Wala sa language barrier ang pagbaba o pagkawala ng activities ng mga newbies dito sa lokal. Tingin ko marami sa kanila ay aktibo lang talaga sa mga bounty campaigns (kung saan english din ang mga post sa social media) at ayaw lang makihalubilo dito. Aminado ako na wala akong planong maging aktibo dati dito kung hindi lang nagkaroon ng signature campaign dati na mga lcal boards ang target market.
Marahil sa mga susunod na araw ay susubukan kong gumawa ng listahan ng kung ilang porsyento ng mga users sa Local Board ang nakikihalubilo sa mga lokal na threads at kung ilan ang preferred ang pagsali sa ibang mga board. At sa gayon makukumpara ko kung talaga bang ang mga users dito ay sanay na rin talaga sa wikang ingles na siyang sasagot sa aking agham agham.
Tungkol naman sa mga newbie na hindi gaanong kaactive sa local board, napapansin ko rin ito. Sa tingin ko, ito ang namimiss ng ibang mga newbie kasi para sa akin ay mas magandang maging active ka muna sa local board habang newbie ka pa. Kasi mas madaling makisama sa mga kababayan at maaari kang magtanong ng mga hindi mo pa naiintindihan ng lubusan. Kumbaga, hindi mo poproblemahin ang language sa pagtatanong dahil maaari kang tulungan ng nga kababayan mo.
Tama ka diyan kapatid. Ayon rin ang naiisip ko kasi baka mamaya ibang mga kababayan natin ay may hirap sa ingles ngunit dahil lang sa posts requirements ay ginagawa ang pagpopost sa mga megathreads or ikanga'y mga common topics sa ibang board at discussions.
Last thing pala, bakit bumaba ang mga activities dito, probably dahil kokonti lang rin 'yong mga topic na nabubuo and hindi naman lahat automatic nag-e-engage sa mga existing topic na 'yon, may mga namimili rin diyan kung saan sila makikipagdiskusyon.
Naisip ko na ito kapatid ngunit napaisip din ako kung ano nga ba ang limitasyon na pwede natin isalin sa sarili nating board. May mga discussions sa ibang board na puwedeng isalin at pag usapan sa ating wika hindi para dagdag post lamang kundi para na rin sa mas aktibong local board natin kung saan lahat ay madaling makikipagdiskusyonan ng kani kanilang mga opinion sa wikang mas marami silang maipapaliwanag.
But let's remember lang na andito tayo sa Bitcointalk Pilipinas section para
makuha natin ang perspective ng kapwa pilipino tungkol sa Bitcoin in general; at hindi necessarily na ginawa ung Pilipinas section na para lang may section na tagalog/filipino ung language na ginagamit.
Also, not sure pero baka ako lang to, pero mas naiintindihan ko pa ung mga malalalim na english kesa ung mga malalalim na tagalog.
Medyo naintindihan ko na ang limitasyon ng aking argumento, na baka nga hindi naman ganoon magiging epektibo ang wikang Tagalog sa forum na siyang pinakawika'y ingles. At ako rin mas nakakaintindi ng wikang Ingles kaysa sa malalalim na tagalog, ngunit gusto ko lamang din buhayin ang sariling Wika sa forum na ito bilang tulong na rin sa mga kilos na mapanatili at mapayabong pa ang sarili nating Wika.
Siguro maaari nating gawing strictly Filipino ang mga usapin sa loob ng board na ito tuwing Agosto, bilang pagkilala at paggunita sa Buwan ng Wika, pero sa mga normal na araw, okay lang naman na bilingual/TagLish ang mga post dahil dito na nasanay ang karamihan sa atin.
Siguro ito ang pinakamagandang suhestyon sa ganitong usapin, na gawing Tagalog or kahit Bilingual (taglish) board ang ating Local tuwing Agosto o hindi kaya'y kahit sa loob labang ng isang linggo, para naman kahit papaano'y mapanatili padin natin ang ating ikanga'y
"Mother Tongue" sa ganitong English-based forum.