Pages:
Author

Topic: [STEP BY STEP] Tutorial How to buy Bitcoin at 7-Eleven Stores in the Philippines - page 3. (Read 729 times)

legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Siguro ilagay na lang na "How to cash in sa Abra app via 7-Eleven stores". For me kasi misleading 'yong How to buy Bitcoins sa 7-eleven, kasi hindi naman talaga tayo directly makakabili ng BTC, ang purpose lang ay makapag-cash in tayo ng FIAT currency then exchange it to BTC kapag nasa Abra app na.
Yep, posible yan. Pero sa thread na ginawa ko ay pinakita ko na din pano bumili agad ng Bitcoin right away after dumating nung na cash in na PHP sa Abra account, kaya pwede na din yan ang maging title ng thread. At tsaka we are in the forum that is about Bitcoin (bitcointalk.org) so let's direct to the point na lang,hehe.

Pero good dahil na notice mo yan, kasi ako dun ko pa nalaman na ikaw pa mag ma mano mano convert ng PHP mo na cash in into Bitcoin pagdating nito sa Abra account mo. I think parang ganito din nangyayari pag sa ibang Bitcoin exchange dito sa Pilipinas like sa coins.ph where you are really first to send PHP muna bago mo ito e kokonvert to BITCOIN sa coins.ph account mo.
Unless na lang pag may ibang tao na nag send ng Bitcoin sa PHP address mo, which is automatically na ma coconvert yung Bitcoin na nisend nila sa'yo to PHP.

P.S. Nakakatuwa naman na specify mo talaga yung hindi galing sa 7-11 or kung sino man pwede mag sponsor sa iyo.
Hehehe, mas okay na yung klaro. Baka sabihin empleyado ako ng mga nabanggit na kompanya sa taas o ina advertise ko with pay, lol. (Feeling famous lang ang peg Cheesy  Cheesy)
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Thank you sa pag share ng tutorial mo para makapag cash in thru 7-11 to Abra Wallet. 

Yun lang ang pangit sa pag cash-in thru 7-11  (To Abra) hindi siya instant payment. Kasi kung Friday ka pa and Monday na, hindi maganda yun (pag kailangan mo talaga ng balance). Kasi alam ko pag sa cash-in mo na thru coins.ph, instant siya eh IIRC. Matagal na ko hindi nag cacash-in sa 711 kasi malaki ang fee, Palawan Pawnshop ako parati. Siguro mina-manual verification pa nila yung mga transactions in Abra? Maybe mas maganda kung Abra Teller na lang din talaga yung transactan mo.

P.S. Nakakatuwa naman na specify mo talaga yung hindi galing sa 7-11 or kung sino man pwede mag sponsor sa iyo.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Siguro ilagay na lang na "How to cash in sa Abra app via 7-Eleven stores". For me kasi misleading 'yong How to buy Bitcoins sa 7-eleven, kasi hindi naman talaga tayo directly makakabili ng BTC, ang purpose lang ay makapag-cash in tayo ng FIAT currency then exchange it to BTC kapag nasa Abra app na.
May point to.

Mas applicable na siguro yung title kung meron na yung naibalita kamakailan na pwede 7-eleven na mismo ang mag-offer ng cryptocurrencies. 
hero member
Activity: 1372
Merit: 647
Siguro ilagay na lang na "How to cash in sa Abra app via 7-Eleven stores". For me kasi misleading 'yong How to buy Bitcoins sa 7-eleven, kasi hindi naman talaga tayo directly makakabili ng BTC, ang purpose lang ay makapag-cash in tayo ng FIAT currency then exchange it to BTC kapag nasa Abra app na.

'Yong article about dito ay naipost din outside ng local board natin, dahil sa Subject akala ng ibang members (from other countries) nakakabili tayo ng BTC directly sa 7-Eleven, pero hindi naman.



Anyway, helpful itong tutorial mo para sa mga gumagamit ng Abra o may planong gumamit ng Abra. At least may idea sila kung paano ang process.
hero member
Activity: 2282
Merit: 795
Very informative and helpful! Magandang start ito kung mga convenience stores like 7-11 ay nag-sisimula nang magbigay ng option para makabili ng bitcoin. Siguro ang sunod nito Ministop naman? Nevertheless, more options mean more convenience!

Hopefully yun Cliqq Kiosk ay ayos or gumagana kasi based from my experience, parati na lang silang maintenance or out-of-service sa mga ibang 7-11 stores. Sana din may option na mag benta ng bitcoin sa 7-11 kasi ang mahal ng fees sa LBC.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
STEP BY STEP TUTORIAL ON HOW TO BUY BITCOINS AT 7-ELEVEN STORES

Allright! If you are not yet aware about the recent news about Abra and 7-Eleven partnership.
YES. Legit yan, makakabili ka na ng Bitcoins sa 7-Eleven store branches, gamit ang Abra: Mobile Bitcoin Wallet App PH



Tuturoan ko kayo ngayon paano ka makakabili ng Bitcoin sa 7-Eleven gamit ang iyong Abra Mobile Bitcoin Wallet App.
(Disclaimer: I am not advertising any companies here and this is not financial advice)
I.
Assume natin na may app ka na sa iyong android or ios mobile phone.
Pag wala pa, go try and install na sa iyong mobile phone at mag sign up, gamit lamang ang iyong mobile phone number.

II.
Pag meron ka nang Abra Mobile Bitcoin wallet app sa iyong phone, maari ka nang pumunta sa malapit na branch ng 7-Eleven store.

a.
At hanapin yung Cliqq Kiosk:


b.
Browse ka na sa Cliqq Kiosk.
Left side mo, pindutin ang Bills payment.
and sa search bar, search "Abra"  

c.
Ilagay na ang iyong mga details,
11 Digit Mobile Number: (11 digit number na gamit mo sa Abra App mo)
Account Name: (Name mo sa Abra na gamit)
Amount(Exact): (Amount na gusto mo e cash in sa Abra) (Di pa kasali ang convenience fee)

Double check your details, and after that, click NEXT lower right area of the screen.

After that, lalabas ang itong screen na to, humihingi ng phone number mo, ilagay mo lang yung active mobile number mo dito kasi for customer service ito for example kung may mangyaring issue about your transaction, dito ka nila kokontakin, pwede mo din ilagay ung number mo dito na naka register sa abra as long as active parin at gamit mo parin yung number na ilalagay mo.
Double check your number, and after that, click NEXT lower right area of the screen.
Kunin ang resibo.

III.
Pumunta sa cashier at pumila (dalhin ang iyong resibo na galing sa kiosk)

After nyan, bigay mo lang yung bayad at take note na may convenience fee yan,
sa akin, P500 , fee ay P10.
Pagkatapos mo nagbayad, may resibo yan mahaba ibibigay sa'yo. Itago mo lang hangga't di pa dumadating sa Abra app mo.

TAKE NOTE:
Cash will be added to your Abra wallet as PHP within 1- 2 business days, (except for weekends and holidays).
Sa case ko, friday kasi ako nag cash in sa 7-Eleven, since weekend, Monday na dumating sa akin.

IV.
Open your Abra Mobile App.
Dumating na ang cash in mo galing 7-Eleven sa Abra Mobile app mo.
a.

Go to Exchange tab and select Philippines Peso
c.
 and select Bitcoin Input your desired amount,

AND BOOM! Done! May Bitcoin ka na.


P.S. You can also done yung sa may Cliqq Kiosk na part via your Cliqq mobile app sa phone mo pero kailangan mo parin pupunta sa 7-11 para magbayad.

VIDEO TUTORIAL ABOUT MENTIONED ABOVE - TO BE ADDED SOON: LINK

Ganun lang ka simple bumili ng Bitcoin sa 7-Eleven gamit ang Abra mobile app.

Sana nagustohan niyo itong simpleng STEP by STEP tuturial na ginawa ko.
Galing po sa bulsa ko yung pinagbili ng Bitcoin at not-sponsored yan ng 7-Eleven or Abra.
(Disclaimer: I am not advertising any companies here and this is not financial advice)
Pages:
Jump to: