Pages:
Author

Topic: ❗ [Security] Iwasang Gumamit ng Custodial Wallets, at iba pang Security Tips - page 3. (Read 34359 times)

global moderator
Activity: 2324
Merit: 1179
While my guitar gently weeps!!!
Pinned.

Report posts that does not contribute anything or posts na mema lang...
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Malaking bagay na maunawa itong concerned na to, Hindi natin masisigurado ang panahon may chance na madale ang coins.ph ng hackers or magbago ng business ung may ari at bigla na lang magdeclare ng bankruptcy. Mabuting hawak natin sa sarili nating wallet ang mga asset natin. Kung nandito ka na rin naman at kaya mo naman mapagipunan ang hardware wallet mas okay yun for long term security.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Question: "Pero.. hindi pa naman nahahack ang Coins.ph ah? Safe naman ata tong wallet/exchange na to.."
- oo. "unhacked" rin naman ung Bitfinex at MtGox dati diba? Tingin rin ng mga tao sobrang safe tong mga platforms na to. Pero anong nangyari? Nawala ung mga bitcoin ng mga tao na naka store sa exchanges na to. Wag niyo na hintayin na mahack ang Coins.ph bago tayo matuto.
Another argument na sinasabi ng mga custodial wallets users ay kapag na-hack ang wallet like coinsph ay mare-refund naman daw sila hindi kagaya kapag na-compromised yung non-custodial wallet nila. Well, kagaya din dun sa Mt. Gox, ilang taon na ang inabot pero marami pa din ang naghihintay maibalik pera nila. Ganun din case nung sa Cryptopia although last year lang na-hack.



~
Simula ng nagkaroon ako ng ledger dito ko na tinatabi lahat ng iniipon kong bitcoin.
Maliban sa $5 wrench attacks na binanggit ni mjglqw, huwag mong i-access ang ledger mo gamit ang anumang browser extension kagaya nung nabiktima recently https://cointelegraph.com/news/ledger-wallet-user-allegedly-lost-16k-to-malicious-browser-extension



Kung mag-mobile wallet na din lang, huwag na sa coinsph mag-store. Marami naman non-custodial options kagaya ng Abra, Coinomi, Mycelium, Electrum, at iba pa. Maganda din magbasa dito https://bitcointalk.org/index.php?board=37.0
hero member
Activity: 1190
Merit: 511
Tama lang po na paulit ulit nating paalalahanan dahil madami din pong mga newbies dito na hindi pa aware sa mga ganito kaya malaking tulong din sa kanila to.

For me, hindi na din ako nagiiwan ng pera sa coins.ph, more on pang load lang or pag need to pay bills nagiipon saglit then doon ako magbabayad ng aking bills, pero hindi din ako dun naghohold ng crypto doon.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Salamat sa paalala. Dati halos lahat ng pondo ko nakatabi sa coins.ph dahil ito ang pinaka trusted na site sa Pilipinas. Simula ng nagkaroon ako ng ledger dito ko na tinatabi lahat ng iniipon kong bitcoin. Mas maigi na ang secured ang pondo kaysa mailagay sa risk ang pinaghirapan ipuning bitcoin.

Since may Ledger hardware wallet ka na, mukhang hindi mo na kailangan ng paalala. Tongue

Ang kelangan mo lang gawin ay i-secure ang 24-word seed mo offline, iwasan ang $5 wrench attacks[1], and good to go ka na. Happy hodling!


[1] https://bitcointalksearch.org/topic/watch-out-the-5-wrench-attack-5183760
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
Salamat sa paalala. Dati halos lahat ng pondo ko nakatabi sa coins.ph dahil ito ang pinaka trusted na site sa Pilipinas. Simula ng nagkaroon ako ng ledger dito ko na tinatabi lahat ng iniipon kong bitcoin. Mas maigi na ang secured ang pondo kaysa mailagay sa risk ang pinaghirapan ipuning bitcoin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Alam ko, mejo naging paulit ulit na ang pag sabi ng mga tao about this, pero naisip kong kailangan ko ulit ipaalala ito after ko nabasa tong post na to: https://bitcointalksearch.org/topic/how-i-got-tricked-and-lost-all-my-cryptos-stored-in-coinsph-5215173

Please. 2020 na. Spend a bit more effort into learning about the kinds of wallets at kung ano risks nila. Kahit gawin niyo na tong New Year's resolution niyo. Unfortunately, kahit sa sobrang daming tao na ang na sscam at nahahack since nung nag simula ang Bitcoin, wala parin masyadong nakikinig sa payo na "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR COINS". Pag hindi mo ginagamit ung coins na pangtrade, walang rason para mag iwan ng funds sa custodial wallets at exchanges.

And yes, ang Coins.ph ay under custodial wallet/exchange.

By storing your funds sa custodial wallets at exchanges, eto ang ilan sa mga risks:


Question: "Pero.. hindi pa naman nahahack ang Coins.ph ah? Safe naman ata tong wallet/exchange na to.."

- oo. "unhacked" rin naman ung Bitfinex at MtGox dati at some point diba? Tingin rin ng mga tao sobrang safe tong mga platforms na to. Pero anong nangyari? Nawala ung mga bitcoin ng mga tao na naka store sa exchanges na to. Props to Coins.ph sa pagbigay ng magandang serbisyo saatin, pero always remember na ang mga exchanges ay mainit na target ng mga hackers dahil marami silang pwedeng makuha pag naging successful sila sa paghack nito. Wag na nating hintayin na mahack ang Coins.ph bago tayo matuto.



Security Tips:

1. Wag submit lang ng submit ng personal information sa kung ano anong website.

2. Gumamit ng iba ibang password sa lahat ng online accounts, preferably, with 40+ characters. Para hindi mahirapan, gumamit ng reputable na password manager gaya ng KeePass at Bitwarden. Also, sigaraduhing secure ang master password ng password manager mo.

3. Palitan ang passwords, lalo na ung mga finance related accounts, every few months or so.

4. Gumamit ng Linux operating system instead of Windows, para ma-decrease ang chances nagkaroon ng malware/virus ang computer mo. For beginners, go with Ubuntu or Linux Mint.

5. I-check ang email addresses sa haveibeenpwned.com once in a while.



Reading materials:

Ilang noob-friendly non-custodial wallets




NOT YOUR KEYS, NOT YOUR COINS
Pages:
Jump to: