Tinitingan ko kung paano mag re react ang price, so far nasa $46k tayo at parang pumalo pa yata sa $47k?
Anyhow, tingnan pa natin kung talagang tutunton sa $50k or higher pa kasi ito ang prediction ng nakakarami. O baka price-in na ang hype sa approval nung umabot tayo ng $45k? So maganda paring subaybayan to lalo na nasa halving year tayo at inaasahan ng lahat na magkakaroon tayo ng malaking bull run na aabot ng mahigit sa $100k ang susunod na all time high.
Wag ka mag-alala kasi bigla nalang yan tataas, tignan mo mamaya pagtulog nating lahat, bigla nalang dadami notification ni Coingecko tungkol sa presyo ng bitcoin, palaging ganyan nangyayari eh, mahimbing yung tulog ko na ganito price ng bitcoin tapos pagkagising ay malayo na siya sa price bago ako matulog. Sana nga kabayan mangyari yang 100k na bagong all time high o di naman kaya ay yan palang yung simula patungong all time high kaso sigurado ako na madami ang magTTP 'pag nandyan na sa price na yan eh.
Mukhang duda kapa sa bagay na sinasabi mo kabayan ah, At dahil approved na nga ang spot bitcoin ETF ng 11 companies na yan ay kailangan nilang maghold ng actual Bitcoin, hindi katulad ng derivative futures Etf contract lang. Ito ay malaking development sa crypto market sa totoo lang. At sa tingin ko malaki ang naitulong ng pagkakapanalo ng Grayscale laban sa SEC dahil kung hindi nanalo ang Grayscale for sure idedeny na naman ng SEC yan, kaya lang no choice sila kahit ayaw nila dahil nga natalo sila.
Yung ngyari kahapon ay mukhang hindi naman sell the news ang at hindi din naman nagpump agad. Kung before nagrarally lang si Bitcoin dahil sa mga speculations and news ngayon iba na at hindi ganun, dahil may basbas na ng SEC ay pinapayagan ng magtrade ang mga institutional investors tulad nina Robert kiyosaki, warren Buffet at iba pa na kagaya nila na makabili ng Bitcoin sa kanilang nakasanayan sa stock exchange at hindi na nila kailangan pa kung pano magself-custody. Ngayon, ay magagawa na nilang makabili ng bitcoin sa paraang nakasanayan na nila.
Kaya lang sa nakikita ko mukhang lilipas muna ng ilang buwan ang epekto ng Bitcoin spot ETF kaya may panahon parin tayo makapag Dca habang hindi pa talaga nagrarally. So, sa tingin ko maghintay pa tayo ng 90 days from now dahil may mga compliance na kailangan dapat pa na gawin ang 11 companies na naaprubahan para mapag-aralan nila ang allocation para sa pagbili ng Bitcoin, so period na yan malalaman natin kung magkano na ang magiging price value ni Bitcoin.