Another advisory from SEC against Won Project, Won Network, and Won Foundation. Just like the other scheme mentioned before, nagsosolicit sila ng investment sa publiko even though they are not authorized.
Photo not mine
Won Project maintains that they have a mobile application project and a multi-level marketing (MLM) platform that aims to tokenize OFW remittances, airline ticketing, digital loading, and even travel and tours
This Won Coin project ay isa na namang cryptocurrency na may aim na ibenta at itrade sa public na sinasabing tataas ang value nito. Ayon sa investigation ng SEC, ang Won Coin ay mula sa Singapore na nag ooperate sa Philippines.
Just like any other scheme, they use social media para ipromote ang kanilang project at mangangako ng magandang return sa mga investors. 1.5% profit during weekdays for 100 days (150% ROI), Referral commission na pwedeng iconvert sa cash or ibang incentives such as android phone, iPad Pro, sedan, or local/international travel.
They will also face the same penalties kagaya ng ibang investment scheme na namention before since ginagamit nila ang current situation para makapangloko ng mga tao. This Won Project even offers 50% ngayong may pandemic para mas maakit ang mga tao na nag invest dito.
Read the SEC Advisory
here.
Source:https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-woncoin/
Isa pa ang (CIWU) o ang Crypto Investment With Us na isang crypto investment na wala ding licensed. Ayon sa investigation ng SEC, sila ay ang previous na (MIKO) Mag Invest Ka Online na binalaan na din ng SEC kamakailan.
Photo not mine
Kung sa MIKO, nangako sila ng 2% return, ang CIWU naman ay nangangako ng 1% return after 6 days (360% per annum).
SEC said this scheme involves the sale of securities in the form of investment contracts to the public. This must first be registered with the Commission before being offered to the public. CIWU doesn’t have such a license to offer securities. It is also not registered as a corporation or partnership.
Pinayuhan naman ng SEC ang publiko na iwasan ang pag invest dito sa CIWU at ibang related crypto investment scheme na walang license para mag operate . Kung ikaw naman ay skeptical, hindi ka aagad magtitiwala sa mga ganitong pakulo lalo na kung titignan mo palang ang ROI na pinapangako nila, talaga namang kaduda duda na.
Sana lang talaga ay maging maingat ang mga tao sa pag iinvest, at pag pili ng kanilang pagkakatiwalaan sa kanilang pera.
Read the SEC Advisory
here.
Source:https://bitpinas.com/news/sec-advisory-vs-crypto-invest-us-ciwu/