Pages:
Author

Topic: Scammers BTC addresses at iba pa (Read 532 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
December 28, 2020, 04:56:53 AM
#34
Super dami na talagang scammer ngayon lalo na mataas ang bitcoin gagawa ng paraan ang mga yan na makapangscam ng mha tao.
Mas maigi pa lang na habang maaga pa lang ay malaman na natin agad ang kanilang mga bitcoin address para makasigurado na wala na silang maiiscam pa pero nakakalungkot lang maraming mga investors ang loko ng mha scammer na yan na sana ay karmahin sila sa mga pinaggagawa nila sa tao na talaga naman hindi makatarungan.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
December 12, 2020, 09:35:16 AM
#33
Meron palang ganito, pero sa pagbasa-basa ko ng mga posts niyo, tama yung mga sinabi ni @Theb. Hindi rin naman natin masasabing reliable ang mga site na may ganitong serbisyo dahil sabihin na nating hindi naman o hindi pa naman sila recognize as trusted or legitimate sites. Ganunpaman, nasa sarili pa natin yan na dapat talaga ay merong sapat na kaalaman upang matukoy ng totoo kung scam o hindi. Alam ko marami dito ang marunong at magaling kaya sa unang tingin mo pa lang ay halata na at kaduda-duda na, iwas na lang at i-report na lang din. Kapag meron ako nakikita o na eencounter gaya ng mga kumakalat na mga peke at gumagamit ng ibang pangalan ay ipinapalaam ko sa official sources.

Gaya na lamang nito:

Merong nakapasok at nag post na spammer na scammer sa isang group sa telegram kaya tiningnan ko agad kung meron nga ba talagang ganyan na tweet. Yun nga wala naman! Bahala na siya kung mapansin niya yung tweet ko sa kanya  Grin
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
December 11, 2020, 09:28:30 AM
#32
Though andali mag generate ng wallets lalo na mga scammers at hackers na andaming emails at phone numbers na naka ready .
malaking bagay pa din tong na rrecord ang mga nagamit na once sa kalokohan so meron tayong pag babasehan.
pero xempre hindi perkot wala dun sa listagan eh safe na do our own diligence pa din and assessment sa mga nakaakusap natin.
Mararamdaman mo naman ang pagkatao kung nagsasabi ng totoo or pinapaikot ka lang.ingat pa din sa internet dahil sadyang andami nilang mga masasamang loob.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
December 11, 2020, 01:40:58 AM
#31
May tulong din eto para maverify natin kung may record na ba ang isang bitcoin address sa pang eescam pero siguro ay wala ng mas liligtas pa para hindi mabiktima ng scam ay yung  mataimtimang pag research sa isang proyekto na gusto nating paglagakan ng ating digital na salapi. Wag basta basta magpapasilaw sa mga matatamis na salita at nakakalulang mga pangako na sa maikling panahon ay yayaman nalang bigla dahil walang ganon. Ika nga too good to be true - SCAM
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
December 10, 2020, 12:00:27 PM
#30
Marami ding mga ganitong website kung saan makikita mo kung suspicious nga ba ang bitcoin address na iyong nilagay o kaya ay nagamit ba sa mga scam online.

Pero mabuti nang magdodble ingat pa rin dahil madali lang din naman gumawa ng mga address ang mga scammer kaya wag masyadong magtiwala kung hindi siya lumabas na suspicious sa site na ito magdodble ingat ka pa din lalo na sa mga website na too good to be true ay madalas scam talaga dahil sa laki ng profit na maaaring makuha mo.

pero kung suspicious na agad ang address at lumabas na ginagamit ito sa scam ay wag na agad subukan na magkaroon ka pa ng transaction.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
December 10, 2020, 09:11:35 AM
#29
Kung sakaling maging aware na ang mga scammers sa ganitong mga sites, sa palagay ko they will always find ways to scam. Gagawa at gagawa pa din sila ng new addresses yun nga lang, magiging disadvantage ito sa kanila at sa katagalan ay mahihirapan na din sila. Mabuti na lang at may mga paraan na para makapagcheck ng legitimacy ng addresses pero ang best weapon pa din natin ay ang pagiging maingat para makaiwas sa mga scammers na yan.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
August 23, 2020, 08:45:58 AM
#28
This could be helpful but we all should know that not all of the scammers are not going to change their Bitcoin addresses when scamming people. It's more going to be helpful to minimize ponzi scheme when there is going to be an update to every application, trading platforms, or softwares that creates Bitcoin addresses that will limit each device using one Bitcoin address only.

This way, a single person (or a scammer) will not going too far by buying so many devices just to scam people. Even if they do, at least the scams would be minimize into bigger extent.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
August 23, 2020, 04:32:13 AM
#27
May downside rin ang mga website na katulad nito. Paano kung legit naman ang iyong negosyo, pero dahil may isang nefarious competitor ka na gustong sirain ang iyong reputasyon. Pwede nyang i-mass report yung wallet na ginagamit mo. At ayun, mabibilang na sa isa sa mga scams na wallet. Kaya nga dapat may nag-aaudit rin ng mga nirereport na wallets eh. Ang kaso anong incentive ng mga websites na ito para gumastos pa sa pag-audit?

Siguro mas maganda kung may 2 to 3 na website kang pagbabasehan. Saka syempre kikilalanin mo rin kung sino katransaksyon mo kung trusted ba sya o hindi.

Yun lang yung hindi maganda don eh yung imamassreport ka para masabing scam yung address mo. Siguro naman di na mag-aaksaya ng panahon yung mga hindi healthy na competitor sa ibang site na ganyan.

About naman dun sa kung anong incentive ng mga websites na ganon, siguro may mga ilan sa kanila na binabayaran para sa ginagawa nila saka meron sigurong hindi pero patuloy parin sa pagbibigay ng magandang service.
full member
Activity: 386
Merit: 104
IDENA.IO - Proof-Of-Person Blockchain
August 16, 2020, 06:18:42 AM
#26
Maraming salamat sa pag-bigay ng mga informasyon na ito mga kababayan. Ito ay sobrang kailangan natin para maka-iwas sa mga scams. Lalo na ng mga newbies. Kaya pumapangit ang pangalan ng crypto dahil sa mga ganitong klaseng gawain. Pero dahil sa mga websites na katulad nito, ay maari na nating malaman kung anong mga wallet addresses ang ating dapat iwasan.

Nakikita ko nga sa Youtube, ang dami ring mga ads na doubler daw. Pag naglagay ka ng 1BTC may babalik daw na 2BTC. I wonder kung nagiging successful ba sila. Pero siguro pwede, dahil di naman sila mag-advertise ng mag-advertise kung hindi sila successful di ba? Ibig lang sabihin kumikita sila. At dami pa ring mga naloloko. Lalo na mga newbies.

Pero tama yung sinabi ng iba nating mga kasamahan. May downside rin ang mga website na katulad nito. Paano kung legit naman ang iyong negosyo, pero dahil may isang nefarious competitor ka na gustong sirain ang iyong reputasyon. Pwede nyang i-mass report yung wallet na ginagamit mo. At ayun, mabibilang na sa isa sa mga scams na wallet. Kaya nga dapat may nag-aaudit rin ng mga nirereport na wallets eh. Ang kaso anong incentive ng mga websites na ito para gumastos pa sa pag-audit?

Stay safe lang tayo guys.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 11, 2020, 10:56:13 PM
#25

TBH I don't see the need of doing background checks with addresses lalong lalo na kung wala namang reliable service na magbibigay sayo ng garantisadong sagot. For example sa recent Twitter hack na may fake giveaways ang mga kilalang personalidad obviously alam mo ng may nangyayaring mali dun kahit hindi mo na i-search yung address na nalink. Fake Youtube giveaways, impersonating social media pages, at scam emails alam mo naman na peke na ito kung aware ka na sa mga scam. Para naman sa mga baguhan all you need to do is maging aware sa mga ganitong klaseng scam na nangyayari sa crypto industry and kahit sa industry na ito there is no such thing as "easy money" kaya if what you are seeing is too good to be true most likely scam yan.
I get it, masyadong matrabaho yung pag background check sa address ng katransaction mo pero mas okay naman siguro na may assurance ka kahit paano. Tingin ko yung sa mga Fake Giveaway, that is different kasi kahit sinong may isip alam na scam yun pero paano ung mga con artist? Hindi ba atleast mag-iiwan sila ng digital footprint if hindi sila magaling. Atsaka kung sasabihin mo lang na mas maging aware ang mga newbie sa ganitong mga scam is not enough kasi may mga tao talagang sadyang tanga at ayaw magbasa at sila ang madalas at madaling maging biktima.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
August 10, 2020, 04:58:31 PM
#24
~snip

It took me time on finding if they have this "as is" type of reporting katulad na din ng unang post ko tungkol sa website na ito to see kung mas reliable yung way nila sa pag-report ng mga addresses na ginagamit ng scammers and yes parehas lang sila ng scam-alert.io.

Disclaimer of Warranties

You understand and agree that the information on this site is provided "AS-IS", and does not constitute legal or financial advice.

Katulad ng sinabi ko sa unang post ko bro yung ganitong klase na reporting na mag-titiwala ka lang sa reports ng ibang tao to create a database isn't the most reliable way kasi pwede itong gamitin ng mali ng ibang tao para pakinabangan nila. Mas magiging ok yung serbisyo nila kung gagawa sila ng sariling fact checking kung yung mga address nga na ito ay tama at hindi panloloko ng ibang tao lamang.

I totally agree bro, kaya sabi ko rin na hindi reliable at talagang pwedeng abusihin talaga. Ako naman ang ginagawa ko eh sa pag hahanap ko ng mga scams at na verify na scam talaga talaga, katulad ng mga fake giveaways, ni rereport ko, parang konting tulong na lang para sa iba. Smiley. Pero syempre ang mga loko gagawa lang ng ibang address lusot na. Pero lately, gumagawa ang mga kriminal ng vanity address, para mapaniwala ang mga baguhan katulad ng 1Muskxxxx na addresses, kaya ingat din tayo sa mga ganyan btc address, malamang sa kriminal na yan at wag magpadala ng btc sa mga yan.

TBH I don't see the need of doing background checks with addresses lalong lalo na kung wala namang reliable service na magbibigay sayo ng garantisadong sagot. For example sa recent Twitter hack na may fake giveaways ang mga kilalang personalidad obviously alam mo ng may nangyayaring mali dun kahit hindi mo na i-search yung address na nalink. Fake Youtube giveaways, impersonating social media pages, at scam emails alam mo naman na peke na ito kung aware ka na sa mga scam. Para naman sa mga baguhan all you need to do is maging aware sa mga ganitong klaseng scam na nangyayari sa crypto industry and kahit sa industry na ito there is no such thing as "easy money" kaya if what you are seeing is too good to be true most likely scam yan.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
August 10, 2020, 03:11:13 PM
#23
Meron pang isa;

https://www.bitcoinabuse.com/

Again, hindi masyado to reliable kasi nga pwedeng gumamit na lang ng bagong btc address itong mga kriminal na to. But at least you can check muna yung mga addressses, wala naman mawawala kung maingat tayo. Mas maganda nga yung medyo may magka 'praning' tayo, kesa maging biktima naman.

It took me time on finding if they have this "as is" type of reporting katulad na din ng unang post ko tungkol sa website na ito to see kung mas reliable yung way nila sa pag-report ng mga addresses na ginagamit ng scammers and yes parehas lang sila ng scam-alert.io.

Disclaimer of Warranties

You understand and agree that the information on this site is provided "AS-IS", and does not constitute legal or financial advice.

Katulad ng sinabi ko sa unang post ko bro yung ganitong klase na reporting na mag-titiwala ka lang sa reports ng ibang tao to create a database isn't the most reliable way kasi pwede itong gamitin ng mali ng ibang tao para pakinabangan nila. Mas magiging ok yung serbisyo nila kung gagawa sila ng sariling fact checking kung yung mga address nga na ito ay tama at hindi panloloko ng ibang tao lamang.

I totally agree bro, kaya sabi ko rin na hindi reliable at talagang pwedeng abusihin talaga. Ako naman ang ginagawa ko eh sa pag hahanap ko ng mga scams at na verify na scam talaga talaga, katulad ng mga fake giveaways, ni rereport ko, parang konting tulong na lang para sa iba. Smiley. Pero syempre ang mga loko gagawa lang ng ibang address lusot na. Pero lately, gumagawa ang mga kriminal ng vanity address, para mapaniwala ang mga baguhan katulad ng 1Muskxxxx na addresses, kaya ingat din tayo sa mga ganyan btc address, malamang sa kriminal na yan at wag magpadala ng btc sa mga yan.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
August 09, 2020, 06:02:16 PM
#22
Meron pang isa;

https://www.bitcoinabuse.com/

Again, hindi masyado to reliable kasi nga pwedeng gumamit na lang ng bagong btc address itong mga kriminal na to. But at least you can check muna yung mga addressses, wala naman mawawala kung maingat tayo. Mas maganda nga yung medyo may magka 'praning' tayo, kesa maging biktima naman.

It took me time on finding if they have this "as is" type of reporting katulad na din ng unang post ko tungkol sa website na ito to see kung mas reliable yung way nila sa pag-report ng mga addresses na ginagamit ng scammers and yes parehas lang sila ng scam-alert.io.

Disclaimer of Warranties

You understand and agree that the information on this site is provided "AS-IS", and does not constitute legal or financial advice.

Katulad ng sinabi ko sa unang post ko bro yung ganitong klase na reporting na mag-titiwala ka lang sa reports ng ibang tao to create a database isn't the most reliable way kasi pwede itong gamitin ng mali ng ibang tao para pakinabangan nila. Mas magiging ok yung serbisyo nila kung gagawa sila ng sariling fact checking kung yung mga address nga na ito ay tama at hindi panloloko ng ibang tao lamang.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
August 08, 2020, 06:25:57 PM
#21
Meron pang isa;

https://www.bitcoinabuse.com/

Again, hindi masyado to reliable kasi nga pwedeng gumamit na lang ng bagong btc address itong mga kriminal na to. But at least you can check muna yung mga addressses, wala naman mawawala kung maingat tayo. Mas maganda nga yung medyo may magka 'praning' tayo, kesa maging biktima naman.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
July 20, 2020, 02:14:41 PM
#20
Ayos to bro, ang problem lang ay kung ililipat nila sa mga privacy coin tapos stealth addresses pa parang mahirap malaman kung legit din yung ka transaction mo kung gagamit ulet ng bagong BTC o ETH address.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
July 06, 2020, 09:22:20 PM
#19

Ok nga yan para naman may pagkakataon tayong ma check kung yung address na ginagamit sa mga ka transaction natin ay hindi ginagamit pang scam. Tunay nga itong kapakipakinabang.

Salamat OP sa magandang bagay na na ishare mo dito sa section natin. Sana all ganito tayo bah mgtulungan or bayanihan tungo sa pag asenso.

Nakakainis mn isipin na tayo ay nasa gcq or sa amin na ecq dahil nasa cebu kami pero dahil sa boring na rin ang buhay nakalockdown naging daan ang bitcoin para kahit papano maging okupado at hindi na lng puro tiktok ang gagawin nakakasawa din.

Kaya magandang mamalagi ako dito. Mas marami dn pala magagaling na users dito. Naninibago lng ako na excite dn konti sino kaya yung mga sikat dito? LoL

Ayus ang site na iyan to check for addresses na ginamit sa pang-iiscam but I doubt na effective siya to combat possible new scams.  Sigurado naman na hindi magrerecycle ang mga scammer ng mga addresses na ginamit nila sa pang-sscam kapag nagtayo sila ng bagong kumpanya.  In short maaari rin siyang magbigay ng maling vibes sa mga tao.  Like for example, that sites become popular for possible scam checker, eh di naman bobo mga scammer na paulit-ulit gamitin ang address na ginamit nila sa nakaraang scam activities nila.  Meaning the site is good for information ng mga BTC address na ginamit pang-scam pero it is not advisable na magrely sa site to detect a possible scam company.
Tama ka po jan , hindi naman po talaga tanga yung scammer na ibabalik ulit yung addresses na ginamit nila pangscam. Hindi rin naman magagawa ng site na iyun na mapigilan ang mga scammer , sa tingin ko ay nais lang ni author na mag-ingat tayo sa mga scammer at nagbibigay lang siya ng impormasyon kung paano ba macheck ang mga addresses na involve sa pangsscam. Marami pa kasi sa atin na walang alam sa pagchecheck ng mga wallet addresses , kung may alam man ay ang pagchecheck lang ng wallet addresses na lagi natin ginagamit. Ingat lang po tayo lagi.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
July 06, 2020, 05:54:41 PM
#18

Ok nga yan para naman may pagkakataon tayong ma check kung yung address na ginagamit sa mga ka transaction natin ay hindi ginagamit pang scam. Tunay nga itong kapakipakinabang.

