Thanks sa tutorial mo @GreatArkansas. Hoping to have more tutorials about PH applications that are related to bitcoin.
Siguro ilagay na lang na "How to cash in sa Abra app via 7-Eleven stores". For me kasi misleading 'yong How to buy Bitcoins sa 7-eleven, kasi hindi naman talaga tayo directly makakabili ng BTC, ang purpose lang ay makapag-cash in tayo ng FIAT currency then exchange it to BTC kapag nasa Abra app na.
Pero good dahil na notice mo yan, kasi ako dun ko pa nalaman na ikaw pa mag ma mano mano convert ng PHP mo na cash in into Bitcoin pagdating nito sa Abra account mo. I think parang ganito din nangyayari pag sa ibang Bitcoin exchange dito sa Pilipinas like sa coins.ph where you are really first to send PHP muna bago mo ito e kokonvert to BITCOIN sa coins.ph account mo.
Unless na lang pag may ibang tao na nag send ng Bitcoin sa PHP address mo, which is automatically na ma coconvert yung Bitcoin na nisend nila sa'yo to PHP.
So for short, ang Abra is similar lang din coins.ph sa pag cash in ng pera sa app through 7/11.
Ang Abra is meron siyang sariling option sa Cliqq Kiosk para makapag-cash in ka ng pera then ikaw na bahala sa pag-exchange ng pera mo sa app into BTC. While Coins.ph, you can directly show the barcode para automatic scan nalang sa cashier at papasok na yung pera sa app then same with abra na ikaw na bahala mag-exchange into BTC. Well, mas essential ng gamitin yung sa coins.ph especially sa case ko sa mga 7/11 dito, minsan kasi offline or naka disable yung cliqq kaya mas pabor sakin na mag-cash in na through coins.ph app at ipakita nalang yung barcode sa counter para mas mabilis.
and nabasa ko rin sa OP na within 1-2 days, so meaning wala pang instapay ang Abra, manual transaction palang ang meron. What if may hinahabol ka na payment na BTC or gusto mong tumaya kaso deadline na ngayon? coins.ph pa rin pala talaga mas reliable. Parang katulad sa pag cash out ng coins.ph to bank, almost 1 day din kapag lagpas 3:00PM ka na nag cash out kasi walang instapay. Kaya nga minsan sinesend ko nalang yung pera sa GCash dahil may instapay don at rekta bank within a minute, nakalimutan ko kung kaninong tutorial yon pero sobrang helpful din non.