May nabasa ako tungkol sa BTC futures ng CME na mage-expire at parang ito lang sa ngayon ang kumokontrol sa galaw ni Bitcoin kahit na na approve na itong mga Bitcoin spot ETFs na ito. Asahan daw natin na kapag na expire na ito o bago mag expire ay bababa talaga ang price ng Bitcoin pero after ng action na yun, doon na natin onti onti makikita kung paano tumaas ang price ni BTC. Sa mga long term holder, wala tayong dapat ipagalala dahil papanoorin lang natin gumalaw ang market at hangga't maaari ay puwede tayong magdagdag kung may budget kahit pakonti konti lang. Ito ang ginagawa ng marami ngayon para hindi maiwan kahit konti lang ang holdings mo, magbenta lang sa medyo mataas taas na price.
Sa mga log-term holders hindi sila talaga apektado sa mga ngyayari ngayon sa merkado sa totoo lang, dahil meron silang timeframe kung nasa magkanong halaga ng Bitcoin sila magbebenta at once na ma hit yun ay ibebenta na nila agad dahil yun ang kanilang main goals and target bilang holders ng Bitcoin.
Tama ka kabayan, kasi ako may nakahold ako para sa long term. Hindi naman kalakihan pero mas magiging masaya kung mabebenta ko siya sa medyo mataas taas o di kaya peak nitong susunod na bull run. Hindi na din ako masyado magiisip tungkol sa mga balita pero dapat updated pa rin talaga.
Sa ngayon kasi ang ngyayari sa market after ng sec aproval sa bitcoin spot ETF ay obviously kung oobserbahan nating mabuti meron talagang manipulation na ngyayari. Pansinin nyo nung January 10 araw na inaprubahan ng SEC ang mga applications ng 11 companies nung araw na yun ang shares palang na meron ang Blackrock sa Bitcoin ay nasa 2600 something palang, tapos 2 days after approval ay ito ang bnili ng blackrock 11,439.2198 Bitcoin, valued at approximately $497,994,992.41 as of January 12 from the available supply.
https://www.ibtimes.com/blackrocks-ishares-bitcoin-trust-surges-bags-over-11k-btc-record-time-48-hours-3722080So dito palang may plano na silang manipulations sa merkado since pwede na nga silang makabili ng Bitcoin directly sa nakasanayan nilang paraan talaga na hindi na kailangan gawin pa ang self-custody.
Parang yan ang pinakapoint nila, habang maaga pa at hindi pa masyadong mature ang mga spot ETFs na na approve, yan ang dapat nilang gawin at yun ay ang mag accumulate din ng marami. Naunahan na silang lahat ng Microstrategy pero hindi din naman papatalo itong mga naaprubahan dahil yun din ang plano nila, ang mag accumulate ng libo libo pang Bitcoins. Parang nakakatakot o nakakabahala din pero kasabay din naman na masaya dahil nga malalaking companies ito na naghohold ng Bitcoin. Nakakabahala dahil nga sa ibang bagsakan ng benta nila, puwedeng bumaba at magkaroon ng crash pero sanay naman na tayo at alam naman natin na laging may recovery agad.