Salamat OP sa magandang bagay na na ishare mo dito sa section natin. Sana all ganito tayo bah mgtulungan or bayanihan tungo sa pag asenso.

Nakakainis mn isipin na tayo ay nasa gcq or sa amin na ecq dahil nasa cebu kami pero dahil sa boring na rin ang buhay nakalockdown naging daan ang bitcoin para kahit papano maging okupado at hindi na lng puro tiktok ang gagawin nakakasawa din.

Kaya magandang mamalagi ako dito. Mas marami dn pala magagaling na users dito. Naninibago lng ako na excite dn konti sino kaya yung mga sikat dito? LoL

Ayus ang site na iyan to check for addresses na ginamit sa pang-iiscam but I doubt na effective siya to combat possible new scams.  Sigurado naman na hindi magrerecycle ang mga scammer ng mga addresses na ginamit nila sa pang-sscam kapag nagtayo sila ng bagong kumpanya.  In short maaari rin siyang magbigay ng maling vibes sa mga tao.  Like for example, that sites become popular for possible scam checker, eh di naman bobo mga scammer na paulit-ulit gamitin ang address na ginamit nila sa nakaraang scam activities nila.  Meaning the site is good for information ng mga BTC address na ginamit pang-scam pero it is not advisable na magrely sa site to detect a possible scam company.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
July 06, 2020, 07:36:48 AM
#17
Malaking tulong for newbies since sila yung pinakaprone sa mga scam, para naman sa mga beterano na at matagal na sa industry na to kahit hindi nila i-check o tignan pa yung address alam na agad nila na scam ang isang project. Pero may nakikita akong isang disadvantage ng paggamit neto, kase kung ako yung scammer bakit ako gagamit ng iisang address? meaning kahit mag check ang mga newbies dito hindi pa rin sila makakatiyak na safe ang isang project mas lalo lang silang magiging kumpyansa sa paginvest pag hindi nacheck nila at wala dito ang mga address na ginamit. Siguro ang best purpose neto is to history check the scammers addresses.
Oo sang-ayon ako malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng bitcoin addresses. Lalo na talaga sa mga newbie. Since nagsisimula palang sila kaunti palang knowledge nila sa cryptocurrency so prone talaga sila sa mga scams and hackers. Marami kasing mga hackers nowadays, so gagawa at gagawa pa rin ang mga scammers at hackers ng paraan para makapanloko, marami talaga yung mga gumagamit ng iba't ibang addresses para lang makapanghack so we all need to be knowledgeable talaga para di tayo maloko. And of course kailangang maging maingat tayo at maging mapanuri bago sumali sa mga project campaigns para naman hindi masayang ang mga effort at oras natin.
member
Activity: 1120
Merit: 68
July 04, 2020, 09:55:50 AM
#16
Malaking tulong for newbies since sila yung pinakaprone sa mga scam, para naman sa mga beterano na at matagal na sa industry na to kahit hindi nila i-check o tignan pa yung address alam na agad nila na scam ang isang project. Pero may nakikita akong isang disadvantage ng paggamit neto, kase kung ako yung scammer bakit ako gagamit ng iisang address? meaning kahit mag check ang mga newbies dito hindi pa rin sila makakatiyak na safe ang isang project mas lalo lang silang magiging kumpyansa sa paginvest pag hindi nacheck nila at wala dito ang mga address na ginamit. Siguro ang best purpose neto is to history check the scammers addresses.
Tama nga naman. Hindi magagawa ng mga scammers paggamit ng iisang wallet address o iisang crypto wallet sa kanilang mga scam scheme dahil baka ma-track sila ng mga kanilang iniiscam. Pero malaking tulong talaga ang isang site na shinare ng OP dahil madali malalaman ng mga crypto users at mga beginners kung nagamit na ba ang bitcoin wallet address sa kanilang mga scam.
full member
Activity: 924
Merit: 221
July 03, 2020, 05:37:41 PM
#15

Jump to: