Pages:
Author

Topic: Tapos na ba ang bullrun? 2021 - page 5. (Read 813 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
May 27, 2021, 05:00:06 PM
#11
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k

Mahirap masabi kun tapos na ang bull run as early as today, pero as far as corrections goes, its long overdue. Kailangan na rin talagang mangyari ang correction na katulad nito, masyadong mabilis ang pagtaas ng bitcoin nitong huling 6 na buwan at sooner or later darating talaga tong ganitong crash.

Sa ngayon ang importanteng basagin eh ang $40k na mental barrier, so far nakaka tatlong attempt na tayo, at puro failed. At kung mababasag natin, dapat ma maintain or at least tumagos sa $42k. Pag ito nangyari malamang magka roon tayo ng break out run. (ito lang naman ang aking personal na opinion at base sa analysis ko, hindi ito financial advise.)

So antayin muna natin ang galawan ng market bago natin masabing nasa bear cycle na tayo.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
May 27, 2021, 02:13:00 PM
#10
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k
Parang tapos na siya pero ako, wala namang mawawala kung aasa na tumaas pa ulit kahit papano. Yan din ang akala ko na magiging diretso at tuloy tuloy na siya sa $100k pero ika nga nila, huwag masyadong umasa para hindi masaktan. Pero sa akin naman kontrolado ko naman emosyon ko kaya kahit hindi man mangyari, nagawa ko na yung dapat kong magawa para sa sarili ko nung bull run. At kung iisipin na $10k at $20k parang sobrang baba niya din na galing sa $60k pero mukhang sustainable naman ang $30k pataas.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
May 27, 2021, 11:56:32 AM
#9
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin?
Sa tingin ko kabayan, tapos na yung run [hopefully mali ako].

mayroon pa kaya kasunod to na ATH?
Bakit hindi, pero di sa ngayon [baka in three years' time].

or going back na sa $30k, $20k , $10k
Yan siguro ang mangyayari pero di ganun kababa. Malakas pakiramdam ko na yung support at resistance level ay mag stay sa $35K to $45K range.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
May 27, 2021, 10:29:51 AM
#8
Basta ako para sa akin hindi pa at sa palagay ko ang nangyari ay isang napakalaking shakeout sa merkado na I guess para mas makabili ng murang Bitcoins yung mga institutional investors. Kung too man na hindi pa nag sell yung Shitla (Tesla) then posibilidad talaga na it keeps holding sa price na yan.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
May 27, 2021, 09:00:14 AM
#7
Merong posibilidad na tapos na ang bull run, pero malaki pa rin ang posibilidad na hindi pa. Marami pa ring upside potential akong nakikita sa market pero hindi pa ganun kataas ang volume at hindi pa nakakabuild-up ng mabigat na momentum para mapush ang price at makabawi muli ang bitcoin. Hindi rin madaling i-dismiss na kahit na napakaraming signs na naglelead towards bubble burst e marami pa ring malalaking kumpanya ang patuloy na bumibili ng bitcoin.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
May 27, 2021, 07:48:53 AM
#6
Sabi ng iba correction lang daw ito pero sa laki ng correction iisipin mo talaga na tapos na ang bull run at umpisa na ang bear market kung makarecover ang btc at hindi na muling lumingon diretso pa rin ang bull run sa opinyon ko hindi pa talaga tapos ito kundiy whales manipulation ulit or pakana ito ng instituional investors para makabili sila sa mababang presyo yung mga weak hands for sure magbebenta sa ganitong correction ika nga matira matibay sa crypto.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
May 27, 2021, 07:08:50 AM
#5
Satingin ko matagal ng tapos yung Bullrun nung umabot nung 60k price. Napansin ko kasi na sobrang daming hype ng mga panahon na iyon at suportado pa ni Elon Musk yung Bitcoin pero nag struggle parin yung presyo umakyat. Ngayon, medyo stable na ang price.

Para sakin lang. Satingin ko bababa ang Bitcoin.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
May 27, 2021, 12:53:14 AM
#4
Mas maganda pa rin na meron kang hawak kahit kunti lang sa pagharurot ulit ng presyo pataas.

Mababa man sa ngayon ang halaga ng mga hawak natin kumpara noong huling buwan ay talagang talo na tayo kung bibitawan na natin ito ngayon.

Papasok palang tayo sa mid year nitong taon, sa anim na buwan na yan ay marami pang pwedeng mangyari tulad ng sunod na bullrun kapag natabunan na ang isyu sa china at kay EM.
newbie
Activity: 20
Merit: 0
May 26, 2021, 11:13:34 PM
#3
sa bagay may point ka bro, wala ka talaga nakaka alam. Pero ang pakiramdam ko mayroon pang new ATH. Abangan na lang natin, tama ka risk management..wag mag ALL in sa mga desisyon.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
May 26, 2021, 10:40:28 PM
#2
Maybe, maybe not. Walang may alam kung paano exactly gagalaw ang markets. Tongue

May tinatawag na risk management pag investing in general ang pinag uusapan. Kung saan pag tumaas ang bitcoin, tataas ang value ng holdings mo. Kung bumaba ang price ng bitcoin, may opportunity kang bumili at lower prices. Kumbaga depending sa risk appetite mo, pwede mong iligay ung sarili mo sa sitwasyon na mananalo ka regardless kung tumaas o bumaba ang bitcoin.
newbie
Activity: 20
Merit: 0
May 26, 2021, 10:17:55 PM
#1
Tapos na ba ang bull run ng Bitcoin? Dati nung tumapak ang Bitcoin sa $19k noong December 2017, akala ng lahat tuloy tuloy na at mag $100k na daw.. Kaya ang dami bumili ng BTC sa $19k..

Then 2018 nagsimula mag crash..


Ngayon tapos na kaya si Bitcoin sa $60k? mayroon pa kaya kasunod to na ATH? or going back na sa $30k, $20k , $10k
Pages:
Jump to: