Pages:
Author

Topic: Sino ang presidente mo, at bakit? - page 2. (Read 625 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 05, 2022, 06:02:53 AM
#34
May nagpupustahan na ba sa inyo? May nakita ako kanina at may handicap pa (BBM -1.5M) Grin

Ang iboboto ko ay si Ping Lacson! Si Ping lang ang hindi tumatanggap ng mga PDAF, DAP at iba pang mga pork barrel funds na pinaghatian ng mga tongressmen at buwayang senador ng bansa. Si Ping lang din ang pansin kung matapang na mala-Duterte at witty rin. So far kami lang dalawa ata ni Whamos ang maka Ping. Cheesy
Wala din sana ako problema kay Ping pero nung sinabi niyang best president daw sa kanya ay si Noy, hindi ko na siya sinundan.

Anyways, sana ay meron din absentee voting kahit dito lang sa Pilipinas. Karamihan sa mga lumuwas paputang metro cities at hindi naman makakauwi sa kanilang mga probinsiya. At most likely sila pa ang mga intellectuals at mga professionals na aggressive sa kanilang mga careers para umasenso. Kaya dun sa isang lugar na natirahan ko dati yung squatter areas ang nagdictate ng mga mananalo.   
Meron naman pero limited lang sa iilang profession kagaya ng Pulis, Sundalo, Guro, at iba pang mga trabaho na gaganapin sa araw ng eleksyon.

Declared na din kanina na Special non-working holiday ang May 9 para sa mga malalayo pa ang pagbobotohan.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
April 30, 2022, 01:26:06 AM
#33
Ang iboboto ko ay si Ping Lacson! Si Ping lang ang hindi tumatanggap ng mga PDAF, DAP at iba pang mga pork barrel funds na pinaghatian ng mga tongressmen at buwayang senador ng bansa. Si Ping lang din ang pansin kung matapang na mala-Duterte at witty rin. So far kami lang dalawa ata ni Whamos ang maka Ping. Cheesy

Anyways, sana ay meron din absentee voting kahit dito lang sa Pilipinas. Karamihan sa mga lumuwas paputang metro cities at hindi naman makakauwi sa kanilang mga probinsiya. At most likely sila pa ang mga intellectuals at mga professionals na aggressive sa kanilang mga careers para umasenso. Kaya dun sa isang lugar na natirahan ko dati yung squatter areas ang nagdictate ng mga mananalo.   
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
April 30, 2022, 01:05:49 AM
#32
~

Naku, hindi gumagana sa akin pero okay lang naman siguro kasi consistent naman akong nakaboto at natatandaan ko na yong precinct number ko.
Try mo na lang ulit. Minsan down talaga yung website dahil na din sa dami ng bumibisita. Ilang beses din hindi gumana nung una nilang announced yan.

~
Unfortunately upon checking my status bigla akong nadismaya inactive nakalagay sakin which is isang beses lang ako hindi nakaboto last election lang ata grabe Comelec ha wala manlang abiso kung inactive na, tapos na pala ang reactivation period last year pa kung bakit ngayon lang nilabas tong website dapat last year pa para na check agad dati.
Malas mo. Bumoto ka ba nung nakaraang Barangay election? Kung hindi, yan na yung dahilan kaya naging inactive status mo. Hindi nga din ako aware na counted din pala yan.

Marami-rami din kayo na parehas ang nangyari. Last year, sinabi na around 7 million ang deactivated voters at meron na din mga panawagan ang Comelec to re-activate. Hindi ako sangayon na kailangan nila abisuhan mga tao na inactive na pero dapat last year pa nila nilabas itong voteverifier nung time na pwede pa ayusin.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
April 29, 2022, 06:03:59 PM
#31
FYI lang:

Kung gusto niyo tignan kung active pa status niyo as voter at kung anong precinct no., hanapin niyo dito:

Code:
https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct

^ Complete name at place of registration lang kailangan

Naku, hindi gumagana sa akin pero okay lang naman siguro kasi consistent naman akong nakaboto at natatandaan ko na yong precinct number ko.

BBM at Duterte ang iboboto dahil sila lang yong nakikita na may plano na ipagpatuloy ang nasimulan ni PRRD lalo na yong programa niyang Build, Build, Build and campaign against illegal drugs.

Yong pangako ng ibang kandidato na iaahon sa kahirapan ang mga tao ay hindi na uubra kasi hindi naman yong ang kailangan natin, sa tingin ko ang kailangan natin ay yong leader na makapag-bibigay ng disiplina ng madla kagaya ni Duterte.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
April 29, 2022, 04:42:47 PM
#30
FYI lang:

Kung gusto niyo tignan kung active pa status niyo as voter at kung anong precinct no., hanapin niyo dito:

Code:
https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct

^ Complete name at place of registration lang kailangan
9 days nalang at sana magkaroon ng payapang botohan at wala sana maging aberya. Kung sino man ang palarin na manalo sana ikabuti ng bansa naten into, they all have their own agendas and plataporma, supportahan sana naten kung sino man ang manalo ngayon. Kakaiba ang election ngayon, grabe yung mga naglalaban kaya kung sino man ang iboto ng iyong kaibigan o kapamilya, respetuhin naten ito. Personally, I will vote for who I think is the best, and sa tingin ko ay magiging supportive sa crypto.
full member
Activity: 1064
Merit: 112
April 29, 2022, 04:28:42 AM
#29
Ang adoption ng crypto sa Pilipinas ay nagbabasi rin sa leader na oopo pagkatapos ng halalan. Eleksyon na next year, kaya sa tingin ko dapat rin nating malaman kung ang platform ng isang kandidato ay makakabuti or makakasama ba sa crypto. Alam natin na si Pacma ay may sariling crypto, pero alam rin natin na kulang ang kanyang kakayahan para mamuno sa bansa natin.

Ang inyong opinyon ay napaka importante, kaya wag kayong mahiyang mag share para mas marami tayong basihan sa pagpili ng ating presidente.

Please vote also, para makita natin sa poll sinong mas maraming boto.
yhup si Pacquiao ay may sariling crypto, at yan ay malaking tanong kung alam niya kun paanu ito gumaganaa at anu anu pa ang ibang bagay ang mg papa tibay sa crypto etc.

Alam niyu ba na si marcos din ay may alam sa crypto?  At siguradong mas magiging stable ang crypto sa bansa natin kun siya ang ma mumuno kasi nga sobrang talino ni bbm, unlike sa ibang candidato.. Sigurado akong uunlad ang crypto sa pilipinas kapag si bbm manalo.

Ito yung video na sisinasabi ko. BBM on cryptocurrency .
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
April 29, 2022, 12:42:57 AM
#28
FYI lang:

Kung gusto niyo tignan kung active pa status niyo as voter at kung anong precinct no., hanapin niyo dito:

Code:
https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct

^ Complete name at place of registration lang kailangan
Unfortunately upon checking my status bigla akong nadismaya inactive nakalagay sakin which is isang beses lang ako hindi nakaboto last election lang ata grabe Comelec ha wala manlang abiso kung inactive na, tapos na pala ang reactivation period last year pa kung bakit ngayon lang nilabas tong website dapat last year pa para na check agad dati.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
April 25, 2022, 10:52:15 PM
#27
FYI lang:

Kung gusto niyo tignan kung active pa status niyo as voter at kung anong precinct no., hanapin niyo dito:

Code:
https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct

^ Complete name at place of registration lang kailangan
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
April 18, 2022, 06:11:06 AM
#26
Ilang linggo na lang at halalan na. Lumalabas na may isang kampo ang desperado talaga manalo. Pinapa-backout ibang kandidato tapos may warning pa na magkakagulo daw kung si BBM ang nanalo Roll Eyes

~ nakakapagod manuod ng balita na ang vice president ang sumirira sa presidente.
Yup, isa na din yan sa basis ko sa pagpili ng kandidato ngayon. Nakakasawa na yung bangayan.

Isa pang nakaksawa yung pagpalit ng administrasyon ay yung pag-balewala sa mga unfinished projects ng nakaraang admin. Maganda kung ipagpatuloy pa din kagaya nung naging approach ni PRRD sa mga naging pending ng mga sinundan niya.

Sharing my opinion.

Isko,... It would be best for me to him as president, matunog nga si Leni at BBM pero isipin natin what if kung si Isko, lahat ng gagawin naka vlog kikita on that part and at the same time there will be extra funds. Yun lang, para maiba naman. 🥴😅
Grin Sa Vlog talaga eh noh. Hilaw pa si Isko.



