibaba hanggang kung kaya monang higitan ang kaalaman mo tsaka ka mag proceed.
Writing



3. Speaking o Pagsasalita
base na rin sa nabasa ko ang mainam na gawin mo ay e record mo ang sarili mong pagsasalita para narin kung meron ka mang mali na sa tingin mo ay dapat itama, maitatama mo ito ng madali dahil ikaw ang nakakaalam sa sarili mo at ang pag rerecord mo ng salita ay mapapadali nito ang pag memorize mo ng mga English words dahil na rin sa madalas mo itong naririnig sa pamamagitan ng boses mo. gumamit kanalang ng Cellphone sa pagrerecord wala na yatang cassete ngayon.


4. Listening
Gaya ng sinabi ko isa ang pakikinig ng Audio sa maaaring ikahusay mo sa pagsalita ng English Language at lalo na kung ang pinakikinggan mo ang mga native speaker nito saibibigay kong site dito maririnig mo kung pano ang tamang pagbigkas ng mga words at sa pagbigkas nila ng mga words gayahin mo ito saa iyong pagbabasa at pagrerecord.
Listening



5. Grammar
Isa sa mga importante sa lahat ng mga lenguahe ang pag aaral ng grammar nito, pag na master mo na ito mapapadali na sayo ang pagbigkas o pagsalita ng English, dito naman sa site nato maraming mga paraan ang iyong mapakikinabangan upang mapadali sayo kung papaano ang pagconstruct na isang sentence gamit ang mga natutunan mo.
Grammar



6. Pronunciation o Pagbigkas
Sa pag Pronunce naman ng mga words, upang malaman mo na ang mga words ay nabibigkas mo ng tama gumamit ka ng Apps tulad ng "Speak English Pro: American Pronunciation" tapos magsalita ka ng magsalita ng mga english words mas mainam na Lyrics ng kanta o kahit ano, ikaw ang bahala. kung meron mang words na hindi naiintindihan ng Apps, bigkasin mo ito ng paulit2x hanggang sa ito ay tumugma, gayun paman meron mga apps na hindi perpekto kahit na tama na ang iyong pagbigkas. pero mabuti na rin ang gumamit ka ng Apps kaysa sa nagpapachamba ka.


7. Vocabulary
Ang pagmemorise mo ng mga vocabulary ay isang magandang paraan para ikaw ay gumaling sa pagsasalita ng English, maniwala ka sa akin  marami pa kayang mga words ang hindi natin alam ang ibig sabihin, kung magagamit mo ang mga ito sa pag rereply mo dito sa mga thread?
mapagkakamalan ka ng Amerikano ang hindi nila alam marami kalang na memorize na mga vocabolary. sa ibibigay kong site, Quiz ito na may magandang katanungan upang mapadali sayo ang pag memorize mo.
Vocabulary



8. Exam o Pagsusulit
Dito naman pagkatapos ng lahat ng natutunan mo ay pwede kanang sumubok sa mga Pagsusulit na kung saan malalaman mo kung hanggang saan na ang naabot mong Levels, pwede mo itong ulit ulitin hanggang sa ikaw ay mahinog at tuluyan ng maging amerikano, Joke lang po  Grin.
Exam



Ang lahat ng mga sinabi ko dito ay pawang mga payo lamang kung gusto nating matuto, kung meron man akong nasabi na hindi tama pag pasensyahan nyo na po tao lang nagkakamali, hindi rin po ako ganon kagaling sa pag sasalita ng English mas magaling pa po yata kayo sa akin.
nais ko po lamang makatulong ng sa ganon hindi tayo parating ina Understimate ng mga ibang lahi dahil sa ating pagsasalita ng English. ipakita natin sa kanila na hindi tayo ganon ka bobo gaya ng inaakala nila. wag natin mamadaliin ang pagaaral nito bagkos maglaan tayo ng panahon upang maging mahusay tayo sa ating pagsasalita ng English. Yun lang po!


Source:
https://www.ef.com/wwen/blog/teacherzone/self-study-resources-for-students/
Pages:
Jump to: