Currently Bybit na at OKX ang ginagamit ko kaya ligtas na ako sa ipit-ipit na yan, sa trades na lang ako ipit ngayon haha.
Yang OKX parang hindi ako ganun kakampante, though meron din naman siyang p2p features na tulad ng ibang mga exchange platform sa field na ito ng crypto space.
Dahil sa totoo lang yung mga exchange medyo komportable ako ay ang Bybit, Houbi, gate.io at Bitget.
Yang mga binanggit ko so far ang medyo okay at maayos na alternative na pamalit sa Binance since restricted na ito sa bansa natin. Kaya kahit papaano ay naibsan na ng solusyon ang ikinakabahala ng ibang mga communtiy sa field ng cryptocurrency.
Isa sa mga giant exchange yang Okx na dating Okex. Halos kasabayan yan ng Binance at Huobi dati na popular na listing exchange dahil karaniwan nagpupumo ng todo ang mga new token na nalidt sa kanila.
Actually mas better pa nga ang price ng Okx sa P2P exchange nila at ayos din ang user interface ng website nila compared sa Binance para sa akin. May mga community at seminar sila dati dito sa bansa natin kaya ko nagustuhan itong exchange na ito as alternative sa Bianance. Sila ang top pick ko pagdating sa alternative exchange sa Binance sunod Bybit at Kucoin.