Pages:
Author

Topic: ★TUTORIAL KUNG PAANO SUMALI SA ISANG SIGNATURE CAMPAIGN★ - page 3. (Read 1277 times)

sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Hello guys, thank you so much for the positive feedback regarding sa tutorial. Actually matagal ko na talaga gustong gawin to kaso nag-aalangan ako baka may gumawa na rin ng ganitong thread dito sa local board at baka mabash nanaman ako. Grin Dahil na rin sa makakalimutin ako nakaligtaan ko na tuloy yung plano ko at ngayong araw ko lang ulit naalala at bihira na rin kasi ako natambay dito sa local kaya kanina bumisita ako dito at nakita ko  yung mga katanungan na paulit-ulit na lang at di natatapos kasi araw-araw nadadagdagan tayo ng mga newbies kaya nagbackread ako at wala naman akong nakitang thread na ganito kaya ayun gumawa na agad ako. Natuwa ako dahil nagustuhan ng lahat ang kaunting pagshare ko sa mga kababayan nating bago lang.
member
Activity: 63
Merit: 10
Wow! Maraming maraming salamat sa post na to. Naka menos ng oras sa pagsesearch kung paano nga ba makasali diyan sa mga campaign.

At last, no need nang magtanong kasi sagot agad!

Salamat ulit!
sr. member
Activity: 518
Merit: 264
Ok tong tutorial ni sir otep kahit napakahaba eh mukang tlgang pinag tuunan ng pansin para sa mga newbie para iwas thread at delete na din.Maganda to sa mga bago yung mga mahihilig magbasa makikita nila to at magawa ng maayos.
full member
Activity: 994
Merit: 103
May tutorial na tayo dito mamaya nyan may gagawa n naman ng panibagong topic kung panu sumali sa signature campaign. Kailangan lng di dapat matabunan ito para laging nakikita ng mga bagong pasok maya maiwasan ang pagtatanong.
newbie
Activity: 17
Merit: 0
Isang malaking THUMBS UP!
Ang ganda ng pagkakaexplain ng tutorial mo sir. Dagdag kaalaman nanaman ito para sa ating mga newbies. Dapat wag naten sayangin ang tutorial na ito. Hindi biro ang dedekasyon ng pag gawa ng ganito kahabang tutorial. Mas lalaki ang chance naten maging successful na bitcoiners kung marami din HIGHER RANKS ang mag sishare nag kanilang tips and tricks Cheesy
full member
Activity: 224
Merit: 100
Maraming salamat po,napakahalaga ng post na ito. Naaware po ako hindi lang sa procedures sa pag apply ng campaigns kundi pati na rin sa mga do's and don'ts in posting .Malaking tulong po ito para sa tulad kong newbie.

newbie
Activity: 23
Merit: 0
Thank you for this post. Medyo naiintindihan ko na pano kikita dito. Question po? Im a newbie. Pano po ba tumaas ang rank?
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
buti may tutorial para sa newbie na hindi pa alam kung paano sasali sa signature campaign sana naman basahin nila to kaysa gumagawa ng bagong thread na kung paano sasali sa isang signature campaign.
full member
Activity: 406
Merit: 110
Malaki ang maitutulong nito sa mga baguhan na nagtatanung kung panu sumali sa signature campaign sana palagi ito nasa top threads ng local board ng Philippines para Hindi Nagkakalat ang mga tanung, Dito klarong Naisaad ang pasikot sikot ant kung paano, at meron pang bonus na ibinahagi , si strawbabies at yahoo ay isa sa mga magagaling na campaign manager sa bawat signature campaign, Gayunpaman kunting karagdagan lang ang, may gustong sumali ng signature campaign ay dapat nasa JR.member to Legendaty Rank, sila ang pina priority ng mga signtare campaign manager, salamat sa thread na ito.
Tama ka diyan lalo na po kung nasa malayong lugar yong taong tumulong sayo para makapagjoin ka dito at least kung meron ditong step by step procedures ay kahit papaano po ay magagamay na po ng mga baguhang tao na katulad ko, kasi mahirap naman po kasi yong tanong ka ng tanong pa eh.
full member
Activity: 420
Merit: 171
Malaki ang maitutulong nito sa mga baguhan na nagtatanung
 kung panu sumali sa signature campaign.

 sana palagi ito nasa top threads ng local board ng Philippines
para Hindi Nagkakalat ang mga tanung,

Dito klarong Naisaad ang pasikot sikot at kung paano,
 at meron pang bonus na ibinahagi ,

 si strawbabies at yahoo ay isa sa mga magagaling na campaign manager
 sa bawat signature campaign,

 Gayunpaman kunting karagdagan lang ang,
 may gustong sumali ng signature campaign ay dapat nasa JR.member to Legendaty Rank,
sila ang pina priority ng mga signtare campaign manager, salamat sa thread na ito.
newbie
Activity: 10
Merit: 0
After this days ngayon lang ako nakabasa ng matino Smiley sana lahat ganito, may dagdag kaalaman na naman ako salamat po Smiley keep posting!
hero member
Activity: 1722
Merit: 528
newbie
Activity: 15
Merit: 0
Thank you sir.. pero nasa thread naman yan basa basa lang... pero salamat sa tips
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
full member
Activity: 476
Merit: 107
full member
Activity: 602
Merit: 100
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Itong tutorial po na ito ay para lamang sa mga totoong newbies sa forum o yung mga kaka JUNIOR MEMBER pa lang. Dumadami po kasi yung mga bago at ang kadalasang tanong eh, Pano po ba sumali sa isang campaign? So ginawa ko po itong tutorial para magkaroon ng konting ideya ang mga baguhan.

Una po sa lahat dapat constructive at on topic yung pinopost natin sa mga topics or threads ng kahit saang section ng forum tayo tumatambay. At I highly recommend na gumala tayo sa ibang section ng forum tulad ng Bitcoin Discussion, Altcoin Discussion, Economics at Speculation. Alam nyo kung bakit? Kasi base sa obserbasyon ko hindi attractive para sa ibang managers yung palagiang pagpopost sa local section. So much better na iexplore natin ang buong forum kapag may time. Paano nga ba malalaman na constructive yung post natin? Ganito lang po yan, Alam naman po siguro natin kung paano magsulat ng sentence diba? Kapital ang letra ng unang words at may tuldok sa bandang huli ng sentence ganun lang kasimple right? Dapat din po na on topic yung post natin mas maganda nga direct to the point na sagot eh.

Ang mga sumusunod ay dapat nating iwasan sa pagpopost natin:

•●■▶ Jejemon (Eowxz powsxz.)

•●■▶ Sobrang daming tuldok bawat sentence. (example: Ang pamilyang pilipino ay.....masayahin....)

•●■▶ Text style. (example: D2 kc mrami tyo mtututunan.)

•●■▶ Wrong spelling. (Although di naman masyado strict sa spelling pero mas maganda parin kung nasa tama just use google na lang para sure.)

Procedure ng pag-apply:

1. Punta po tayo sa services ito po link: https://bitcointalk.org/index.php?board=52.0

2. Hanap po tayo ng campaign na naghahire ng Junior Member pataas. (I highly recommend campaigns that are managed by yahoo62278 and Strawbabies dahil madali lang ifollow yung rules at decent din yung sahod pero nakadepende pa rin po yun sa inyo at sa vacancy ng campaign.)

3. Kapag nakapili na po kayo ng campaign na gusto nyong salihan tap or click lang po yung reply at fill up lang po sa kung anong format ang ibinigay on how to apply.

Example:

Username: 0t3p0t
Rank: Full Member
Starting post count: 520
BTC address: 1C5D9bx9kqTMsmDQQaB6F2TxSn2eXjMqcX

Take note: Early birds catches worms. Ibig sabihin mas maaga mag-apply mas malaki chance na matanggap.

Dapat iwasan sa pagpost ng application

◀●▶ Yung pagpost po ng "RES" or "RESERVE" sa isang campaign thread para lang makakuha ng unang slot. Maaaring maBLACKLIST ang account natin so beware!

◀●▶ Payo ko lang po kung talagang gusto natin makakuha ng slot dapat mapagmasid po tayo sa services section para sa bagong campaigns at dapat maaga po tayo mag-apply or mabilis po yung pagsubmit ng application.

◀●▶ Iwasan din po yung multiple na pagsubmit ng  application sa iba't ibang campaigns lalo na sa mga baguhan pa lang pwera na lang kung multitasking tayo at updated tayo sa campaigns na inaplayan.

4. Punta po tayo sa first page ng campaign. Icopy po yung code according sa rank natin. Dapat tama po yung pagcopy dahil kahit isang letra o symbol ang di mo nakopya maaaring di magwowork yung code so double check po talaga.

5. Pagkatapos po maicopy yung code punta po agad tayo sa PROFILE→MODIFY PROFILE→FORUM PROFILE INFORMATION at ipaste po natin yung code doon sa SIGNATURE at pagkatapos wag po kalimutan na pindutin yung CHANGE PROFILE sa bandang lower right. Kapag nagawa na po natin abangan na lang po natin yung update ng manager kung accepted or denied yung application natin. Or much better check the campaigns spreadsheet.

6. Pag-aralan ang terms and conditions o rules na nakasaad o nakalagay sa inaaplayang campaign. So, good luck and all the best!

▶●◀Try nyo po tumambay dito▶●◀

■▶Bitcoin Discussion: https://bitcointalk.org/index.php?board=1.0

■▶Economics: https://bitcointalk.org/index.php?board=7.0

■▶Speculation: https://bitcointalk.org/index.php?board=57.0

■▶Altcoin Discussion: https://bitcointalk.org/index.php?board=67.0


▶■◀Other Important Links▶■◀
Signature Campaign Guidelines:
https://bitcointalksearch.org/topic/signature-campaign-guidelines-read-this-before-starting-or-joining-a-campaign-1684035

I do hope that this simple tutorial will help you guys.
Pages:
Jump to: