noong nag cash out ako ng millions sa coins.ph (early 2018), tinawagan ako ng BPI sa local branch namin kasi "substantial" amount daw ang pumapasok, iupdate ko daw ang customer information ko doon sa bangko....tapos tanong tanong sila tungkol sa crypto at kung saan galing yung pera...kinuwento ko naman na early adopter ako....kung iisipin nga dapat coins.ph ang tanungin nila kasi sila ang nagpasok ng pera sa BPI, hindi ako..
in the end.."crypto currency trader" na ang customer information ko sa BPI
masmaganda sana na hindi nagtatago ang mga tao para maging ordinary na lang ito, hindi yung very rare at madaling idiscriminate ng mga taong may diperensya ang ulo...
tanda ninyo yung panahon na madalas nabubully at naapi kung bakla ang tao? tapos ngayon ordinaryo na sila sa....
dapat maging "openly crypto" tayo..
Paano kaya brad kung mag oopen palang ng account sa bpi, tanggapin kaya nila na crypto ang source of funds? Sa bdo kasi nag try ako dati pero nung nalaman na crypto ang source of funds ko ay tinanggihan nila agad ako kaya medyo nag iisip ako kung ano pwede ko sabihin
noong 2013 hindi crypto ang source of funds ko eh..although merong maliit na amount na galing crypto hindi naman siya kapansinpansin.....sa tingin ko dahil may katagalan na rin yung account ko na yun...baka nakatulong din sa credibility ko, kasi sabi ko nga tingnan ninyo sa records noong mahina ang crypto, mahina din ang pasok ng pera tapos puro computer store ang katransact ko, ang individual na tao naman maliliit ang amount na naitransfer...ngayong nag boom ang crypto eh di boom din ang pumasok......saka puro cashout-> palabas ang pera.......ang nahalata ko talaga sa bank at sa coins.ph, ang tanong na idinidiin talaga ay kung saan galing yung pera..mahirap ipaliwanag sabi ko kasi hindi pera ang pinasok ko, mining ko sinimulan lahat eh..nakwento din ng bank manager na nagmimina din daw yung kapatid niya kaya nakatulong din yun sa tingin ko.
inupdate lang ang source of funds ko..."crypto currency trader/trading"
yung mga tao na magoopen pa lang ng account....siguro sila yung iistrictohan kasi yun nga may mga pyramiding/networking scam na naglabasan na crypto naman daw..
siguro dapat lang itry na kausapin ng mabuti at makipaglinawan sa bank unless matigas at sarado ang ulo ng kausap mo.