Pages:
Author

Topic: Watch out! The $5 Wrench Attack - page 2. (Read 806 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 278
October 14, 2019, 03:31:29 PM
#27
@mjglqw hindi ko din maipapayo na sabihin mo na humahawak ka ng crypto sa mga kaibigan o kamag-anak mo kasi hindi mo din naman sila mako-kontrol sa pag-kwento sa ibang tao. Gaya nalang nung sinabi ko sa mama ko na may Bitcoin ako after a month or two mga kamag-anak ko na at mga kaibigan niya nagtatanong kung paano ako kumikita dun. Mahirap na talaga na maikwento sa iba na may hawak ka na Bitcoin. Tratuhin nalang dapat natin sya na parang ibang assets na ikaw lang din nakaka-alam gaya ng stocks or lupa at bahay na hindi naman natin pangkaraniwan na kinikwento.
Dahil kung tutuusin, lahat naman ng aspetong may kinalaman sa pera ay malapit sa mga panganib o maikokonsiderang may risk, kung tayo ay hindi mag kkwento, hindi din magiging maganda ang outcome nito dahil mag mumukha tayong gumgagawa ng mga bagay na masama. Dahil dito, mag iisip tayo kung ikkwento ba natin ang ating buhay crypto o hindi. Mas mabuting ikwento nalang para din sa mas malawak na crypto adoption sa ating bansa, at ang mas mahalaga ay nag sasabi tayo ng totoo.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
October 06, 2019, 01:49:47 AM
#26
thanks for the advice kabayan ,mabuti nalang pala simulat sapul tanging kamag anak at taong malalapit lang sakin ang sinubukan kong kumbinsihin at hikayating aralin at matuto sa cryptocurrency specially sa Bitcointalk.org

kahit d manlang dumaans a isip ko etong mga sinabi mo siguro instinct ko nlng din na napaka seryoso at delikado talaga ng pag mamayari ng crypto kaya naging sobrang maingat ako lalo nat lumalaki na din ang naiipon ko mula sa mga bounties at sariling pera na ininvest ko dito

ingat nalang din tayo mga kabayan sa pag share ng mga activities natin sa Crypto,mas mainam siguro na wag tayo gagamit ng personal account natin sa mga social media platforms para makaiwas sa pagka biktima
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
October 06, 2019, 12:59:23 AM
#25
@mjglqw hindi ko din maipapayo na sabihin mo na humahawak ka ng crypto sa mga kaibigan o kamag-anak mo kasi hindi mo din naman sila mako-kontrol sa pag-kwento sa ibang tao. Gaya nalang nung sinabi ko sa mama ko na may Bitcoin ako after a month or two mga kamag-anak ko na at mga kaibigan niya nagtatanong kung paano ako kumikita dun. Mahirap na talaga na maikwento sa iba na may hawak ka na Bitcoin. Tratuhin nalang dapat natin sya na parang ibang assets na ikaw lang din nakaka-alam gaya ng stocks or lupa at bahay na hindi naman natin pangkaraniwan na kinikwento.

Same effect samin ‘to. Hindi maiiwasan na malaman ng lahat yung balita na meron kang xxx na halaga ng BTC or any other token kahit na sa katiwa-tiwalang tao mo pa sabihin dahil yung taong sinabihan mo, malamang ay may iba ding pinagkakatiwalaan, domino effect hanggang maaring pwede umabot sa maling tao. Doble ingat talaga ang kailangan. Sa kaso ko naman noon, kami ng mga barkada ko pinaghinalaan kami na mga sindikato wayback 2017 and early 2018 dahil kita ng mga kapit bahay na happy-go-lucky kami noon at ang tanging alam lang nila e iilan lang samin ang may trabaho at nagtataka sila pano kami kumikita na nasa loob lang ng bahay. Naging masama tingin samin ng mga tao that time.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
October 05, 2019, 04:12:55 PM
#24
Ako sa totoo lang I feel worried sa mga taong nagyayabang ng mga kita nila through social media about cryptocurrency or ano pa man. Yung mga tipong selfie with money. Hindi ba nila iniisip yung panganib ng ginagawa nila? Kung sa tingin nila effective na panghatak ng referrals yung ginagawa nila well effective din na panghatak ng kriminal yun at manganib pa buhay nila. Sorry kung may gumagawa man ng ganun dito, but be wise with life guys.

Most of them are fake.  And I believe alam nila ang risk ng ginagawa nila.  But then gusto kasi nilang makakuha ng mga referrals, but most of those big time syndicate eh alam ang ganyang modus operandi na kadalasan ng mga ganyang strategy is pang scaman, kaya sa akin hindi ako nag-aalala sa safety nila. