Ako naman ay hindi nagulat sa resulta. Okay, siguro nagulat ng slight dahil nga usually humahabol parati ang LP pagdating sa actual na botohan pero still not enough to win. Tsaka this time sumang-ayon naman sa mga surveys ang results. Also pagdating sa possible na dayaan, I doubt it. Kung meron man ay slight at immaterial na rin sa sobrang lawak ng lead. Meron ako mga kakilala na natanggal sa listahan pero lahat sila mga pro BBM din naman.
We have around 67.5 million registered voters. Dahil presidential elections to ay mataas talaga expected turnout compared nung 2019. But since pandemic din, so siguro mga nasa 80% ang magiging turnout.
BBM: 31M / 67.5M = 57.41%
Leni: 14.8M / 67.5M = 27.41%
Compared sa last survey ng Pulse Asia ay meron nadagdag na 2% si BBM at kay Leni naman ay around 3% to 4%. So expected talaga na lumalakas ang pambato ng LP linked presidentiables pagdating sa actual na botohan dahil nga naman nasa kanila ang mainstream media at mga influencers.
Tungkol kay Ruben naman ay nasa top 3 na siya sa Pulse Asia April survey kaya di na rin nakakapagtaka. At senador din kasi, dose pwde piliin kaya mas mataas ang volatility sa mga ganito unlike sa iisa lang talaga ang piliing kandidato.
Not a BBM, Leni and Padilla voter here. It is what it is. Majority wins and should be respected. Kailangan natin magkaisa para sa bansa.