Pages:
Author

Topic: Tapos na ba ang bullrun? 2021 - page 3. (Read 834 times)

full member
Activity: 680
Merit: 103
July 23, 2021, 08:53:24 AM
#51
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k

Walang makakapag sabi nyan pre, ang magagawa lang natin ngayon ay umasa na mag bullrun ang Bitcoin, puro mga past expectations lang naman yang nasa data mo hindi tayo dapat mag basi jan, tingin ko ang mundo ng crypto ay laro ng antayan lang  Grin.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
July 20, 2021, 06:04:00 PM
#50
Tinapos na po ng China Fuds ang Bull run haha joke lang sa tingin ko naman sa dami ng investors na ngayon sa crypto hindi pa rin tapos ang bull run baka iyong mga whales diyan ang tp muna saglit at yong iba naman naka stanby pa kung may ibabagsak pa ang market para makabili sa mura iyong mga previous predictions ko na nabasa eto daw ang isa sa mga historical na bull run kung magkatotoo man ito e baka tuloy pa rin ito nagpahinga lang saglit ang btc at nagiipon ng lakas eka nga ng iba "calm before the storm".   
I also believe China started this bear market, pero ganyan talaga since masyado na ang itinaas ni Bitcoin kaya oras na para bumagsak ito and until now, patuloy paren ito sa pagbaba so di naten alam kung kelan ba ito magstabilize at kung nahit na ba naten ang bottom.

Bearn market this time is really different, kase some projects are still pumping and they are doing great right now especially yung mga NFT games kaya medyo wag muna magfocus kay Bitcoin and grab the other opportunity to make money, for sure kikita ka paren kahit bagsak si Bitcoin.
member
Activity: 295
Merit: 54
July 19, 2021, 03:30:20 AM
#49
Tinapos na po ng China Fuds ang Bull run haha joke lang sa tingin ko naman sa dami ng investors na ngayon sa crypto hindi pa rin tapos ang bull run baka iyong mga whales diyan ang tp muna saglit at yong iba naman naka stanby pa kung may ibabagsak pa ang market para makabili sa mura iyong mga previous predictions ko na nabasa eto daw ang isa sa mga historical na bull run kung magkatotoo man ito e baka tuloy pa rin ito nagpahinga lang saglit ang btc at nagiipon ng lakas eka nga ng iba "calm before the storm".   
full member
Activity: 680
Merit: 103
July 18, 2021, 08:00:40 PM
#48
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k

Sa tingin ko di dapat tayo mag base sa mga nakaraang pump ng Bitcoin dahil baka nilalaro lang ng mga big whales ang mga utak natin, dapat paring mag isip tayo ng sarili natin kesa umasa nalang tayo sa haka-haka.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
June 30, 2021, 10:14:30 AM
#47
I can tell na officially tapos na ang bull run kasi madami ng bumagsak na altcoins especially the leading crypto, bitcoin. Katulad ng mga nakaraang taon, mahihirapan ulit umangat ang bitcoin dahil ang typical na konsepto sa market ay kung madaming bumibili, mas mataas ang pag-angat ng crypto.

Kung mapapansin natin, karamihan sa atin ngayon ay naghohodl nalang at naipit dahil sa market crash na naganap kaya hindi na ulit makakapagpasok ng pera. Sobrang daming na fear of missing out kaya ayon ang daming nawalan ng pera, huli na sa aksyon pero pilit pa ding pinapasok ang crypto market. Kaya nga isa sa pundamental pagdating sa pagiinvest, dapat alam mo lahat ng posibleng mangyayari even yung mga tinitingala nilang crypto enthusiast sa social media dahil maaaring makaapekto din ito sa paggalaw ng market.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
June 24, 2021, 06:00:53 AM
#46
Kung bumaba man sa 20k ang BTC ngayon, yun ang magandang opporunity para bumili at mag hold para kung sakaling bumalik ulit ang bull run ay limpak limpak na pera ang kikitain.
Magandang investment ang BTC kaya kahit lumagpak man ang price nito ay pagkakataon na para mag invest.

Sana nga ganun kadali yun pero tiyak dadaan muna tayo sa marami pang struggles lalo na ngayon na bagsak talaga ang market at kung maabot man nito ang $20k ay siguro may mas malala pa dyan. Pero kung kaya mo namang nag bumili at mag hold until 4 years or higit pa edi ito talaga ang magandang pagkakataon sa pagbili pero wag muna maging greedy at panatilihinh naka subaybay sa galaw ng merkado.

Ganyan lang din ung sinabi nung mga nakabili between 10-15K nung 2017 after nung biglang bagsak ng BTC sabi magandang opportunidad daw pero nung bumaba pa below 10K last 2019 talagang andaming umiyak at nagbentahan, ang importante may goal ka at ung ginagamit mong pang invest eh spare talaga para umabot man ng matagal tagal hindi ka kakabahan at aayon sa kung ano ang nagiging trending sa market,

Yun ang pinaka importante sa pag iinvest dapat alam natin mag manage ng maayos at talagang napag aralan nating maigi ung pag iinvesan natin ng pera natin.

Daming na FOMO nung panahon na  yan at madami ding natalo lalo na nung lalong bumagsak si bitcoin kaya dahil sa mga pangyayaring yun dapat talaga na matuto tayo at tsaka dapat talaga na ma manage natin ng maayos ang mga investment natin para kung me pagbagsak man hindi tayo masasaktan ng sobra at madaling maka recover dahil malapit lapit na ito sa support nya. Although mahirap tong gawin pero kung maging mapagmatyag tayo sa market tiyak may hint tayo kung  kelan bibili at kelan hindi.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
June 23, 2021, 07:02:56 PM
#45
Kung bumaba man sa 20k ang BTC ngayon, yun ang magandang opporunity para bumili at mag hold para kung sakaling bumalik ulit ang bull run ay limpak limpak na pera ang kikitain.
Magandang investment ang BTC kaya kahit lumagpak man ang price nito ay pagkakataon na para mag invest.

Sana nga ganun kadali yun pero tiyak dadaan muna tayo sa marami pang struggles lalo na ngayon na bagsak talaga ang market at kung maabot man nito ang $20k ay siguro may mas malala pa dyan. Pero kung kaya mo namang nag bumili at mag hold until 4 years or higit pa edi ito talaga ang magandang pagkakataon sa pagbili pero wag muna maging greedy at panatilihinh naka subaybay sa galaw ng merkado.

Ganyan lang din ung sinabi nung mga nakabili between 10-15K nung 2017 after nung biglang bagsak ng BTC sabi magandang opportunidad daw pero nung bumaba pa below 10K last 2019 talagang andaming umiyak at nagbentahan, ang importante may goal ka at ung ginagamit mong pang invest eh spare talaga para umabot man ng matagal tagal hindi ka kakabahan at aayon sa kung ano ang nagiging trending sa market,

Yun ang pinaka importante sa pag iinvest dapat alam natin mag manage ng maayos at talagang napag aralan nating maigi ung pag iinvesan natin ng pera natin.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
June 23, 2021, 06:56:33 PM
#44
Kung bumaba man sa 20k ang BTC ngayon, yun ang magandang opporunity para bumili at mag hold para kung sakaling bumalik ulit ang bull run ay limpak limpak na pera ang kikitain.
Magandang investment ang BTC kaya kahit lumagpak man ang price nito ay pagkakataon na para mag invest.

Sana nga ganun kadali yun pero tiyak dadaan muna tayo sa marami pang struggles lalo na ngayon na bagsak talaga ang market at kung maabot man nito ang $20k ay siguro may mas malala pa dyan. Pero kung kaya mo namang nag bumili at mag hold until 4 years or higit pa edi ito talaga ang magandang pagkakataon sa pagbili pero wag muna maging greedy at panatilihinh naka subaybay sa galaw ng merkado.
jr. member
Activity: 141
Merit: 4
June 22, 2021, 08:53:00 PM
#43
Kung bumaba man sa 20k ang BTC ngayon, yun ang magandang opporunity para bumili at mag hold para kung sakaling bumalik ulit ang bull run ay limpak limpak na pera ang kikitain.
Magandang investment ang BTC kaya kahit lumagpak man ang price nito ay pagkakataon na para mag invest.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 253
June 22, 2021, 06:13:10 PM
#42
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k

Wag mo munang isipin ang bullrun kabayan, nangyari na ito sa nakaraang mga buwan kaya patas lang ang panahon merong oras na sagana at tsaka kagipitan. Dapat din nating isipin na ang nangyayari talagang kontrolado ng maraming whales. Kung tuloy tuloy lang ang pagtaas ng presyo, hindi maganda sa crypto kaya natin nararanasan ang ganitong sitwasyon dahil nagpapatunay lang ito na volatile talaga ang cryptocurrency, hindi natin alam kung kelan tataas at kung kelan ang pag baba.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
June 22, 2021, 09:50:50 AM
#41
Matibay pa din ang presyo ng Bitcoin sa 35,000$ pataas so meaning kung ikukumpara natin sa presyo nung nakaraang taon masasabi kong nasa Uptrend pa din tayo though and BULL ay nagpapahinga sa ngayon.

kasi kung talagang tapos na Bullrun then dapat nasa Bear market na tayo at siguradong nasa 20,000k below nnman ang price.

Ang pagtapos ng bull run ay doesn't necessarily mean na babalik ulit tayo sa dating presyo nung last year. Pwedeng stucked lang tayo sa $35,000 or hindi, Depende sa takbo ng market. Makikita mo naman ngayon. Sobrang down na ng market ngayon dahil sa sobrang daming FUD na nangyayari at kakaonti lamang ang good news.

Laos na si Elon Musk, yung Ethereum hindi na din ganoon ka traffic (meaning, onti nalang ang gumagamit nito sa trading compared sa nakaraan), at nag taking profit na yung mga whales.

But then again, mahaba pa ang panahon kaya baka mga sa susunod na buwan ay bumulusang ulit ang market kaya baka nga hindi pa tapos ang bull run. magagawa nalang natin mag antay.
full member
Activity: 476
Merit: 101
June 22, 2021, 09:30:34 AM
#40
Mahirap talaga matiyak kung hanggang saan aabot ang pababa or pagtaas ng presyo ng BTC, sa tuwing sumisilip ako sa crypto market,

naalala ko ang mga nangyari noon 2017, after na ma hit ang almost 20k$ per BTC ng December, pagpasok ng 2018 January, unti unti nang bumibigay,

pero, kung tutuosin, malaki ang inabante ng presyo, pagpasok ng 2017, halos araw araw, sinisilip ko ang pag taas ng presyo ng BTC,

at ilang beses maghapon, check ng price, pag gising check pa rin, bago matulog silip ulit sa presyo.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 335
June 21, 2021, 09:16:13 PM
#39
Walang nakakaalam kung maaari pang umangat ang BTC dahil hirap na rin itong sumampa ulit ng $40,000 at tapos na rin tayo sa phase ng Euphoria pag dating sa market. Madami na rin nag eexpect na baba na ang BTC value around $20,000. Siguro mas magandang mag simula na ulit mag imbak pag sa tingin mo nasa pinaka mababang estado na tayo ng market para sa susunod na bull market.

Mahirap ipredict ang market dahil weekly nag sswing ang presyo. Kabilaan ang good news at bad news. Samahan mo pa ng mga tweet ni Elon Mask na malaki ang impluwensya sa kabuuan ng crypto market. Karamihan ng investor ay nag dadalwang isip na kung bibili pa, yung iba nag papanic selling na rin.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 268
50% bonus on your First Topup
June 21, 2021, 08:09:13 PM
#38
Kasulukuyang bagsak halos lahat ng Crypto market prices especially for BTC and ETH, sa tingin ko magkaka bull run parin. Sabi sa mga nabasa ko is Eto raw ay simula ng Price Adjustment ngayong taon, Pero marami parin raw mga tao nag panic selling, Tsaka dahilan narin eto ay yung mga bad news.
hero member
Activity: 1820
Merit: 537
June 21, 2021, 06:40:58 PM
#37
Walang nakakaalam kung maaari pang umangat ang BTC dahil hirap na rin itong sumampa ulit ng $40,000 at tapos na rin tayo sa phase ng Euphoria pag dating sa market. Madami na rin nag eexpect na baba na ang BTC value around $20,000. Siguro mas magandang mag simula na ulit mag imbak pag sa tingin mo nasa pinaka mababang estado na tayo ng market para sa susunod na bull market.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
June 21, 2021, 05:24:48 PM
#36
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k
Yan ang pinaka mahirap sagutin sa panahon ngayun kabayan dahil marami sa atin na naghahangad kumita ng malaki kay bitcoin ay lugmok sa kalungkutan, dahil sa pangyayaring ito. Ganyan kasi ang tao kapag trending at uso ay doon na pumapasok, hindi sa panahon na mahina ang bentahan ng btc. Yan tuloy nasasadlak pagdating ng bear market. Sa aking palagay, huminto muna panandalian ang bullrun, hindi naman ito matatapos kaya lang sa ngayun bearish market lang muna ang pumapalo.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
June 13, 2021, 01:12:39 AM
#35
Sa tingin at opinion ko, hindi pa tapos ang bull run ni Bitcoin at iba pang mga cryptos. Pakiramdam ko lang talaga dahil may mga financial institutions pa na hindi pa nila na adopt ang BTC at alam ko may mga interest sila (pero hindi lahat).

I still believe na si BTC mag touch down pa yan between $70k to $100k bago mag end ang 2021, at si ETH cguru at least $6k to $10k. Opinion ko lang mga kabayan.
Matibay pa din ang presyo ng Bitcoin sa 35,000$ pataas so meaning kung ikukumpara natin sa presyo nung nakaraang taon masasabi kong nasa Uptrend pa din tayo though and BULL ay nagpapahinga sa ngayon.

kasi kung talagang tapos na Bullrun then dapat nasa Bear market na tayo at siguradong nasa 20,000k below nnman ang price.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
June 06, 2021, 08:26:17 PM
#34
Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k
Umaasa pa rin ako na hindi pa tapos ang bullrun at makakabalik tayo sa $60k price pero sa movement ng bitcoin ngayon mukhang natapos na nga ang season ng bullrun. Hindi na sya makaabot ng $40k, naglalaro nlng sa $35k - $38k, pero kahit ganon hindi pa rin masama ang price na to kung babalikan natin ang mga nagdaang taon, umabot pa nga sa $3k ang price at kung ikumpara ngayon talagang mataas pa rin. Nag expect kasi ang marami sa atin na magiging consistent na ang pagtaas kaya yung iba bumili kahit mataas ang value.

Unpredicted talaga ang galaw ng bitcoin, siguro kapag may magandang news ulit na maaaring makaapekto sa price dun lang ulit ito tataas, ang ibang investors kasi naghihintay muna ng recovery bago bumili.
newbie
Activity: 14
Merit: 0
June 06, 2021, 07:23:22 PM
#33
good morning kakosa.sa tingin ko hindi muna tataas ang bitcoin ngayon at baba muna siya.kaya magingat ingat .masyadong amtaas na ang value ng bitcoin ngayon kaya recommend ko lang na wag munang bumili o maginvest sa bitcoin.sa tingin ko baba pa siya this year ng mga 800000 per btc.kapag  bumaba doon ay bumili ka na
member
Activity: 949
Merit: 48
June 06, 2021, 07:38:04 AM
#32
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k
  Parang di pa naman tapos ang bull run mataas parin ang presyo nang bitcoin at sa tingin ko magkakaroon pa ng second wave ang bull run ngayong taon malayo pa naman ang katapusan ng taon kaya poseble pa talagang makabangon ang btc.
Pages:
Jump to: