Pages:
Author

Topic: 🔥 🔥The BITCOIN Market Psychology (Nakakaurat minsan) Sad but True🔥 🔥 - page 6. (Read 2001 times)

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Sa kabutihang palad hindi pa naman ako nabibiktima ang buy high, sell low, ang nakabiktima sakin e yung bear market sell low talaga lalo na nung kailangan ko talaga magbenta kasi need pandagdag sa small business ko kahit labag sa loob ko talagang nagbenta ako ng maramihan yung tipong worth $2500 e nabenta ko nalang ng $250 kaya laking panghinayang ko nung hindi ko pa naibenta nung bull run.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Sang-ayon ako sa iyo OP dahil nakakabwiset talaga ang takbo ng mga nasa isip ng tao pagdating sa market ni Bitcoin.  Ang problema kasi, kapag tumataas ang presyo nito ay napakalakas ng hype at talagang nakakaakit bumili ng Bitcoin dahil nga sa kaliwa at kanan ang magagandang naririnig kaya ang mga hindi gaanong nag-iisip ay napapabili. Ganoon din naman kapag kabaligtaran ang nangyari, marami ang negatibong balita tungkol sa bitcoin at ang mga tao ay magdadalawang isip.  Human nature na talaga na kapag hindi maganda ang naririnig ay hindi ito pinag-iisipan muna at sumasang-ayon agad.

Ang mindset kasi eh kapag tumaas eh mas lalo pang tataas kaya nagbibilihan at kapag mababa naman lalo pang bababa, kaya sa panahong ito na nasa bingit ng 6k usd na lang si btc yung mga small time trader ayaw bumili dahil ang isip eh baka pumalo pa ng 5k, kaya both up or down may regrets talaga.
legendary
Activity: 2954
Merit: 1153
Sang-ayon ako sa iyo OP dahil nakakabwiset talaga ang takbo ng mga nasa isip ng tao pagdating sa market ni Bitcoin.  Ang problema kasi, kapag tumataas ang presyo nito ay napakalakas ng hype at talagang nakakaakit bumili ng Bitcoin dahil nga sa kaliwa at kanan ang magagandang naririnig kaya ang mga hindi gaanong nag-iisip ay napapabili. Ganoon din naman kapag kabaligtaran ang nangyari, marami ang negatibong balita tungkol sa bitcoin at ang mga tao ay magdadalawang isip.  Human nature na talaga na kapag hindi maganda ang naririnig ay hindi ito pinag-iisipan muna at sumasang-ayon agad.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Great reflection OP. Kalimitan sa atin ay nadadala talaga ng ating mga emosyon, even me myself admits na mas masarap sa feeling bumili pag tumataas ang presyo at maingay ang social media pero that doesn't mean tama ang ginagawa ko which actually ends up on losses, nung minsan umabot pa ng 20% LOL.

With this idea being said, we just need to think ahead of ourselves, reflect on your previous losses and learn from it, apply proper risk management and execute.
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
Hindi ako bumili ng bitcoin ever, so hindi ako biktima ng buy high sell low, alam kona ang bitcoin noong 1k pa yung price pero i wasn't able to take advantage of the 2017 bullrun, may bounty nga akong sinalihan, kung nag stay ako may 1 bitcoin na sana ko in form of altcoin, equivalent 500k+ pesos at that time, kung nag hold lang.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
Sa hype lang talaga tumataas ang bitcoin. Nung taong 2017 ang daming mga TV news na nag balita about sa bitcoin kaya lalong tumataas ang presyo ng bitcoin nung panahong yun. Ngayon parang natutulog pa ang mga big whales, gigising yan pag nag unti unting tumataas ang presyo.

Lahat naman ata tayo dito nabiktima ng buy high sell low hehe, lalo na sa bear market.
hero member
Activity: 1190
Merit: 511
Well, siguro natural na lang yon, na majority sa atin gusto to see is to believe, gusto nila ngyayari muna bago sila makipagsapalaran, gusto nila at peak season yong hindi matigil ang pagtaas, tapos sasabay sila baka sakali and then pagkabili at peak gusto malaki din ang kanilang matarget kay ang ngyayari lalo silang narereKt kasi kadalasan nagdudump pag nakita ng whales na marami ng buyers.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Sigurado na karamihan sa atin na experience na nakapag buy high at sell low lalo na sa kadahilanang ayaw ma miss ang pagkakataon lalo na ang akala natin eh mananalo tayo sa huli. Ganun kasi ang mentalidad kadalasan ng tao sabay lang sa agos at minsan nagiging bulag sa katotohanan, pero ganun pa man meron parin tayong mapupulutang aral sa mga mali nating desisyon.
hero member
Activity: 1414
Merit: 505
Backed.Finance
 
Yan talagang nasa photo  ung totoong ng yayari sa market . 😅 kung kelan mahal ang BTC tsaka malalakas ang loob sumugal nung bumababa na natakot na sila bumili kasi baka bumababa padaw lalo. Yan ung kaibahan talaga ng mga totoong traders na nag bubuy lang pag bagsak presyo ng coins.

 Cheesy Totoo yan, ganyan kadalasan ang mga nangyayari at isa na ako doon sa nabiktima sa mga alts naman. Pero nagsilbing leksiyon sa aon yun nung nagsisimula pa lang ako sa crypto.Habang tumatagal, mas  lalo mo naiintindihn at ang mga maling desisyon noon ay nagsilibing guide para di na maulit.
legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
Nangyayari ito sa aking mostly sa mga altcoins na nagpupump. Minsan tsaka ko lang mapapansin ang isang coins kapag hyped na dahil tumaas ang price. Aakalain ko na makakaabot pa ako o maFOMO. Bagsak ko, bagholder na lang. Kahit sinong trader siguro nabiktima na nito once in their life.

Good thing sa bitcoin, kahit makabili ka sa top of the price malaki pa rin ang chance na magrecover. So ang labanan na lang ay tibay ng sikmura sa pag HODL. Kahit yung mga bumili nung ATH, malaki pa rin ang chance na mareach ulit ang price na yun and more in the future.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Ugali na nang mga trader na bumili ng mga coin kapag ito ay mataas na kaya naman marami sa kanila ang nagrereklamo kapag nagdump ang coin na kanilang binili  pero noong mga panahon na mababa ang value ng coin na iyon ay hindi nila pinapansin ganyan naman tayo kapag hindi mataas hindi pinapansin parang tao lang yan kundi ka sikat walang papansin sayo unless na madiscover ka.  Naalala ko dati ganyan din ginagawa ko na binebenta ko yung coin ko ng palugi kaya naman binago ko habit ko binago ko ang strategy ko kaya naman okay na ako ngayon hindi na ganyan ang ginagawa ko.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Dati nabiktima ako niyan na bibili ako nang mataas then pagnagstart ng bumababa ay magpapanic ako kaya nabenta ko yung ibang coin ko yan ang hindi maganda sa ugali ng mga trader at aminado naman na ganyan ako pero no choice ako dati kesa naman malugi ng malaki kaya binenta ko na pero ngayon ayos lang sa akin kahit nagdump ying coin na hawak ko basta hihintayin ko pa rin siya tumaas.
legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
Na experience ko 2017, around paparating ung bull run, ung umabot halos 20k usd si Bitcoin, although panalo na ako sa Bitcoin na nabili ko nung mura around mid 2017, pero I decided to buy some alts and hold them, pati si Bitcoin but suddenly yung mga alts ay bumagsak start ng 2018 and ended up holding hanggang 2019.
At yun nya, pag dating ng 2019, benta ko na lahat ng alts ko at switched to Bitcoin na lang.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Tagal mo na pala sa bitcoin, madami madami ka siguro naibenta at naipon hanggang ngayon. Totoo yang sinabi mo na kapag tumataas, doon ulit pumapasok mga investors kasi nakikita nilang may flow. Mas gusto nila yung ganun kasi mas nahahype sila kesa sa maging patient. Ang dami kong kakilala na ganyan din, perfect na halimbawa nung 2017. Di ba sobrang taas ng bitcoin nun? ang daming mga nagtatanong at akala nila rich quick scheme kaya sila nag iinvest.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277

Since 2013 nainvolve na ako sa Bitcoin noong mga panahong buhay pa ang BTC-E trading platform at Mt.GOX, ang naobserbahan ko lang ang tao talaga bibili ng BTC at ibang alts kapag tumataas ito, di talaga maiaalis na mas nakakarami ang nahahype lang, talagang kailangan natin ng information drive at proper education sa Cryptocurrency.

Ikaw kabayan nabiktima ka na rin ba ng BUY HIGH at SELL LOW? Tara usap tayo.  Smiley Cheesy

Malaking impluwensya sa akin ang ganyang prinsipyo kabayan, at ang sagot ko dyan ay mas malala pa kung tutuusin. Noon panahon na nag bullrun pa ang bitcoin, isa akong biktima sa baluktot na paniniwala na mag hold ng matagal. Pero sa kasamaang palad naging matumal ang takbo ng pag angat ng coin ko, na sana naka 200k php na kita na ako noon. Sad to say kabayan, ubabot ako sa sukdulan na yung holdings ko ay naging 25k php nalang ang halaga neto.
Masakit isipin kaso, wala eh isang pangarap nalang ang nagdaan na panahon. Di pa huli ang lahat at kailangan kung bumangon at maging matatag hanggang manumbalik ang sigla ng cryptocurrency.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯

Since 2013 nainvolve na ako sa Bitcoin noong mga panahong buhay pa ang BTC-E trading platform at Mt.GOX, ang naobserbahan ko lang ang tao talaga bibili ng BTC at ibang alts kapag tumataas ito, di talaga maiaalis na mas nakakarami ang nahahype lang, talagang kailangan natin ng information drive at proper education sa Cryptocurrency.

Ikaw kabayan nabiktima ka na rin ba ng BUY HIGH at SELL LOW? Tara usap tayo.  Smiley Cheesy

Dahil sa hype yan tol kasi marami ang masasayang tao na kumikita ng malaki pag tumataas ang presyo ni bitcoin kaya ang iba nahihikayat na bumili para din kumita at ang nangyari ngayon is nag aalangan ang mga tao dahil sa laki ba naman ng binagsak ni BTC e talagang mag dadalawang isip sila dahil sa takot na biglang mawala ang perang pinag hirapan nilang iponin.

Pero maswerte padin ung matalinong bumili nung taong 2018 na kung saan super bagsak talaga si BTC dahil mas lalong kumita sila ng malaki kahit stable or maliit ang galawan ngaun.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
Yan talagang nasa photo  ung totoong ng yayari sa market . 😅 kung kelan mahal ang BTC tsaka malalakas ang loob sumugal nung bumababa na natakot na sila bumili kasi baka bumababa padaw lalo. Yan ung kaibahan talaga ng mga totoong traders na nag bubuy lang pag bagsak presyo ng coins.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355

I am not a victim of the BUY HIGH at SELL LOW because I entered BTC when it was just around $500 though at that time because I myself really doubted Bitcoin so I just bought some. That was a big mistake because we know that BTC eventually reached its ATH of $20K. Ang laro sa Bitcoin ay naka-konekta sa mga hypes at mga FUDs na kadalasang nangyayari kapag mas marami ang naniniwala na magkaroon ng pump. Di ko alam kung ang darating na rewards halving ay maka-produce ng ganitong pangyayari.

Jump to: