Maganda yung mobile app nila at pwede nalang nila integrate doon kung magkakaroon sila ng crypto exchange. Posibleng ganun nalang mangyari pero sa sa label natin sa kanila na crypto friendly sila. May mga nagpost sa FB na meron silang mga withdrawals from exchanges tapos parang na-flag sila ng mismong system ni Unionbank. Ewan ko kung totoo ba yung pinost nila at baka naman kasi pasok sa AMLA yung mga transactions nila at kumukuha lang sila ng simpatya sa social media.
Puwedeng possible reason yan chief. Di kasi need ng malaking halaga para ma-trigger ang AMLA sa kahit anong banks kahit sa crypto-friendly bank na Unionbank. If I'm not mistaken sa Php 100,000 pa lang na amount, possible na matrigger na ang alarm lalo kung ang account na iyon ay di naman ganun kalaki ang average na pumapasok na pera on a regular basis.
Regardless kasi kung saan galing ang pera, basta malaking halaga ang involved, subject to AMLA terms agad. Baka yang mga users na yan is talagang malaki ang transactions tapos walang malinaw na source of income or biglang all of sudden iyong mga account nila is biglang laki agad ng transactions. Talagang ma-trigger nila ang alarm ng banko.
Pero positibo naman ako if ever magkaroon ng crypto-exchange si Unionbank and for sure may chance mag sunuran ang ibang banks. Sana di lang sya exchange kundi parang trading platform na rin para magkaroon ng local competition dito sa atin ang mga crypto exchange. Correct me if I'm wrong pero si Coins.pro pa rin ang pinaka ok na trading platform dito sa atin di ba? Iyon nga lang di lahat ng coins.ph users may access sa trading platform.