Pages:
Author

Topic: The Anti-Terrorism Act and Why Non-Custodial Wallets Will Be Important (Read 643 times)

hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Wala namang bill na gusto ang lahat, bago ma pirmahan ito, marami ng umalma, pero sa tingin ko maganda naman ang bill na ito, not for everyone but for the majority of people, to protect their interest. Di ko kabisado ang buong bill, pero sa pagkakarinig ko maaring ma freeze ang financial accounts mo, pwede sa bank or sa crypto exchanges siguro na sakop ng pilipinas kung ikaw ay suspected terrorist, so parang sa akin okay lang dahil mallit lang naman ang pundo ko.. at pero ko sa bank ay for savings lang din kasi yung pera ko ni ro roll ko for investment.

You are missing the point of the whole thread I created. Yung topic na ito ay hindi para talakayin ang linalaman ng Anti-terrorism law (batas na sya ngayon) pero ang importansya ng non-custodial wallets lalong lalo na meron na tayong batas na ganito. Alam ko meron tayong difference of opinion pag dating sa mga politikal na bagay kaya I tried my best to stay away as much as possible kaya nandito lang ako nag-eexplain kung ano mangyayari sa crypto assets mo or assets in general pag hinahawakan mo ito sa isang centralized business katulad ng bangko or custodial wallet. Kaya nasa sayo yan if kukunin mo yung advice ko or makikita mo itong as a political move pero ever since naman non-custodial wallets talaga ay mas ok na gamitin para sa cryptocurrency natin.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
Wala namang bill na gusto ang lahat, bago ma pirmahan ito, marami ng umalma, pero sa tingin ko maganda naman ang bill na ito, not for everyone but for the majority of people, to protect their interest. Di ko kabisado ang buong bill, pero sa pagkakarinig ko maaring ma freeze ang financial accounts mo, pwede sa bank or sa crypto exchanges siguro na sakop ng pilipinas kung ikaw ay suspected terrorist, so parang sa akin okay lang dahil mallit lang naman ang pundo ko.. at pero ko sa bank ay for savings lang din kasi yung pera ko ni ro roll ko for investment.
hero member
Activity: 1764
Merit: 584
Just to update this thread. Ang Anti-Terrorism Act became a law already when President Duterte signed/approved the bill. Now, guys our democracy gradually kills.

Tulad nga ng nasabi dito sa thread, maging ang ating assets ay walang ligtas sapagkat maaaring makuha at maging ebidensya ang mga ito mula sa atin. Mukhang nakakabahala ito kahit pa sa ating nasa crypto industry.

Quote
Philippines President Rodrigo Duterte has signed a widely opposed anti-terror law which critics fear could be used against human rights defenders and to muzzle dissent.

Duterte signed the Anti-Terrorism Act on Friday after weighing the concerns of different groups, demonstrating the government's commitment to stamping out terrorism, presidential spokesman Harry Roque said.

Reference: [urlhttps://www.aljazeera.com/news/2020/07/philippine-president-approves-widely-opposed-anti-terror-law-200703144213179.html[/url]

It doesn't help that cryptos are used as scapegoats when it comes to laundering. Kumpis ang pera sa exchanges at kung meron ka man sa hardware/software wallets good luck naman na basta maiconvert to php kung tagged ka na.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Kung wala ka naman ginagawa na masama para sa ating bayan di ka naman dapat matakot diba? Kung legit ka na may ari ng account at hindi naman ito compromised status, walang mangyayaring red tagging. Para lang ito sa mga taong konektado sa terrorist group na may fundings na galing sa anonymous person. Makakatulong din ito upang magkaroon ng transparency ang gobyerno sa mga transactions na papasok at lalabas bawat tao.

Sana ganito lang kasimple yung proseso na tipong black and white lang or simpleng tama o mali nakikita ng mga otoridad pero at this day and age na madaming kumakalat na misinformation may mga chance talaga na makasama ka sa mga na tag as mistaken identity dahil na rin sa mga mali or mabilisang proseso na nagaganap sa mundo, ito ay hindi rare na occurence pero madalas ito nangyayari kaya nandya ang husgado para lamang magsilbing shield sa ganitong abuso.

~snip
May flaw sa argument mo na bakit ka matatakot kung inosente ka, isipin mo paano kung tinarget ka ng mga corrupt na pulis? Hindi ba nakakabahala kasi pwede nilang manipulahin yung batas para may anggulo sila sayo, aaminin ko maganda ung framing sa batas pero isipin mo yung mga taong nag-eenforce nito, pwedeng pwedeng baluktutin.

Like I said to Hippocrypto kaya nandyan yung husgado or to be more particular ang court of appeals para lang magsilbing screening process sa ganitong abuso kaya sana lamang gawin nila kung ano nasa kapangyarihan nila para gawin ang tama. Medyo nakakatakot din kasi ang mangyayari sayo at ang ari-arian mo pag nakasama ka sa mga maling tao na naging suspect.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Edi ang ibig sabihin nyan is mayroon pa ding funnel yung mga terorista para sa pondo nila kasi nga hindi sakop iyon ng batas.

Kung wala ka naman ginagawa na masama para sa ating bayan di ka naman dapat matakot diba? Kung legit ka na may ari ng account at hindi naman ito compromised status, walang mangyayaring red tagging. Para lang ito sa mga taong konektado sa terrorist group na may fundings na galing sa anonymous person. Makakatulong din ito upang magkaroon ng transparency ang gobyerno sa mga transactions na papasok at lalabas bawat tao.
May flaw sa argument mo na bakit ka matatakot kung inosente ka, isipin mo paano kung tinarget ka ng mga corrupt na pulis? Hindi ba nakakabahala kasi pwede nilang manipulahin yung batas para may anggulo sila sayo, aaminin ko maganda ung framing sa batas pero isipin mo yung mga taong nag-eenforce nito, pwedeng pwedeng baluktutin.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277

Di kaya masyado lang nag-ooverreact ang mga tao? Parang kalokohan naman kasi na agad-agad mapapakamalan tayong terrorist agad-agad. And besides, if my alarm, just comply with the requirements. Ang magiging suspicious lang naman kasi, as said na rin sa article, is if ma-tagged as nag-ttratransfer ang account sa mga terrorist tagged accounts. May mga list din kasi ang intel ng gobyerno about those accounts na puwedeng involved sa terrorism or any related case.
Sa totoo lang ayos lang din talaga para saakin yung anti-terror na isinabatas. May cons lang din naman to, at matindi yon. Red tagging. Konting kibot lang kasi minsan ng iba nating kababayan, na rered tag na agad sila. May nabasa nga ako tungkol sa isang estudyante na sumama lang dun sa protest ng jeepney drivers ay na red tag na agad. Minamanmanan daw sya ng mga pulis at sundalo.
Kaya mabuti na lang din na iwasan natin yung makapaglalagay satin sa sitwasyon na paghinalaan tayo.

Kung wala ka naman ginagawa na masama para sa ating bayan di ka naman dapat matakot diba? Kung legit ka na may ari ng account at hindi naman ito compromised status, walang mangyayaring red tagging. Para lang ito sa mga taong konektado sa terrorist group na may fundings na galing sa anonymous person. Makakatulong din ito upang magkaroon ng transparency ang gobyerno sa mga transactions na papasok at lalabas bawat tao.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Just to update this thread. Ang Anti-Terrorism Act became a law already when President Duterte signed/approved the bill. Now, guys our democracy gradually kills.

Tulad nga ng nasabi dito sa thread, maging ang ating assets ay walang ligtas sapagkat maaaring makuha at maging ebidensya ang mga ito mula sa atin. Mukhang nakakabahala ito kahit pa sa ating nasa crypto industry.

Quote
Philippines President Rodrigo Duterte has signed a widely opposed anti-terror law which critics fear could be used against human rights defenders and to muzzle dissent.

Duterte signed the Anti-Terrorism Act on Friday after weighing the concerns of different groups, demonstrating the government's commitment to stamping out terrorism, presidential spokesman Harry Roque said.

Reference: [urlhttps://www.aljazeera.com/news/2020/07/philippine-president-approves-widely-opposed-anti-terror-law-200703144213179.html[/url]

Oops medyo matagal din bago nya napasa yung balita, medyo hindi ko na nga napansin na naging batas ito dahil na din sa haba ng palugit na hinintay ng ating presidente. Ganun naman naging practice nila eh pag may kontrobersyal na bill na kulang nalang ang pirma ng pangulo bago maging batas hinihintay muna nilang mag simmer down lahat o di kaya maging tahimik ang media dito bago nila ito tuluyang pirmahan para na din magsawa yung mga tao o di kaya makalimutan na ng nakakarami yung bill na ito. And to tell you honestly it was effective dahil it flew right under our radars.

Sa totoo lang ayos lang din talaga para saakin yung anti-terror na isinabatas. May cons lang din naman to, at matindi yon. Red tagging. Konting kibot lang kasi minsan ng iba nating kababayan, na rered tag na agad sila. May nabasa nga ako tungkol sa isang estudyante na sumama lang dun sa protest ng jeepney drivers ay na red tag na agad. Minamanmanan daw sya ng mga pulis at sundalo.
Kaya mabuti na lang din na iwasan natin yung makapaglalagay satin sa sitwasyon na paghinalaan tayo.

The anti-terrorism bill will work definitely pero lahat ito ay nakasalalay sa ating judicial system specifically our judges na mag-gragrant ng mga warrants for reasonable cause and evidences sa mga suspect nila. Kasi ito lamang yung magsisilbing barrier natin sa pag-aabuso ng batas na ito lalong lalo na ang red-tagging na yan. If the judge will just approve everything parang walang bisa na linagay pa sila sa batas na yan dahil walang pipigil sakanila na kukuha lang at kukuha ng mga suspect.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450

Di kaya masyado lang nag-ooverreact ang mga tao? Parang kalokohan naman kasi na agad-agad mapapakamalan tayong terrorist agad-agad. And besides, if my alarm, just comply with the requirements. Ang magiging suspicious lang naman kasi, as said na rin sa article, is if ma-tagged as nag-ttratransfer ang account sa mga terrorist tagged accounts. May mga list din kasi ang intel ng gobyerno about those accounts na puwedeng involved sa terrorism or any related case.
Sa totoo lang ayos lang din talaga para saakin yung anti-terror na isinabatas. May cons lang din naman to, at matindi yon. Red tagging. Konting kibot lang kasi minsan ng iba nating kababayan, na rered tag na agad sila. May nabasa nga ako tungkol sa isang estudyante na sumama lang dun sa protest ng jeepney drivers ay na red tag na agad. Minamanmanan daw sya ng mga pulis at sundalo.
Kaya mabuti na lang din na iwasan natin yung makapaglalagay satin sa sitwasyon na paghinalaan tayo.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Just to update this thread. Ang Anti-Terrorism Act became a law already when President Duterte signed/approved the bill. Now, guys our democracy gradually kills.

Tulad nga ng nasabi dito sa thread, maging ang ating assets ay walang ligtas sapagkat maaaring makuha at maging ebidensya ang mga ito mula sa atin. Mukhang nakakabahala ito kahit pa sa ating nasa crypto industry.

Quote
Philippines President Rodrigo Duterte has signed a widely opposed anti-terror law which critics fear could be used against human rights defenders and to muzzle dissent.

Duterte signed the Anti-Terrorism Act on Friday after weighing the concerns of different groups, demonstrating the government's commitment to stamping out terrorism, presidential spokesman Harry Roque said.

Reference: [urlhttps://www.aljazeera.com/news/2020/07/philippine-president-approves-widely-opposed-anti-terror-law-200703144213179.html[/url]
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Isa lang masasabi ko sa batas na ito, kapag masama ang linyahan mo dapat kang matakot dito, pero kung law abiding citizen ka wala kang dapat ikatakot dito. At saka tama si Lucy Torres yung mga maiingay na left at mga pawoke sa social media eh dapat basahin ang nilalaman nito di yung parang makapagsalita na lang ng kontra, naku Day 1 pa lang ni PDUTS di na tinantanan ng mga anti na ito, parang wala ng ginawang maganda ang tao. Wala namang perpektong gobyerno, pero mas gusto ko ang gobyerno na to, kahit balahura ang bibig na tanda di siya kagaya ng iba na puro arte at drama lang.

AKOY PILIPINO MAHAL KO ANG BAYAN KO, KAYA SUPORTADO KO ANG ANTI-TERROR BILL!!

period.  Wink

Ishare ko pa lang sana yung posts ni Madam Lucy Torres. Kakabasa ko lang kasi kagabi bago matulog.
Yun na yata ang pinaka-maliwanag na pag summarize kung ano ang nilalaman nito.
Madami kasi sa atin, ang papasok na balita ay baluktot na.
Ma-impluwensya na masyado ang social media at local news minsan ay napapaniwalaan ito bagamat kulang kulang o hindi naipaliwanag ng maigi.
Mabuti naman at hindi lang beauty si Madam at brainy din.

About naman diyan sa pagtira kay President. Medyo nakakasawa na din.
Minsan tinanong ko sarili ko.
Bakit kaya ngayon puro sa Presidente ang bagsak ng kasalanan?
Nung nakaraan ba ganyan? Hindi naman.
Ito ba ay dahil epektibo ang pamamahala niya kaya pansin na pansin siya lagi?

Gusto ko yang paganalisa mo paps, oo nga ano dati naman eh di ganyan ang banat eh lalo kay panot, pero bakit ng si matandang hokage na ang umupo di na tinantanan, Talaga ngang epektibo ang gobyerno ntio at di na sila makapaghari harian, biro mo ha pati itong maimpluwensyang tv station eh ano sila ngayon? Dahil ang tagal na panahon ang mga mainstream media na ito ay ginamit ang kanilang pribileyo para ikontrol pati ang politika.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Isa lang masasabi ko sa batas na ito, kapag masama ang linyahan mo dapat kang matakot dito, pero kung law abiding citizen ka wala kang dapat ikatakot dito. At saka tama si Lucy Torres yung mga maiingay na left at mga pawoke sa social media eh dapat basahin ang nilalaman nito di yung parang makapagsalita na lang ng kontra, naku Day 1 pa lang ni PDUTS di na tinantanan ng mga anti na ito, parang wala ng ginawang maganda ang tao. Wala namang perpektong gobyerno, pero mas gusto ko ang gobyerno na to, kahit balahura ang bibig na tanda di siya kagaya ng iba na puro arte at drama lang.

AKOY PILIPINO MAHAL KO ANG BAYAN KO, KAYA SUPORTADO KO ANG ANTI-TERROR BILL!!

period.  Wink

Ishare ko pa lang sana yung posts ni Madam Lucy Torres. Kakabasa ko lang kasi kagabi bago matulog.
Yun na yata ang pinaka-maliwanag na pag summarize kung ano ang nilalaman nito.
Madami kasi sa atin, ang papasok na balita ay baluktot na.
Ma-impluwensya na masyado ang social media at local news minsan ay napapaniwalaan ito bagamat kulang kulang o hindi naipaliwanag ng maigi.
Mabuti naman at hindi lang beauty si Madam at brainy din.

About naman diyan sa pagtira kay President. Medyo nakakasawa na din.
Minsan tinanong ko sarili ko.
Bakit kaya ngayon puro sa Presidente ang bagsak ng kasalanan?
Nung nakaraan ba ganyan? Hindi naman.
Ito ba ay dahil epektibo ang pamamahala niya kaya pansin na pansin siya lagi?
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Isa lang masasabi ko sa batas na ito, kapag masama ang linyahan mo dapat kang matakot dito, pero kung law abiding citizen ka wala kang dapat ikatakot dito. At saka tama si Lucy Torres yung mga maiingay na left at mga pawoke sa social media eh dapat basahin ang nilalaman nito di yung parang makapagsalita na lang ng kontra, naku Day 1 pa lang ni PDUTS di na tinantanan ng mga anti na ito, parang wala ng ginawang maganda ang tao. Wala namang perpektong gobyerno, pero mas gusto ko ang gobyerno na to, kahit balahura ang bibig na tanda di siya kagaya ng iba na puro arte at drama lang.

AKOY PILIPINO MAHAL KO ANG BAYAN KO, KAYA SUPORTADO KO ANG ANTI-TERROR BILL!!

period.  Wink
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
dapat maging ma-ingat na tayo lalong lalo na pag-dating sa ating mga assets dahil literally kahit sinong normal na mamayanan ng Pilipinas ay maging "person of interest" ng gobyerno.




Ito ang pinaka nakakatakot dito,Yes naniniwala ako sa Gobyerno ni Pres.Duterte pero alam pa din nating meron talagang Bad eggs at hanggang ngayon hindi pa din lubusang nalilinis ang buong hanay ng Gobyerno lalo na sa Men in Uniforms so nakakabahala na pag pinag hinalaan ka eh walang kaabog abog na pwede kana damputin at gawin sayo kung ano ang tingin nilang nararapat.

in short pwede ito maabuso ng mga tiwaling opisyal ng Gobyerno,bagay na sana naman ay wag mapahintulutang makapambiktima ng maraming inosenteng mamamayan.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
If loner ka then wala ka dapat ipag-alala right? Kung wala ka masyadong interaksyon sa outside world at sa ibang tao I don't think na magiging under the radar ka in a sense na madami kang nakakasalamuha na tao diba?  Grin But jokes aside kung titignan lang natin yung punto ng bill na ito ang mainly hinahanap nya sa mga potential suspect is yung "connection" mo within that suspected terrorist organization so kung loner ka na tao and proven naman na wala ka masyadong interaksyon sa iba I doubt na magiging suspect ka.
Problema dito magisa ka na nga sa buhay ikaw pa yung mapag-suspetyahan. Kamukha or kapangalan.
Saan ka tatakbo sa gantong issue at pano mo mailuluwal ang kayamanan mo ng hindi ka aabusuhin ng pagkakatiwalaan mo.
Huwag naman sana.

Mabuti natuturuan mo yung pamilya mo about cryptocurrencies isa na din kasi ito sa mga crucial things na kailangan gawin ng isang crypto hodler na ikaw ang may nakaka-alam sa cryptocurrencies. Alam ko mahirap ituro ito pero pag nakita mo namang interesado sila at importante yung sasabihin mo mabilis naman nila matututunan ang mga ito.
Mahirap ituro sa mga walang interes, sa totoo lang.
Pero nailulusot ko minsan sa mga usapan.
Like, kapag nanonood ng movie at biglang natalakay ang anonymity at kung ano man na may relasyon sa privacy.

With regards to any update sa bill pending pa din ito sa kamay ng Pangulo at wala pang masyadong balita kung pipirmahan nya ito or hindi but knowing na nang galing sa ka-alyado nya yung gumawa ng bill alam ko mababa lang yung chance na mave-veto yung bill na ito dahil baka sya na din mismo ang nag-request na gawin ito in the first place, gaya na din yung request nya for special powers para sa enhanced community quarantine.
Puro bad news ang dating kapag sa local media outlet nang-gagaling.
Naguguluhan na ang mga tao kung ano ba talaga ang nilalaman.
Hindi naman lahat ay tatangkain na basahin ang buong laman nito. Mas importante sa iba ang facebook.  Grin
Try ko search update pero Rappler naman agad ang sasalubong. Ayaw ko naman magbasa doon.
Bias na masyado.

Eto kaya.
https://philippines.embassy.gov.au/mnla/medrel0603.html
Wala nga lang petsa.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
The keyword here is "family" if you were suspected as a terrorist it doesn't mean na pati ang pamilya mo lalo na mga anak mo is automatically a suspect, yung bank accounts ng pamilya mo na nakapangalan sakanila at mga property under their name will be considered untouchable by the government. You don't have to disclose it right away na may tinatago kang seed phrase sa bahay mo but when the time comes you should be prepared na alam ng pamilya mo kung saan hahanapin yung seed phrase mo and hopefully if may anak kang techie alam niya or at least involved sa crypto eh alam niya ang gagawin kung paano mag-recover ng Bitcoin wallet.

Problema pala ito para sa mga "loner".  Grin
Kidding aside, malaking problema ito para sa mga nagiisa na lang sa buhay.
Kailangan mo ng taong lubos na mapagkakatiwalaan at hindi masisilaw sa pera. Mahirap makahanap ng ganon.

If loner ka then wala ka dapat ipag-alala right? Kung wala ka masyadong interaksyon sa outside world at sa ibang tao I don't think na magiging under the radar ka in a sense na madami kang nakakasalamuha na tao diba?  Grin But jokes aside kung titignan lang natin yung punto ng bill na ito ang mainly hinahanap nya sa mga potential suspect is yung "connection" mo within that suspected terrorist organization so kung loner ka na tao and proven naman na wala ka masyadong interaksyon sa iba I doubt na magiging suspect ka.


Actually prepared na ito lahat sa akin dahil in case din na bigla ako mawala sa mundo ay may ayuda naman si misis at mga bata.  Grin
Kaya tinuturuan ko din si misis kahit paunti-unti bagamat alam ko na hindi siya interesado. Tamang basic lang.

Ano na ba balita sa bill na ito? Hindi ba naipasa na kay President? Approval na lang?
Baka kaya niya minamadali upang mapag-aralan niya pa at may ma-revise kung may mali o wala na sa lugar na ayon sa batas.

Mabuti natuturuan mo yung pamilya mo about cryptocurrencies isa na din kasi ito sa mga crucial things na kailangan gawin ng isang crypto hodler na ikaw ang may nakaka-alam sa cryptocurrencies. Alam ko mahirap ituro ito pero pag nakita mo namang interesado sila at importante yung sasabihin mo mabilis naman nila matututunan ang mga ito.

With regards to any update sa bill pending pa din ito sa kamay ng Pangulo at wala pang masyadong balita kung pipirmahan nya ito or hindi but knowing na nang galing sa ka-alyado nya yung gumawa ng bill alam ko mababa lang yung chance na mave-veto yung bill na ito dahil baka sya na din mismo ang nag-request na gawin ito in the first place, gaya na din yung request nya for special powers para sa enhanced community quarantine.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Naging matunong sa balita maging sa social media ang Senate Bill na ito dahil na din na maaaring ma-apakan yung basic rights natin sa 1987 Constitution under Section 4 about freedom of speech at sa right ng mga tao mag-protesta sa sariling gobyerno na nung June 5 kahit hindi pa napapasa yung Senate Bill 1083 ay may mga nakulong ng estudyante galing UP sa Cebu. With both legislative departments (Senate and Congress) approving the bill ang kulang nalang ang pirma ng ating presidente para maging batas ito kaya dapat maging ma-ingat na tayo lalong lalo na pag-dating sa ating mga assets dahil literally kahit sinong normal na mamayanan ng Pilipinas ay maging "person of interest" ng gobyerno.


Doon ako magcoconcentrate sa salitang "maaring maapakan yung basic rights natin sa 1987 Constitution". Ano bang mga rights yan? Eto ang mga nakita ko so far:

1. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-iii/  - Andiyan ang Article III which is the BILL OF RIGHTS.

2. ARTICLE XIII
SOCIAL JUSTICE AND HUMAN RIGHTS

Section 1. The Congress shall give highest priority to the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities, and remove cultural inequities by equitably diffusing wealth and political power for the common good.

To this end, the State shall regulate the acquisition, ownership, use, and disposition of property and its increments.

Section 2. The promotion of social justice shall include the commitment to create economic opportunities based on freedom of initiative and self-reliance.


This is my opinion ok. Pinabulaanan na ng maraming mga Politiko, mga Abogado sa Senado at sa Kamara na ang mga maapektuhan dito ay ang mga MEMBERS  of terrorist groups. Members ng NPA, JI, Maute, Abu Sayyaf, at mga grupong terorista na pinangalanan ng United Nations. Klarong klaro yan. Kung wala kang ginagawang masama at isa kang law abiding citizen wala ka dapat ipagbahala. Para lang yang Martial law years, sino bang nagfirst quarter storm? Mga aktibista na komunista - Leftist. Sino ba ang naging dominant force from 1986 to 2016? Mga Aquino and their allies na napunta at naging supporters ng Liberal Party - Leftists. Sino ang mga kakampi nilang mga pari at madre na naniniwala sa Liberation theology at Socialist christianity - Mga Leftists.

Hindi ko sinasabing may sabwatan ang mga iba't ibang grupo ng mga makakaliwa. Pero the thing is ang karamihan sa mga apektado ng potential na batas na ito ay pawang nasa oposisyon - mga Leftist ang ideolohiya Komusnita man o Liberal. Ang siste eh madali lang naman, sumunod ka sa batas ng bansa walang problema. Simple lang naman talaga.

Yung pagkulong sa mga aktibista sa UP Cebu klarong quarantine related ang violations. Siempre ang mass media na default makakaliwa ang leaning will paint the whole thing as something else to gain sympathy sa echo chamber. Pero those who differ in opinion - the right will see it as bunch of people opposing every move of the government. Anyway all for the best naman para wala nang terorismo sa bansa.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
Yes I know, kaya ako nag-provide ng separate quote sa article under "probable cause" I did fail to explain much further kung paano ka nga magiging suspect as a terrorist but lahat ito ay may proceedings sa court and hindi ka basta basta magiging under surveillance without the proper warrants needed for one. Gaya ng sinabi ko kay chaser15 mas focus ako i-explain ang potential na mangyayari sa crypto assets nila pag naging "suspect" sila na mas mataas yung chance o siguradong mawawala pati crypto assets mo pag hawak mo lang ito sa isang custodial wallet gaya ng Coins.ph, they are also SEC and AML compliant as well so there is no questions about their compliance with the law.
Yeah, I saw how you tried to narrow it down and connect it to crypto wallets (not an easy thing to do by the way). Hence, I tried to supplement without going to the other issues thrown against the bill as well.



~
Naririnig ko lang ito sa ilang mga miembro ng KAPA na yong organisasyon nila ay nag-engage sa cryptocurrency trading, pero di ako sure kung totoo ba ito or hindi. Kung nagkataon nga totoo nga ang balitang ito, may chance na may malaking pera pa ang KAPA na nandoon sa mga big exchanges kagaya ng Binance at iba pang exchanges na outside of Philippine jurisdiction at hindi maaring i-freeze ng AMLAC?

If ma-trace at may sapat na ebidensya, pwede yan. Coordinated naman ang iba't ibang bansa sa paglaban sa money laundering. Kailangan nga lang dumaan sa tamang proseso yan.



~
Problema pala ito para sa mga "loner".  Grin
Kidding aside, malaking problema ito para sa mga nagiisa na lang sa buhay.
Kailangan mo ng taong lubos na mapagkakatiwalaan at hindi masisilaw sa pera. Mahirap makahanap ng ganon.
Worst case scenario, yung as in wala ka ng ibang kamag-anak o kaya kahit isang kaibigan, yung abogado na siguro.

Actually prepared na ito lahat sa akin dahil in case din na bigla ako mawala sa mundo ay may ayuda naman si misis at mga bata.  Grin
Kaya tinuturuan ko din si misis kahit paunti-unti bagamat alam ko na hindi siya interesado. Tamang basic lang.
+100

Baka kaya niya minamadali upang mapag-aralan niya pa at may ma-revise kung may mali o wala na sa lugar na ayon sa batas.
There are reports na ginagamit ng mga local/international terrorists ang COVID-19 para mag-mobilize/recruit sa Pinas. Maliban dyan nasa top 9 pa tayo sa pinaka-apektado ng terorismo. That's more likely the reason kaya naging urgent yung pagdinig sa bill na ito (pero noong 2019 pa ito filed). Yung pag-review bago pirmahan ay SOP na yan kay PRRD.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook

Ano na ba balita sa bill na ito? Hindi ba naipasa na kay President? Approval na lang?
Baka kaya niya minamadali upang mapag-aralan niya pa at may ma-revise kung may mali o wala na sa lugar na ayon sa batas.


Sa pagkakaalam ko kabayan, pending for approval na ito ng ating Pangulo. Dalawa lang ang kahahangtungan nito, vetoed or approved. Wala ng revise-revise dahil kung may section na hindi nagustuhan ng pangulo at gusto nya itong ipa-revised, back to zero ang panukalang ito. Pagdedebatihan ulit sa kamara which will take more time. Pero tingin ko, approve to sa ating Pangulo.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
The keyword here is "family" if you were suspected as a terrorist it doesn't mean na pati ang pamilya mo lalo na mga anak mo is automatically a suspect, yung bank accounts ng pamilya mo na nakapangalan sakanila at mga property under their name will be considered untouchable by the government. You don't have to disclose it right away na may tinatago kang seed phrase sa bahay mo but when the time comes you should be prepared na alam ng pamilya mo kung saan hahanapin yung seed phrase mo and hopefully if may anak kang techie alam niya or at least involved sa crypto eh alam niya ang gagawin kung paano mag-recover ng Bitcoin wallet.

Problema pala ito para sa mga "loner".  Grin
Kidding aside, malaking problema ito para sa mga nagiisa na lang sa buhay.
Kailangan mo ng taong lubos na mapagkakatiwalaan at hindi masisilaw sa pera. Mahirap makahanap ng ganon.

Actually prepared na ito lahat sa akin dahil in case din na bigla ako mawala sa mundo ay may ayuda naman si misis at mga bata.  Grin
Kaya tinuturuan ko din si misis kahit paunti-unti bagamat alam ko na hindi siya interesado. Tamang basic lang.

Ano na ba balita sa bill na ito? Hindi ba naipasa na kay President? Approval na lang?
Baka kaya niya minamadali upang mapag-aralan niya pa at may ma-revise kung may mali o wala na sa lugar na ayon sa batas.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
~snip

Ang pinakaproblema lang na kahaharapin nating mga ginagamit ang crypto sa maganda is once na ginamit ng terrorists ang crypto sa kanilang mga transactions. I don't know if same ako ng idea sa iba pero diba if they used cryptos, sooner or later mapapansin ito ng awtoridad kung saan hindi din malabong pati ang crypto is bigyang pansin na rin ng gobyerno and ang worse is bigyan nila ng kung ano anong bill para controlin at pagkakitaan ang mga users na meron nito or iban ang paggamit.

About naman sa HW wallets, yes they cannot have your assets because it's too secured, and yes you can bail. But at first diba icoconfiscate din nila ito knowing na may connections ang isang HW wallet holder sa mga terrorists? Overall, despite saving your assets on HW wallets, everything would be useless as long as you are part of the terrorist. Ibang topic na kasi yung pang politics which is super broad discussion.
Pages:
Jump to: