Tuwang tuwa yung mga tao. Hanggang ngayon kasi paying pa. Pag may nagpost against sa ginagawa nila sasabihin: "Naiingit lang kayo, di ba kayo natutuwa, madami natutulungan." Binulag na ng pera ang mga tao. Daming pera ng mga tao ngayon sa amin, katas daw ng IWE 😅
Pag me kinalaman sa pera at nakakakuha pa Ng benepisyo ang naunang investor natural na matutuwa talaga sila at ipagtatanggol nila ung napaglagakan nila Ng pera at tiyak kung bibigyan mo sila ng babala e mamasamain kapa nila kaya mainam na pabayaan nalang ung existing dahil di din naman in maniniwala at yung mga bago lang ang babalaan dahil maari pa maiba ang desisyon nila kasi wala pa silang nilalatag na pera.
Yan naman ang sinasabi nila hindi sila tatangap ng tamang reasoning basta para sa kanila habang kumikita sila wala silang pakialam sa mga sasabihin ng mga detractors sila kasi ang nauna sila ang nasa taas ng hierachy at kapag wala nang pumapasok na pera doon na magsisipagtago ang mga ito at lalabas na kawawa yunbg mga nahuli sa pag invest.
Kaya mas mabuti pa jan hayaan na lang natin sila.
Tulad ng sinabi ko, nagwarning na ako sa mga kakilala ko na nagiinvest dito at karamihan sa kanila ay medyo negative ang reaksyon sa mga sinasabi ko. Hindi na ako nakipagpalitan ng komento sa kanila basta ang mahalaga ay nasabi ko ang kelangan kong sabihin.
Sa dami ng pera ng kapitbahay mo or sa nakapalibot sa inyo OP, I assume naglagay ka na rin kahit papaano habang paying pa.
Totoo ito kaibigan.
Sa totoo lang medyo naiinggit ako sa mga nagpapayout nung kamakaylan lang pero kelangan kong tibayan at tumayo sa sinasabi ko.
Kaibigan ko yung ibang kasali dito at may nagsasabi pa na kapag may mga negatibong komento tungkol sa IWE sa GC nila ay agad na tinatanggal.
Grabe nga, anong lugar ka ba boss? Tuwang tuwa ang mga tao. Andami talaga na nagakakapera dito sa lugar namin. For sure boss scam ito. Alam ko din sa sarili ko na scam kaya di ako sumasali. Linggo linggo kimpak limpak na pera yung lumalabas dito.
Congrats sa pagiging matatag mo kaibigan sa pagtanggi sa silaw ng kinikita ng mga nasa paligid mo. Maraming naglipanang ganyan sa social media na pareho ang modus, ang kinakatakot ko is kung may kakilala ako na kasali sa ganyan tapos dumating yung panahon na naglaho na ang kumpanya, siguradong yung mga nagrecruit ang hahabulin ng mga nasa baba ng hierarchy. Nakakalungkot isipin na parehong formula at istilo ang ginagamit ng mga scammer ngunit may nabibiktima pa din sila. Iba talaga ang hatak ng biglang yaman kapag gipit ka.
Oo nga ei, sobrang laking pera. Sabi kasi nung admin nila, magkalokohan man daw kaya nyang ibalik yung puhunan nung mga naginvest. 21 yrs. old pa lang yung admin nila. Grabe matapang din, mukhang may ipang aabuno nga.
Sa tingin ko ito yung nagkukumpirma na parehas tayo ng lugar na tinutukoy. Base sa nasagap ko, dati pa nilang ginagawa ito at ang sabi pa, 2 sila nun kaya siguro may malaking kapital ang batang to.