Alam naman nating laganap ang Ponzi scheme sa mundo, hindi lang sa ating bansa. Pero ilang pag-iingat na ang ipaalala ng mga awtoridas, meron at meron pa rin talagang nahuhulog at naloloko sa mga ganitong pakulo. Umaasa na kikita sila ng malaki sa mabilisan at madaliang paraan.
Noong Marso 30, 2020 binalaan ng SEC ang nga gumagawa ng crypto Ponzi scheme kung saan kadalasan nilang binibiktima ay ang nga Filipino, Australian, and European investors.
Isa na dito ang Bitcoin Revolution kung saan nag o-offer sila ng malaking return sa bawat pagdeposit ng investment. Ang Bitcoin Revolution din daw ay may software na nag po-produce ng succes rate sa mga trade ng 85% to 95%. They also claimed na mula sa initial investment mo na nagkakahalagang $250, kikita na silanng mahigit 300% per day o 9000% per month.
Ayon sa SEC, ang mga kasapi at nag aact bilang salesmen, brokers, dealers, o agent ng Bitcoin Revolution ay maaaring makulong ng 21 taon at/o mula na aabot ng $100,000.
Ang Bitcoin Revolution ay hindi registered sa SEC at walang license mula sa Banko Sentral ng Pilipinas para mag operate ng digital assets. Isa pa ay gumagamit din sila ng mga fake accounts ng celebrities, fake news para ipromote ang kanilang scheme. Pinopromote nila ito sa pag gawa ng mga hindi legit na news articles, ang posts from the celebrities sa Facebook. Ayon sa article ay ang company na ito ay mayroong nakuha na mahigit $70 million noong 2019 sa pang i-iscam mula sa iba't-ibang tao sa ibang bansa.
Source:https://cointelegraph.com/news/philippine-sec-warns-of-international-ponzi-offering-300-daily-returns
Kung hindi ako nagkakamali, eto ang binanggit dati ni Boy Abunda na investment na wala syang kinalaman pero ginagamit ang kanyang pangalan para maipromote ito. Ibig sabihin ay nagwawagi sila sa pangloloko ng mga tao dahil may naniniwala dito. Yung kakilala ni Boy Abunda ay nag invest daw dahil pinromote nya, kaya nga nabahala si Tito Boy patungkol dito.
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5219968.0
Mayroon ding balita dati, tungkol naman ito kay Manny Villar na nagsabi na hindi sya related sa ano mang crypto trading program. Kahit hindi tukoy kung ano ang pinopromote nito, isa parin ito sa mga Ponzi scheme kung saan ginagamit nila ang pangalan ng kilalang tao para makahikayat ng investors.
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5217584.0
Nakakabahala talaga ang mga ganitong bagay lalo na para sa mga taong mabilis mapaniwala ng nga fake information at ng mga promotion na nakikita lamang nila sa social media. Malaki rin talaga ang nagiging impact ng mga artista para mapaniwala ang mga tao. Kaya dapat mag iingat tayo sa bawat desisyon natin lalo na pag sa investment kasi madali lang naman gumawa ng mga fake accounts at mag panggap na isang kilalang tao.
PS: I'm not posting this to promote the site, I just want to share the news with everyone.