Wag tamarin bumoto lalo na kung malapit lang naman sa inyo yung precinct niyo. Yung iba nga kailangan pa umuwi para lang makalahok.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
March 18, 2022, 10:26:15 AM
#25
Sharing my opinion.

Isko,... It would be best for me to him as president, matunog nga si Leni at BBM pero isipin natin what if kung si Isko, lahat ng gagawin naka vlog kikita on that part and at the same time there will be extra funds. Yun lang, para maiba naman. 🥴😅
legendary
Activity: 3248
Merit: 1055
February 16, 2022, 08:07:18 PM
#24
mas magiging united kung iisang party manalo ang president at vice.  
kung indi ganito ang mananalo parang mga nakaraang admin lang din ang mangyayari. macapagal-decastro, aquino- binay or duterte-robredo. mas matibay MARCOS-DUTERTE. nakakapagod manuod ng balita na ang vice president ang sumirira sa presidente.

nagiging busy tayo sa local politics dahil sa mga away na yan samantalang maraming nangyayari sa geopolitics.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
February 16, 2022, 07:43:14 PM
#23
Going back to this topic, napanood niyo ba yung pinakaunang LIVE Presidential debate na hosted ng SMNI? Naging usap-usapan yung pag-backout ng apat na kandidato at inakala ng iba na magiging palpak yung event pero parang kabaliktaran ang nangyari. Para sa akin, it was refreshing na walang batuhan ng putik at may respetuhan na nangyari sa lahat nung pumunta.
Napanood ko ito at tama yung hinala ko kay Leody, talagang pakawala ng NPA dati pa lang at para sa akin wala naman siyang bilang at parang ang goal lang ay manggulo at meron pa ring pasaring sa pamilya Marcos. Ang may mga magandang nasabi talaga si Ernie Abella at Norberto Gonzales.

I think former Sec. Gonzales at former Spox Abella really did well at naging malaking stepping stone itong debate para makilala sila. Hindi ko alam na tumatakbo pala sila at sa tingin ko mas karapat-dapat pa sila kesa kay Manny, Leni, at Isko.
Agree ko dito. Mas masaya sana kung sumali yang mga yan, kitang kita naman sa debate na yan talagang issue ng Pilipinas at batuhan ng tanong ni Prof. Carlos. Ewan ko lang baka siguro alam nila na di sila uubra sa mga tanungan ni Prof.

Sana yung mga susunod na debate ganito ang format. Walang advance questions na binigay sa mga kandidato at hindi scripted! Magagaling din mga panelists. It was really informative for me.
Madami tayong natutunan lalo na sa Quad, parang naaalala ko lang nung pinaliwanag at dagsa na yung mga posts tungkol sa quad sa social media.

Sa dami ng hate sa pamilya Marcos, paulit ulit nalang. BBM pala boboto naming pamilya, sa loob ng maraming taon na namayagpag ang mga dilaw. Mas mainam na iba naman, okay si Pangulong Duterte sakin at yung tandem ng Uniteam kaya all in kami sa kanila pero not with their senators. Pero hindi ko lang talaga gets bakit yung sobrang galit ng mga iilan sa mga Marcos na halos isumpa. Mas marami pa rin naman nagmamahal kesa sa mga haters. Pero parang tipong kakaiba yung galit nila, take note, di nabuhay ng panahon ni FEM yang mga yan. Nainfluence lang talaga sa mga social media na propaganda.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 16, 2022, 01:37:27 AM
#22
Going back to this topic, napanood niyo ba yung pinakaunang LIVE Presidential debate na hosted ng SMNI? Naging usap-usapan yung pag-backout ng apat na kandidato at inakala ng iba na magiging palpak yung event pero parang kabaliktaran ang nangyari. Para sa akin, it was refreshing na walang batuhan ng putik at may respetuhan na nangyari sa lahat nung pumunta. I think former Sec. Gonzales at former Spox Abella really did well at naging malaking stepping stone itong debate para makilala sila. Hindi ko alam na tumatakbo pala sila at sa tingin ko mas karapat-dapat pa sila kesa kay Manny, Leni, at Isko.

Sana yung mga susunod na debate ganito ang format. Walang advance questions na binigay sa mga kandidato at hindi scripted! Magagaling din mga panelists. It was really informative for me.
sr. member
Activity: 697
Merit: 253
December 28, 2021, 05:24:38 AM
#21
Hindi ko alam kung totoo o hindi yung mga bintang nila kay MARCOS nung siya ang naging presidente ng pilipinas. puro chismis at paninira lagi ang naririnig ko kapag narinig ng ibang tao ang apelyidong MARCOS pero marami din nag sasabi na marami talagang nagawa si FERDINAND MARCOS nung kapanahunan niya bilang presidente. at ako mismo nag research ako about sa mga achievements nya at estado ng pilipinas nung siya ang nanunungkulan. At ako mismo ay napatunayan ko sa sarili ko na marami tlga siyang nagawa para sa pilipinas, at talagang mas marami ang pinoy na masagana ang buhay dati at isa ang pilipinas sa pinaka mayaman na bansa sa asia. Talagang nakakapanghinayang na mawala ang lider na ganyan ang pamamaraan at pag iisip.
At para sa akin kung nagawa ng TATAY maaari din MAGAWA ng ANAK. Mulat nadin ang mga tao sa Pilipinas sa mga ginagawa ng mga politikong kurap. At mas lalong ayaw na ng mga tao dito na lalo lumubog sa hirap ang Pilipinas at lalong mag hirap ang lahat ng mga pilipino. Kaya si BBM lang talaga ang tanging may potensyal na makagawa nyan dahil sa mga nagawa ng kanyang ama para sa bansang pilipinas.
full member
Activity: 812
Merit: 126
December 01, 2021, 12:32:39 AM
#20
Robredo is just a puppet, kontrolado ng mga yellow at oligarchs. Just watch her interviews and see how dumb she answers to any questions.  Roll Eyes Geez. I wouldn't trust the fate of the country to her.

Yeah I agree. I wonder why most people can't see that robredo is just a puppet. Obvious na obvious naman na e. But they are still supporting her. The way she speaks, she's always being lost to her own words. Hahaha. First time ko makakita ng ganun tbh.

I still don't know who is my president, di pa ako nakakapagresearch ng mas malalim tungkol sa kanilang lahat.

But these are my thoughts:

Well, BBM he's quite visionary, and he seems to have great ideas kahit na di siya nakatapos ng lawyer, but there are still some unclear information's and flags about him (not related to his family and his father).

Pacquiao - he's not yet ready. That's all I can say.
Isko - I'm not sure, but I think may hidden agenda siya. Haha
Lacson - I think matalino naman ito, but I assume he can be controlled.
Dela Rosa - haha. ewan ko, pero parang napipilitan lang naman yata ito tumakbo dahil sa partido. But this guys is smart. Pero mas prefer ko si bato sa military.

Sana, kung boboto tayo, let's look on the person running and not on their family background or history. Iboto natin yung may plano hindi yung puro salita lang na "walang corruption" etc etc. HAHAHA.

At hindi porket involved tayo sa crypto is iboboto na natin yung may crypto or may alam sa crypto. Ang iboto natin is yung tumitingin sa hinaharap at hindi sa kasalukuyan. Alam natin na crypto can be a big help to all Filipinos, and if our choosen president see it that way, and he thinks this can have a good future, then he will not stand against it.  

Vote wisely po.

- maganda sana kung may undecided din sa poll.  Cheesy
full member
Activity: 1382
Merit: 107
Popkitty.io - Blockchain Social Media
November 26, 2021, 08:04:26 PM
#19
At dahil tayong lahat ay involve sa crypto ang usapin dito ay ang adoption ng crypto sa bansa natin at may magiging epekto talaga kung sino ang magiging presidente. Una, sa lahat ng tumatakbong presidente si manny pacquiao lang ang may crypto project na sinalihan at eto ang gcox. Ngunit nakakalungkot isipin na konting pinoy lang ang sumusuporta dito. Ok ipalagay na natin na hindi si manny pacquiao ang magiging presidente at iba ang uupo sa tingin nyo ba hindi nanganganib na iban nila ang crypto dito sa pinas? Kung sa kakayahan naman bilang uupong presidente si pacquiao may kakayahan naman sya, magaling sya mag isip ang kahinaan nya lang ay ang pagsasalita ng english. Kay manny tayo guys bukod sa crypto friendly sya maka Dios at makatao pa.

My President is MP
-Dugo’t Pawis-
sr. member
Activity: 697
Merit: 253
November 15, 2021, 09:49:21 PM
#18
I'm not against Leni but di ko maintindihan saan sya kumukuha ng lakas para tumakbong Presidente. Wala syang sariling stand sa isang topic at obvious lahat ng salitaan niya is scripted.

Ang pagiging Presidente, di purong pagtulong sa kapwa at pamamahagi ng pagkain. Angr ole ng Presidente ay mabigat at kasama na dyan ang matalinong pakikipagusap sa ibang bansa. Dapat may alam din sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa lahat ng mga kandidato, si BBM at Lacson lang ang may kakayahan sa ganyan pero I will vote BBM.

Puro na lang Martial Law binabato ni Leni. Una sa lahat, si Marcos ba ang nag-approve ng Martial Law? NO! It's the Congress. Saka di naman idedeclare ang Martial Law ng walang dahilan. Masyado nilang inuungkat ang Martial Law e pag nahalal ba si Marcos, Martial law agad?
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
November 14, 2021, 04:11:58 PM
#17
Wala sa choice ko si Leni, di ako matalinong tao, pero kung papanoorin naman natin mga interview sa kanya parang ang hirap naman ipagkatiwala sakanya ang bansa natin. Naging fluent at maganda lang sagot at delivery nya nung scripted na yung vid.

Haha, napaka-brutal mo naman kabayan. Same here, mukhang mahirap kung para sa akin kung si Leni ang maging Presidente dahil magiging puppet lang siya ng mga oligarch, obvious naman kasi ang rason kung bakit siya tatakbo, para mabigyan ulit ng prangkisa yong ABS-CBN.

With Sara Duterte sliding to the VP post, I'll go for Marcos. Hindi naman sa wala ng choice pero at least kung si Marcos ang mananalo, mapapatuloy niya ang mga programa na sinimulan ni PRRD while Sara is learning to be President someday.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
November 14, 2021, 12:58:17 PM
#16
Wala sa choice ko si Leni, di ako matalinong tao, pero kung papanoorin naman natin mga interview sa kanya parang ang hirap naman ipagkatiwala sakanya ang bansa natin. Naging fluent at maganda lang sagot at delivery nya nung scripted na yung vid.

Most of the Filipino here on the forum don't usually care about the coming election next year. They will only get attention when one of them talks about cryptocurrency which will hype us. I respect everyone even we don't have same candidate.  Roll Eyes
You're wrong actually. Karamihan sa mga Pinoy, pagdating sa politika, paniguradong mag sheshare ng ng kanilang opinyon, lalo na mga kabataan na feeling alam na alam na ang nangyayari sa bansa at politika. haha.

sr. member
Activity: 1148
Merit: 346
November 13, 2021, 02:05:12 AM
#15
Pacquiao is big no, mostly because of lack of experience. Running an entire country can't be a trial and error. LMAO.  Cheesy He should've run as a congressman or governor instead.
Lol, not only because of lack of experience, but he also might lack of knowledge. (which is I doubt).
Yes, he is a good and a kind person, but a presidential position isn't good for him, it's too much position which he can't handle very well for sure.

I will go with Sarah Duterte, as always.
Parang pakipot lang tong si Sarah pero I have doubt na tatakbo rin yan kung pwedi paba makapag hain ng COC.  Duterte's administration is always good and have a really improvement to our country.

Sa akong opinyon Cguro kailangan natin ng mga knowledgeable person para sa ating bansa, Marcos at Sarah are good tandem cguro sila ang ang mag papatuloy sa sinimulan ni Duterte, kasi kung iba ang mananalo for sure back to Zero I mean mag simula nanaman tayo  sa unang hakbang mag adjust nanaman tayo sa bagong patakaran at pamamalakad sa mga nasa itaas .
 No offense sa mga tumakbo puro naman maganda ang layunin nila pero mas maganda kapag isang administration lang muna ang mamumuno tapos na ang mga Aquino sana Duterte marcos nanaman.
Pages:
Jump to: