Pages:
Author

Topic: Thoughts sa Exchange P2P transaction - page 2. (Read 341 times)

full member
Activity: 2086
Merit: 193
February 28, 2023, 08:39:32 AM
#19
Okay! After reading @Coin_trader's horrible experience, sino ba mga buyer ng USDT or SELLER ng BTC sa Binance P2P dito? Just to keep us safe from what they call tainted money, baka pwede kayong mag post ng ADS ninyo dito or kahit username man lang?

Kinabahan din ako bigla kasi halos monthly ako nagte-trade tapos may kalakihan din(for me). Plus, sobrang hirap umasa sa "feedback" na meron sa mga merchant.  Roll Eyes
Medyo nakakapagtaka lang den talaga kung bakit may mga ganito sa P2P and syempre, hinde talaga maiwasan ang mga bank na magduda especially if masyadong malaki yung transaction.

If ever ok siguro na magshare talaga ng mga trusted seller dito for kung saan pinoy ren ang makakatransact naten, so far di pa naman ako nagkakaproblem sa P2P.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
February 28, 2023, 02:53:59 AM
#18
Madalang lang ako sa P2P at mostly sa exchanges ako nagbebenta. Locally lang ginagamit ko at hassle free naman although pili nalang talaga kung saan ako nagta-transact at sila pa mismo laging nagreremind sa akin kung magkano ang rates ng USDT nila, as in araw araw talaga pero may mga missed days rin naman na isang laktaw.

May terrible experience ako dito dati nung nag withdraw ako ng malaking pera galing BinanceP2P to my metrobank account 2 years ago. Kung kilala nyo si Black Clover dati sa Binance P2P, Sa kanya galing yung tainted na funds na pilit hinahabol sa akin ng Metrobank dahil daw galing ito sa hacked bank account. Buti nlng talaga at nailabas ko na yung pera sa banko at may natira nalang na 25Kphp (which is na freeze) nung na lock yung account ko at subject for investigation.

Pilit nilang pinaparefund yung cash dun sa katransact ko sa BinanceP2P para daw mabalik sa original owner yung pera. Ang kulit lang dahil nagastos ko na yung pera kaya hindi ko na talaga mababalik kahit ano pa gawin nila. Halos inabot ng 1 year bago ko narecover yung freeze money ko then disable na metrobank account ako.
Sobrang scary at terrible experience kaya lesson learned ako dito.

Some screenshots I save

Most ng conversation namin ay through phone call then email sa pag submit ng supporting documents. Kaya always play safe sa paggamit ng P2P dahil kayo ang mabagsakan ng mga tainted money.
Salamat sa pagshare ng exp mo coin_trader, ang hirap ng ganyan lalo na kapag malaki yung transaction tapos hahabulin ka pa ng banko at buti nawithdraw mo na funds mo sa kanila. Yung 25k ba nakuha mo pa o nandun pa hanggang ngayon at sinabi ba nila kung makukuha mo pa ba yun o hindi na?
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
February 26, 2023, 09:14:33 AM
#17

Some screenshots I save

Most ng conversation namin ay through phone call then email sa pag submit ng supporting documents. Kaya always play safe sa paggamit ng P2P dahil kayo ang mabagsakan ng mga tainted money.

Salamat sa pag share bro. Ito na siguro ang worst case na pwedeng mangyari sa P2P trading aside from scam dahil pwede ka na makulong kung sakali man na wala kang maipakitang proof na source of fund sa perang involved. Mas naconvince tuloy ako ngayon na hindi dapat ako makapag transaction sa mga user na gumagamit ng 3rd party account.  Cheesy

Na experience ko na din magkaproblema sa banko at sobrang tagal talaga nila magresponse sa mga special cases katulad sa nangyari sa akin dati nung nag withdraw ako sa ATM tapos walang lumabas na pera.

legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
February 26, 2023, 06:05:11 AM
#16
Okay! After reading @Coin_trader's horrible experience, sino ba mga buyer ng USDT or SELLER ng BTC sa Binance P2P dito? Just to keep us safe from what they call tainted money, baka pwede kayong mag post ng ADS ninyo dito or kahit username man lang?

Kinabahan din ako bigla kasi halos monthly ako nagte-trade tapos may kalakihan din(for me). Plus, sobrang hirap umasa sa "feedback" na meron sa mga merchant.  Roll Eyes
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 26, 2023, 05:41:17 AM
#15

Buti naibigay pa sayo ang na lock na funds mo.  Paano mo naconvince ang bank para makuha mo ang pondo mo?  Buti hindi rin kayo dumating sa legal case kung saan need mo pa umattend sa hearing sa korte.

Sheyt, possible talaga ma experience nang kahit na sino na mahilig sa p2p transaction ang ganitong scenario. Minsan pa naman pili lang ako ng kahit na sinong trader dun lmao, kung sino may magandang rate based sa coin at amount na ipapalit ko.
So paano na resolve yung issue mo? Anu specifics na ginawa mo?

Pinadala ko lahat ng screenshot ko galing BinanceP2P na kita yung details ng seller kasama na yung mga bank transfer receipt. Then mga screenshot ko ng trading at deposit sa Binance para mapaliwanag ko na holdings ko na yung mga crypto asset ko na matagal na bago ko pa nakatransact yung may-ari ng tainted account.

Bale ang lumalabas kasi ay kasabwat ako or ako ang mapupuntukan ng kaso dahil sa bank account huling napunta yung tainted money kaya gusto ng metrobank na mawala sa record ko yung pera. Sobrang hassle nito kapag kagaya ko na nagastos mo na yung or hindi mo na macontact yung seller dahil nga wala naman way para macontact sya besides BinanceP2P which is hindi na sya active.

Inabot ng halos 1 year na paghihintay at walang update. Pero monthly ko binabump yung email naminpara sa update then suddenly nag reply na din sila after sobrang dami ko ng email.   Cheesy Sobrang stressful at nakakakabang experience na hindi ko na uulitin sa BinanceP2P.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 26, 2023, 01:21:08 AM
#14
Isa sa mga naiisip kong dahilan ay dahil takot sila na baka yung gamit na account ay hacked account~
Yeah, marami ng ganyan. Gaya ng 3-Way Scam
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
February 26, 2023, 12:37:26 AM
#13
May terrible experience ako dito dati nung nag withdraw ako ng malaking pera galing BinanceP2P to my metrobank account 2 years ago. Kung kilala nyo si Black Clover dati sa Binance P2P, Sa kanya galing yung tainted na funds na pilit hinahabol sa akin ng Metrobank dahil daw galing ito sa hacked bank account. Buti nlng talaga at nailabas ko na yung pera sa banko at may natira nalang na 25Kphp (which is na freeze) nung na lock yung account ko at subject for investigation.

Pilit nilang pinaparefund yung cash dun sa katransact ko sa BinanceP2P para daw mabalik sa original owner yung pera. Ang kulit lang dahil nagastos ko na yung pera kaya hindi ko na talaga mababalik kahit ano pa gawin nila. Halos inabot ng 1 year bago ko narecover yung freeze money ko then disable na metrobank account ako.
Sobrang scary at terrible experience kaya lesson learned ako dito.
Sheyt, possible talaga ma experience nang kahit na sino na mahilig sa p2p transaction ang ganitong scenario. Minsan pa naman pili lang ako ng kahit na sinong trader dun lmao, kung sino may magandang rate based sa coin at amount na ipapalit ko.
So paano na resolve yung issue mo? Anu specifics na ginawa mo?
legendary
Activity: 3346
Merit: 1914
Shuffle.com
February 25, 2023, 08:47:09 PM
#12
Kayo din ba ay tumatanggap ng 3rd party transaction kapag gumagamit kayo ng P2P sa exchange? Hindi ko ito masyado napapansin dati pero ngayon ay medyo naging aware ako dahil sa dami ng mga user na nakatransact ko at strict sa rule na ito.
Halos lahat ng transactions ko puro third party (Gcash, Grabpay, Paymaya) kaso Paxful nga lang ginagamit ko for P2P kasi hindi kailangan ng verification para makabili or benta kaso mababa nga lang yung limit for non verified users.

At bago ako makipag trade parati kong sinisilip yung mga feedbacks nila from older trade para iwas problema at mabilisan ang pagpalit.

legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 25, 2023, 06:57:07 PM
#11
May terrible experience ako dito dati nung nag withdraw ako ng malaking pera galing BinanceP2P to my metrobank account 2 years ago. Kung kilala nyo si Black Clover dati sa Binance P2P, Sa kanya galing yung tainted na funds na pilit hinahabol sa akin ng Metrobank dahil daw galing ito sa hacked bank account. Buti nlng talaga at nailabas ko na yung pera sa banko at may natira nalang na 25Kphp (which is na freeze) nung na lock yung account ko at subject for investigation.

Pilit nilang pinaparefund yung cash dun sa katransact ko sa BinanceP2P para daw mabalik sa original owner yung pera. Ang kulit lang dahil nagastos ko na yung pera kaya hindi ko na talaga mababalik kahit ano pa gawin nila. Halos inabot ng 1 year bago ko narecover yung freeze money ko then disable na metrobank account ako.
Sobrang scary at terrible experience kaya lesson learned ako dito.

Some screenshots I save

Most ng conversation namin ay through phone call then email sa pag submit ng supporting documents. Kaya always play safe sa paggamit ng P2P dahil kayo ang mabagsakan ng mga tainted money.

Buti naibigay pa sayo ang na lock na funds mo.  Paano mo naconvince ang bank para makuha mo ang pondo mo?  Buti hindi rin kayo dumating sa legal case kung saan need mo pa umattend sa hearing sa korte.

Nakakatakot nga kung sakaling ganyan ang mangyari kaya need talaga nating mag-ingat, at salamat na rin sa information about the third party account transaction, at least kung mangyari ang ganito sa akin na need nya ang ibang account to pay me, ipapakancel ko na lang ang transaction para iwas sakit ng ulo.
hero member
Activity: 2716
Merit: 552
February 25, 2023, 09:33:42 AM
#10
never encountered scenarios like this even once, at tsaka marami naman tumatanggap ng custodial wallets like Coins, Gcash, at Paymaya. I've been using Binance P2P for almost 4 years na siguro since nawalan ako ng gana sa Coins.ph dahil medyo strict sila pag may kunting changes sa usual transactions mo. I experienced being both being a buyer and seller, pero wala naman akong na experience na ni refund or tumanggi yung seller dahil ibang Gcash account gamit ko. Siguro, as long as reputable naman yung transaction records mo, ay wala namang magiging problema siguro.
Pero good thing parin at na share ni OP yung ganitong scenario, at least aware na ako na may ganito pala.
full member
Activity: 305
Merit: 107
I'm going to eat your cookies
February 25, 2023, 08:50:40 AM
#9
Ilang beses ko pa lang nasubukan mag P2P pero ayoko din na magkaiba yung pangalan ng GCash sa Binance, kung Binance P2P yung tinutukoy mo, hindi ko din gusto ituloy dahil baka kung ano pa mangyari at kung ano pa ang madamay sa pag ttransact. Mahirap kasi na ganun pag magkaiba yung pangalan unless sabihin talaga sayo at may tracking dun sa chat niyo na yun talaga pangalan muna dahil full transaction na yung sa GCash mo.

Ano ba ang limit ng GCash? Gano kalaki yun para malimit yung account mo? Andami mo siguro pera OP.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 25, 2023, 08:44:43 AM
#8
May terrible experience ako dito dati nung nag withdraw ako ng malaking pera galing BinanceP2P to my metrobank account 2 years ago. Kung kilala nyo si Black Clover dati sa Binance P2P, Sa kanya galing yung tainted na funds na pilit hinahabol sa akin ng Metrobank dahil daw galing ito sa hacked bank account. Buti nlng talaga at nailabas ko na yung pera sa banko at may natira nalang na 25Kphp (which is na freeze) nung na lock yung account ko at subject for investigation.

Pilit nilang pinaparefund yung cash dun sa katransact ko sa BinanceP2P para daw mabalik sa original owner yung pera. Ang kulit lang dahil nagastos ko na yung pera kaya hindi ko na talaga mababalik kahit ano pa gawin nila. Halos inabot ng 1 year bago ko narecover yung freeze money ko then disable na metrobank account ako.
Sobrang scary at terrible experience kaya lesson learned ako dito.

Some screenshots I save

Most ng conversation namin ay through phone call then email sa pag submit ng supporting documents. Kaya always play safe sa paggamit ng P2P dahil kayo ang mabagsakan ng mga tainted money.
full member
Activity: 602
Merit: 129
February 25, 2023, 07:19:34 AM
#7
Pansin ko lang ay madaming mga Seller at Buyer sa P2P na hindi tumatanggap ng 3rd party account like other Gcash. Madami na kasi akong na encounter na ganitong scenario na nirefund ng seller yung payment ko dahil hindi same name ng Gcash ko yung exchange account ko for unknown reason. Limit na kasi yung gcash kadalasan kaya ginagamit ko ang gcash ng asawa ko pang transact.

Isa sa mga naiisip kong dahilan ay dahil takot sila na baka yung gamit na account ay hacked account dahil pwede silang mapagbintangan na kasabwat kung sakali man magsumbong sa police yung real owner at matrace yung pera.

Kayo din ba ay tumatanggap ng 3rd party transaction kapag gumagamit kayo ng P2P sa exchange? Hindi ko ito masyado napapansin dati pero ngayon ay medyo naging aware ako dahil sa dami ng mga user na nakatransact ko at strict sa rule na ito.
For me na nag P2P all the time, okay lang naman siya pero mas maganda kung nag usap muna kayo ng maayos sa chat. I always communicate first with my buyer or when I am buying for better and safe transaction, kung napag usapan niyo na you'll be using another account then goods na yun. If ibang account gamitin niya as long as sakto dumating sayo ay goods na yun.

Communication is the key for better and safe transactions.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
February 25, 2023, 06:26:38 AM
#6
Been using Binance P2P for almost 3 years now and I've never experienced any trouble doing trade to other merchants.

Ang pinaka tinitingnan ko lang closely is yung rating nila especially don sa negative, yung checkmark, time limit ng order saka yung total number ng previous trades nila.

Hindi na nagmamatter yung magkaibang name or account na gamit sa transaction as long as nareceive ko nang tama yung equivalent PHP sa gcash ko. Nothing else.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
February 24, 2023, 02:32:49 PM
#5
I think hindi naman yata basehan yun kasi for personal reason may kalayaan namang pumili ng username sa exchange at hindi sa gcash. Wala Naman akong na encounter na ganito kasi for some reason kahit na malaki yung bili nila sa USDT ko pero yung transaction percentage o transaction completion nila ay mababa, tiyak talaga na mag-iingat ako o pipili ng iba. Basic lang naman yan kung tutuusin, may username talaga sa exchange na iba account name sa mismong gcash account, I think for security purposes narin ata ng ibang mga users.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
February 24, 2023, 07:18:46 AM
#4
Panigurao nagiingat lang ang mga seller or buyer kase nakaindicate naman sa P2P na dapat same details ang account mo sa bank account mo or online wallet kahit ako, hinde ako papayag na magtransfer kahit kanino kase baka mabaliktad ako.

Nakatry na ako mag P2P and ang smooth naman ng transaction, need lang talaga sumunod sa rules ng Binance at advise ni seller/buyer para hinde magkaroon ng problema.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 23, 2023, 06:54:11 PM
#3
Pansin ko lang ay madaming mga Seller at Buyer sa P2P na hindi tumatanggap ng 3rd party account like other Gcash. Madami na kasi akong na encounter na ganitong scenario na nirefund ng seller yung payment ko dahil hindi same name ng Gcash ko yung exchange account ko for unknown reason. Limit na kasi yung gcash kadalasan kaya ginagamit ko ang gcash ng asawa ko pang transact.

Isa sa mga naiisip kong dahilan ay dahil takot sila na baka yung gamit na account ay hacked account dahil pwede silang mapagbintangan na kasabwat kung sakali man magsumbong sa police yung real owner at matrace yung pera.

Kayo din ba ay tumatanggap ng 3rd party transaction kapag gumagamit kayo ng P2P sa exchange? Hindi ko ito masyado napapansin dati pero ngayon ay medyo naging aware ako dahil sa dami ng mga user na nakatransact ko at strict sa rule na ito.

Naexperience ko ito once, nung nagbenta ako ng USDT sa Binance P2P, hindi naman ako naghinala dahil nakita ko naman na marami na siyang transaction, mahigit libo na rin ang naging successful transation nya.  Same reason din ang sinabi nya sa akin which full na raw ang Gcash nya, and kung ok lang daw ay ibang Gcash ang ipapangbayad nya.  So far ok naman ang lahat at walang naging problema after ng transaction namin.

But tulad ng sinabi mo, I came to realize na kung sakaling maloko iyong nakatrade ko ay possible na magkaroon ng problema sa payment   Siguro mag-iingat na rin ako sa mga susunod na p2p transactions ko.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
February 23, 2023, 06:27:26 PM
#2
Madami na kasi akong na encounter na ganitong scenario na nirefund ng seller yung payment ko dahil hindi same name ng Gcash ko yung exchange account ko for unknown reason.
If using Binance hindi yan for unknown reason nasa tips yan ng p2p Binance na to avoid getting scammed dahil hindi match ang p2p details at yung payment method ng ka-transaction mo At yeah, most reason is baka from hacked account yun since pwede ma report then mabailk yung payment.

Tip 11: Make sure the merchant details match
Always double-check that the person you're trading with has the same ID as the one you're sending your funds to. We require that the account holder's name on the payment method the merchant uses is identical to the merchant's real name (KYC name) on Binance.
May makikita ka din na the same tips dun sa transaction screen.

Tips para dyan is explain ahead of time sa buyer/seller na ganyan say limit na daily transaction mo kaya gumamit ka ng ibang account, etc. para ma cancel agad or mag continue pa kayo sa transaction.

Although madami na akong na encountered na ganyan pero never ako nag cancel kase time yung hinahabol, although alam ko yung risks.
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
February 23, 2023, 08:46:00 AM
#1

Jump to: