Pages:
Author

Topic: [UPDATE] Ano ang IWE? - page 4. (Read 817 times)

full member
Activity: 322
Merit: 116
October 27, 2020, 05:15:14 AM
#1
Recently, sobrang nag boom yung IWE (invest, wait, earn) sa lugar namin. Mag 3 months na sila, and sobrang dami ng nakakuha na ng pera. Yung P50,000 nagiging P150,000 in one month. Sikat na sikat na sila dito sa amin, milkion million na ang nakokolek nila. May familiar ba IWE na to? Narinig ko sa crypto currency daw gamit nila kaya sobrang laki ng profit.


UPDATE!!

Di ko pala nasabi na may dalawang agent dito sa amin. Actually, Apat kasi nauna na magsara yung una. Tapos ngayon, yung pangalawa na ay nagsara na. Nagkakagulo na mga tao, kaya naman ang ginawa ng agent is i-refund ang mga pera.



Bale may isa pa rin na tuloy tuloy. Ang masama lang ei kahit nakikita na ng mga tao na may naloloko, tuloy tuloy pa rin sila sa pag sali. Pag pera na talaga ang usapan, di na mapigil ang tao. Kapag sinaway mo ikaw pa ang masama.

Will update sa mga susunod na mangyayari. December marami daw magpi-payout.
Pages:
Jump to: