Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
Ang magandang solusyon para makaiwas sa mga scam investment ay pagbibigay kaalaman kung ano ano ba dapat tatandaan at dapat isaliksik para malamang scam ito. Tulungan sa impormasyon at pagbabasa at pagunawa sa mga kaalaman.
Ngunit wala na tayong magagawa sa mga taong gusto lahat ay madalian lang lalo na sa ganitong paraan.