Muntik na rin ako dito sa ganitong modus ng mga scammer, buti na lang at nahalata ko na iba ang number ng nagtxt sa akin ng confirmation instead na gcash mismo. Then iba rin ang amount, may konting discrepancy dun sa tinitrade ko. Then nagsend pa ng screenshot iyong scammer, buti na lang talaga nakaopen iyong gcash ko at nakita ko na wala pang pumapasok sa account ko. Nung sinabi ko na walang pumasok at iba iyong nagtxt sa akin eh biglang kinancel ang order. Kung bank transfer siguro iyon ay nakalusot na dahil madalas delay ang pagcredit ng Metrobank kapag nadedeposit ako online.
Pagdating talaga sa mga crypto transaction or any financial transaction, need nating maging vigilant at dapat di lang double check ang gawin natin para siguradong tama ang lahat bago iprocess.
I thought madami talaga ang na bibiktima jan sa mga ganyang modus, isa na dyan yung kaibigan ko na nag ttrade sa binance. P2P through Gcash din at dahil sa kakamadali hindi na nya na check kung pumasok na ba talaga yung funds sa Gcash account nya. Kadalasan sa mga ganitong scammers ay minamadali ka na e release na yung crypto mo right after they sent the fake SMS or email confirmation.
Regarding naman sa bank transfer, siguro pwede mo naman pakiusapan yung legit buyer na bago mo e release yung crypto mo sisiguraduhin mo muna na pumasok yung pera sa account mo. Most probably makaka intindi yan sila, except dun sa mga scammers na talagang pe-pressurin ko para e release yung crypto mo lol.