Diba itong si Florin Hilbay ay isang pinklawan supporters? Diko-akalain na Bitcoin enthusiast pala itong tao nato, kung sa bagay mas okay na yan kesa gumawa siya ng aklat ng paninira sa mga marcoses.
Para sa akin, labas na ang politika dito kasi nung tumakbo siyang senador. May mga agenda yan sila kung bakit nila nasasabi mga ganyan pero ngayon tahimik na siya at wala na siya sa politika at mas nagfofocus na siya sa pagiging abogado at professor niya kaya kalimutan nalang yung mga bagay na yun.
Kung 150 ang magiging shipping fee nito luzon bisayas at mindanao na yun at masasabi kung mura na yang shipping fee, pero sa amount ng Books tungkol sa Bitcoin ay 600 each parang namamahalan ako, dapat binabaan nya muna tapos kapag nakikita nyang lumalaganap na ito ay saka nya ito taasan. Or dapat meron din siya nung parang komiks lang na murang halaga lang.
Mahal talaga karamihan sa mga books na published ng mga author na tulad niya. May mga mas mahal pang books ako na nakita na authored din ng isang kababayan natin. Puwede naman sumuporta o di kaya kapag hindi talaga kaya, okay lang naman.