Una po sa lahat dapat constructive at on topic yung pinopost natin sa mga topics or threads ng kahit saang section ng forum tayo tumatambay. At I highly recommend na gumala tayo sa ibang section ng forum tulad ng Bitcoin Discussion, Altcoin Discussion, Economics at Speculation. Alam nyo kung bakit? Kasi base sa obserbasyon ko hindi attractive para sa ibang managers yung palagiang pagpopost sa local section. So much better na iexplore natin ang buong forum kapag may time. Paano nga ba malalaman na constructive yung post natin? Ganito lang po yan, Alam naman po siguro natin kung paano magsulat ng sentence diba? Kapital ang letra ng unang words at may tuldok sa bandang huli ng sentence ganun lang kasimple right? Dapat din po na on topic yung post natin mas maganda nga direct to the point na sagot eh.
Ang mga sumusunod ay dapat nating iwasan sa pagpopost natin:
•●■▶ Jejemon (Eowxz powsxz.)
•●■▶ Sobrang daming tuldok bawat sentence. (example: Ang pamilyang pilipino ay.....masayahin....)
•●■▶ Text style. (example: D2 kc mrami tyo mtututunan.)
•●■▶ Wrong spelling. (Although di naman masyado strict sa spelling pero mas maganda parin kung nasa tama just use google na lang para sure.)
Procedure ng pag-apply:
1. Punta po tayo sa services ito po link: https://bitcointalk.org/index.php?board=52.0
2. Hanap po tayo ng campaign na naghahire ng Junior Member pataas. (I highly recommend campaigns that are managed by yahoo62278 and Strawbabies dahil madali lang ifollow yung rules at decent din yung sahod pero nakadepende pa rin po yun sa inyo at sa vacancy ng campaign.)
3. Kapag nakapili na po kayo ng campaign na gusto nyong salihan tap or click lang po yung reply at fill up lang po sa kung anong format ang ibinigay on how to apply.
Example:
Username: 0t3p0t
Rank: Full Member
Starting post count: 520
BTC address: 1C5D9bx9kqTMsmDQQaB6F2TxSn2eXjMqcX
Take note: Early birds catches worms. Ibig sabihin mas maaga mag-apply mas malaki chance na matanggap.
Dapat iwasan sa pagpost ng application
◀●▶ Yung pagpost po ng "RES" or "RESERVE" sa isang campaign thread para lang makakuha ng unang slot. Maaaring maBLACKLIST ang account natin so beware!
◀●▶ Payo ko lang po kung talagang gusto natin makakuha ng slot dapat mapagmasid po tayo sa services section para sa bagong campaigns at dapat maaga po tayo mag-apply or mabilis po yung pagsubmit ng application.
◀●▶ Iwasan din po yung multiple na pagsubmit ng application sa iba't ibang campaigns lalo na sa mga baguhan pa lang pwera na lang kung multitasking tayo at updated tayo sa campaigns na inaplayan.
4. Punta po tayo sa first page ng campaign. Icopy po yung code according sa rank natin. Dapat tama po yung pagcopy dahil kahit isang letra o symbol ang di mo nakopya maaaring di magwowork yung code so double check po talaga.
5. Pagkatapos po maicopy yung code punta po agad tayo sa PROFILE→MODIFY PROFILE→FORUM PROFILE INFORMATION at ipaste po natin yung code doon sa SIGNATURE at pagkatapos wag po kalimutan na pindutin yung CHANGE PROFILE sa bandang lower right. Kapag nagawa na po natin abangan na lang po natin yung update ng manager kung accepted or denied yung application natin. Or much better check the campaigns spreadsheet.
6. Pag-aralan ang terms and conditions o rules na nakasaad o nakalagay sa inaaplayang campaign. So, good luck and all the best!
▶●◀Try nyo po tumambay dito▶●◀
■▶Bitcoin Discussion: https://bitcointalk.org/index.php?board=1.0
■▶Economics: https://bitcointalk.org/index.php?board=7.0
■▶Speculation: https://bitcointalk.org/index.php?board=57.0
■▶Altcoin Discussion: https://bitcointalk.org/index.php?board=67.0
▶■◀Other Important Links▶■◀
Signature Campaign Guidelines:
https://bitcointalksearch.org/topic/signature-campaign-guidelines-read-this-before-starting-or-joining-a-campaign-1684035
I do hope that this simple tutorial will help you guys.