Yun ang technique talaga na proven, yung pakonti konti lang na transaction para hindi masyado ma flag ng bangko o kaya exchange na ginagamit.
Sa international exchanges, ok lang basta pasok sa limit hindi sila nagpa-flag. Pero dito sa atin, kahit pasok naman sa limit ng account, bigla nalang maa-alarma eh.
Dami kasing mga kababayan natin na medyo hindi maganda yong pinanggagalingan ng pera nila kaya ang higpit ng patakaran ng mga crypto exchanges/banks dito sa atin na kung merong mang hindi normal sa transaction mo na nakikita nila ay bigla na lang i-hold or suspend yong account mo.
Humigpit sila ng sobra ng magkalat ang mga scam at ponzi scheme na ineexploit ang cryptocurrency dahil maraming tao ang nascam nito.
Kung magkakaroon man ng exchange yong Unionbank, parang hindi na ito bagong balita dahil sa dami ba naman na exchanges ngayon ay parang hindi na natin kailangan yong mga bago, don't get me wrong pero tayong mga pinoy ay hindi pa rin masyadong maalam pagdating sa cryptocurrency kaya iilan lang yong gagamit sa kanyang exchange.
Iba pa rin ang may local exchange ng cryptocurrency. Though hindi na siya enticing sa mga datihan, magandang balita pa rin ito sa mga bagong papasok sa cryptocurrency industry at magandang balita ito para sa crypto adoption action ng bansan.
Parang almost lahat sa atin naging apektado ng pahihigpit ng coins.ph sa kanilang platform at KYC. Ako rin nagpanic ako agad nung hiningan nila ako ng additional document for enhance verification kasi nangyari yun after 3 deposits sa gambling platform.
Kaya ayun after nun, hindi na ako nagdirect deposit sa coins.ph ko maliban na lang kung safe yung panggagalingan.
Unreasonable naman iyong paghihigpit ng coins.ph lalo na kung ang pinanggalingan ng fund mo eh from advertising online casinos. Tulad ng ngyari sa verification ko, nagfailed siya kasi ang source of fund ko ay from sig campaign ng isang casino. Ang rason nila dun ng magfailed ang verification ko is hindi raw nila inaallow ang fund from gambling activities. Parang ang layo naman nang advertsing gambling platform sa gambling activities.
Kaya ayun iniwasan ko na ring gumamit ng coins.ph. Akala nila sila lang ang platform.
Yup, kung maglalabas ka o magwiwithdraw ng pera na galing sa crypto, much better kung huwag isang bagsakan para iwas sa mga possible flagging lalo sa mga banko dahil mahigpit talaga sila at kwekwestunin ka kapag may unusual deposit na nangyari.
Tama dapat hinay hinay lang ang paglabas ng funds, pero kung ideclare ang profit at magtax, tingin ko hindi magiging problema ang paglabas ng malaking halaga.