Pages:
Author

Topic: [SUGGESTION] Isang problemang mapapansin sa Local Board natin - page 2. (Read 386 times)

hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Computer - computer
kompyuter, sa pagbaybay lang nagkaiba pero ganoon parin ang bigkas.

Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito.
Tama. Isa ngang isyu ang hindi pagiging makasariling wika ng karamihan ng pinoy pero hindi dahilan ito ng pagbaba ng bilang ng mga aktibong miyembro dito sa ating lokal.

Para sa akin for long term hindi ito maisasakatuparan kasi karamihan narin sa mga susunod na henerasyon will prefer tag-lish convos. I do get the suggestion and initiative pero mind me mukhang mahirap talaga ito considering na elementary days palang hindi naman talaga maisakatuparan na ang ituturo ay purong Tagalog/Filipino sa mga paaralan.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Dahil narin ito sa kolonyalismo.  Ang English ay ang ating second language at kinalakihan na din natin ang pag gamit nito. Mula pagkabata, tinuturuan na tayong mag English, dahil para sa kanila mukha kang matalino pag marunong mag English. Siguro naging stereotype na din ang ganitong thinking. Mahirap na mawala ito dahil ito na ang nakasanayan. Hindi lang naman sa language, kung titignan ay masyado na din tayong nasasakop ng mga foreign countries sa iba't-ibang aspeto. Isa pa ay kailangan din nating mag English sa labas ng local board kaya siguro ay nasasanay na din tayong haluan ng English ang mga post natin sa local board at kadalasan ng ating talakayan ay ginagamitan ng mga teknikal sa salita na masasabi lamang sa English. 

Tungkol naman sa mga newbie na hindi gaanong kaactive sa local board, napapansin ko rin ito. Sa tingin ko, ito ang namimiss ng ibang mga newbie kasi para sa akin ay mas magandang maging active ka muna sa local board habang newbie ka pa. Kasi mas madaling makisama sa mga kababayan at maaari kang magtanong ng mga hindi mo pa naiintindihan ng lubusan. Kumbaga, hindi mo poproblemahin ang language sa pagtatanong dahil maaari kang tulungan ng nga kababayan mo.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito. Aminado ako na wala akong planong maging aktibo dati dito kung hindi lang nagkaroon ng signature campaign dati na mga lcal boards ang target market.


~
May mga bagay sa ingles na baka hindi maintindihan ng ating mga Kababayan partikular na sa mga malalalim at teknikal na usapin sa Forum. Kumbaga, paano natin matutulungan ang mga kababayan nating gustong matuto kung hindi "Layman's Term" o sariling wika natin ang ating gagamitin upang ipaintindi ang mga ito?
Kahit tagalugin natin ang mga technical terms, kung wala talagang background ang tao sa mga bagay na iyon, hindi pa din maiintindihan. Kapaag tinagalog, hindi ibig sabihin na layman's term na.

Ilang blogs na din ang nakita ko na nagpapaliwanag ng bitcoin at blockchain. Ni isa sa kanila walang purong tagalog.
Iniisip ko paano i-translate ang blockchain, blokeng naka-kadena?



~
Tingin ko ang gustong iparating ng OP ay isang adhikain na ibalik ng bahagya yung talagang paggamit ng Tagalog sa ating Local Board at yoon lamang. Kahit ako rin nahirapan minsan sa pag intindi sa teknikal questions na nababasa ko sa mismong Board natin kaya somehow agree ako sa OP na gamitin pa natin nang mas madalas ang ating Wika.
Mas mapapadali ba ang pagintindi mo sa mga technical questions o topics dito sa local board kapag tinagalog?

legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
Sa tingin ko ay maganda ang adhikain ni OP upang mas malawak ang ating kaalaman sa wikang ating ginagamit at upang mas maging epektibo ito bilang gamit sa komunikasyon ngunit may ilan lamang tayong problema sa ilang mga salita dahil kadalasan ay wala itong katumbas kung kaya't gumagamit tayo ng salitang hiram,salitang isinasalin, at pag hiram ng buong salita

Ginagamit natin ang mga hiram na salita upang tumbasan sa ating wika
Halimbawa.
Skills - kasanayan
Computer - kompyuter
Crypto - Kripto

Salitang salin tulad ng
Poem - tula
Song - kanta

Kadalasan ay wala tayong panumbas sa mga salita kung kaya't kailangan nating gamitin ito ng buo tulad ng
Cryptocurrency
Blockchain


Sa tingin ko hindi hadlang ang mga ito dahil mas mainam padin kung saan tayo mas kumportable gamitin ang mga salita dahil sa ganoong paraan ay mas magiging epektibo ang daloy ng mensahe.

legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
Maganda yung suggestion mo pero karamihan naman siguro dito nakakaintindi ng mga discussion kahit may halong Ingles yung post. Okay lang naman i-encourage yung mga posts na tagalog pero kung lalahatin kasi parang tulad nung mga translation posts baka maging exaggerated yung pag gamit ng ibang salita kaya tingin ko mas mabuti na hayaan yung iba na gumamit ng Ingles kung gugustuhin nila para deretso agad sa gusto nilang sabihin. Hindi naman masamang magtanong kapag may hindi tayo naiintindihan na post.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Sa tingin ko hindi naman "Language Barrier" yung problema kung bakit konti lang yung activity natin sa local board natin eh. ~

Tingin ko ang gustong iparating ng OP ay isang adhikain na ibalik ng bahagya yung talagang paggamit ng Tagalog sa ating Local Board at yoon lamang. Kahit ako rin nahirapan minsan sa pag intindi sa teknikal questions na nababasa ko sa mismong Board natin kaya somehow agree ako sa OP na gamitin pa natin nang mas madalas ang ating Wika.

Para sa akin, oo maganda na magsalita tayo ng purong tagalog dito. Pero naniniwala ako sa laws of learning ni Thorndike. Isa na dito ang law of exercise na kung saan kailangan natin magpraktis ng magpraktis ng ingles para masanay tayong gumamit nito. Saan pa ba tayo magsasanay? Sa bahay? Malamang itong local board na ang magsisilbing training ground.

Hindi man ako personally malalim mag Tagalog, tingin ko ok din naman na gawing training grounds yung local board natin para matuto pa ng wikang ingles.

Sa huli, ang aking opinyon ay mas mainam kung pareho padin nating gagamitin ang wikang Ingles at Tagalog, ngunit mas mapapadalas ang sariling wika at gamitin ang banyagang wika sa mga kuntekstong mas madaling maiintindihan ng kahit na sino man.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Alintana ko ang iyong agam-agam sa pagkakaroon ng dalwikaan dito sa local board. Datapwa't may mga salita din kasi sa wikang Filipino ang nakakabalingoyngoy at marahil imbis na maunawaan ay maaaring tayo pa ay magulumihanan.

May mga konteksto/salita o maging parirala na hindi mo matarok kung ito ay nasa wikang Filipino. Kaya nga nagkaroon ng Ortograpiya sa Wikang Pilipino at may mga hiram na salita tayo mula sa ibang bansa sapagkat walang translasyon ang mga ito sa atin. Halimbawa na lamang ang cryptography, blockchain, cryptocurrency, whitepaper at iba pa.



Batid ko ang iyong adhikain dito OP, subalit para lamang yang mga mag-aaral na nagulat sa wikang Ingles sapagkat nasanay na sila na magsalita ng mother tongue mula pagkabata. Narito tayo para manurture ang ating pananalita sapagkat kailangan ito sa international boards.

Ito na rin ang magsisilbing sanayan ng mga baguhan para maging aware sila na kailangan gumamit ng wikang ingles. At syempre, para masanay na din ang bawat isa sa ating na magkomento ng hindi purong tagalog.

Para sa akin, oo maganda na magsalita tayo ng purong tagalog dito. Pero naniniwala ako sa laws of learning ni Thorndike. Isa na dito ang law of exercise na kung saan kailangan natin magpraktis ng magpraktis ng ingles para masanay tayong gumamit nito. Saan pa ba tayo magsasanay? Sa bahay? Malamang itong local board na ang magsisilbing training ground.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

Sa tingin ko hindi naman "Language Barrier" yung problema kung bakit konti lang yung activity natin sa local board natin eh. Hindi naman ito parang English board na may magbabawal sa mga miyembro sa pag-gamit ng gusto nilang wika. At kung hindi nila maintindihan yung mga English word dun sa mga Filipino posts madali lang naman i-Google ito para makuha yung meaning, and to be honest masusurpresa pa ako na naka-abot kayo sa forum na ito ng hindi man lang nakakabasa ng mga English websites dahil karamihan ng nasa web ngayon ay nasa English language at kaunti lang ang mga Tagalog versions ng mga websites. Ako aminado ako Taglish (Tagalog-English) ako mag-salita sa local board natin dahil may mga salita talaga na mas ma-inam na hindi isalin sa wikang Tagalog dahil mas mahihirapan yung mga readers natin. Katulad ng mga salitang "Cryptocurrency", "Mixer", "Transaction Fees", "Network", o di kaya "Mining" pag ito pinilit kong Tagalugin baka mag-iba na yung ibig sabihin niya at baka wala ng maka-intindi. Hindi ma talaga pwedeng ma-attribute yung pag-baba ng activity ng local board natin dahil sa klase ng wika natin kasi pwede mag-tanong ang mga miyembro both sa post nila o di kaya sa pag-Google ng mga salita.
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
MAGANDANG ARAW MGA KABABAYAN!

Ginawa ko ang thread na ito dahil napansin ko kamakailan ang isang maliit na problema sa forum ngunit isang malaking issue sa totoong buhay:
Ang pag-gamit natin ng sarili nating Wika!

Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

Ito ang iba pang mga dahilan kung bakit ko nais iungkat muli ang usaping Wika sa ating Board:
  • Nung nakaraa'y sinubukan kong muli magbasa ng mga malalalim na konteksto, at laking gulat ko na para akong elementaryang kakasimula lang matuto magbasa ng Tagalog. Ngunit nung nagbabasa ako ng mga sulatin na Ingles, eh nadadalian na ako. Subukan niyo rin!
  • May mga bagay sa ingles na baka hindi maintindihan ng ating mga Kababayan partikular na sa mga malalalim at teknikal na usapin sa Forum. Kumbaga, paano natin matutulungan ang mga kababayan nating gustong matuto kung hindi "Layman's Term" o sariling wika natin ang ating gagamitin upang ipaintindi ang mga ito?

Suhestyon ko lamang na marahil simulan natin sa maliit na hakbang ang paggamit ng ating angking wika. Totoo at aminin natin, mas madami tayo masasabi at madali natin maipapaliwanag sa wikang ingles, ngunit paano ang ibang hirap parin sa wikang iyon rito sa Forum?.. Dahil naniniwala ako na sa kahit maliit na kilos sa Forum ay malaki ang maidudulot nito sa panlabas nating pamumuhay.

Anong masasabi ninyo, mga kababayan?


Kaunting Paalala:
Hindi ko dinidiscourage or sinasabing mainam na itigil ang paggamit ng Ingles dahil sa totoo naman na maraming mas kumportable sa ganitong salitaan, ngunit gaya nga ng napansin ko, iilan lamang ang nakikilahok na sa mga usapin.
Pages:
Jump to: