Halos lahat naman tayo , lalo na kasi pag nakita natin yong ibang tao, andaming mga pinoposat na pera sa coins.ph nila, laging naka update sa earnings nila, kaya mahhype ka talaga. Okay lang yan, for sure naman lahat tayo natuto dito, kagaya ko din, mas naging practical and mas naging wise na ako ngayon sa pagiinvest.
Hindi natin maikakaila na karamihan sa atin ay nakaroon ng karanasan na mas mahal pa ang pagbili kesa sa pagbenta. During the heights ng bull season way back 2017, double edge ang trading noon. Lahat ng hindi nakalabas ng tama ay nagbenta ng palugi samantalang ang mga nakatyempo ng tamang timing eh kumita ng malaki. Isa rin ako sa nakaranas pareho ng pagbenta ng malaking tubo at pagbenta ng may malaking pagkalugi lalo na sa mga altcoin na mukhang promising then biglang bumagsak ang presyo. Pero ganoon talaga, dumadating ang point na parang magiging amateur ang ating mga desisyon lalo na at nahaluan ng emosyon ang bawat desisyon na gagawin natin sa trading.
Totoo yan, kahit nga ako matagal ng nagtetrade minsan nagiisip ako lalo kapag natatrap yung trade ko na magFOMO dahil nga ang isip eh baka mas lumaki ang pagkalugi. Mas malakas ang attraction ng FOMO sa mga futures trade dahil dito kapag di ka naging matalino mali-liquidate ang capital mo.
Naisip ko rin na sa trading kung walang nagkakamali eh wala rin namang kikita, dahil kaya gumagalaw ang market dahil sa may tama at maling desisyon sa trading.