Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
May maganda ka namang idea at maganda na magkaroon ng child board ang ating local board upang pag usapan ang mga patungkol sa scam investment nang sa gayon ay makaiwas ang marami sa mga scam na naghahain ng mga magagandang panukala sa ating mga kababayan na sa huli ay sila din ang makukunan at malulugi.
Napansin kulang isang daang peso gagawing 1 milyon? napakalaking bagay nito kong iisipin kayat kong may mag offer nito sa kahit na sino ay mapapaisip na tanggapain at subukan kong tutuo hindi ba? kasi kong sa unag pagkakataon at nakapag withdrew kana ng 1 milyon ay malaking halaga na ito at maari kanang tumigil dahil sabi nga sa huli lumalabas na ang mga sites na ito ay scam so kailangan one time investment lang. Iyan ang personal ko lamang na opinyon.
masasabi kong engot ang taong maniniwala sa investment na 100 piso gagawing 1million, ang nakakalungkot meron pa rin talagang kumakagat sa mabulaklak na pangako ng mga scammer. hindi ko malaman bakit may mga taong nasscam pa sa panahon ngayon kasi nagkalat naman na ang kaalaman para dito. wag na wag magbibitiw ng pera kung walang kasiguraduhan