Sa tingin nyo ba mas mapapabilis ang adoption ng Cryptocurrency sa ating bansa kung mag karoon ng mga league o council na puro mga abogado at mga professor ang members at mag launch sila ng mga educational campaign kaysa mga social media influencer lamang
Ito totohanan lang pero mas mabilis parin yung mga influencers, artista etc., na magpapakita ng earnings nila dahil sa crypto at ito ang nakakabahalang usapin if ever ito lang palagi yung mangyayari. Sa tingin ko, sa bansa natin matatagalan pa bago maging well-versed ang acting mga kababayan, kahit nga ata 10% ay malabo pa sa panahon ngahon.
Iba ang market ng mga influencers, artista at media personality pero pag dating sa reputasyon iba ang dating pag abogado at mga professor may pagka authority na ang dating sa paningin ng mga tao kasi ang mga artista at mga influencer pwede sila magkamali pero ang mga abogado at mga professors binabasa nila at naaayon sa mga legality at kung ano ang nasa batas ang sinasabi nila.
Kaya pag abogado ang nagsabi sa yo ng tungkol sa isang bagay tulad ng Bitcoin may legalities at reference ito hindi lang mga kitaan pinag uusapan.
Yeah I get it, pero it doesn't mean na there will be an instant adoption kasi imagine ang mga abogado at professor na ito humingi ng serbisyo nila, konti lang makaka-afford kung ito ang mangyari. Sa tingin ko ang pinaka madali ay kung mismong gobyerno natin ang mag introduce niyo, gumawa ng hakbang na matutunan ng libre kasi marami naman talaga ang mapagkukunan ng resources o gaya ng internet.
Kasi ang adoption nakakamit lang yan if hindi na ganoon ka komplikado ang pag aaralan gaya ng Bitcoin, hindi parin ito madali lalo na sa mga simpleng mamamayan. Let's take Facebook/Meta usage for example, noon mahirap ito lalo na sa mga matanda pero kalaunan ito na tayo ngayon ang dami ng mga old users. Ang punto rito ay yung adoption at alam naman natin ang impluwensya ng media, ang lakas ng hatak nito lalo na sa panahon ngayon. Hindi ko naman minamaliit ang ating mga abogado at professor natin pero pinag-uusapan natin dito ay adoption at it's not a theory na ang lakas ng hatak ng social media sa henerasyong ito, simpleng tutorial lang sa mga social media apps ay meron ka ng kaalaman na mapupulot. Just my opinion.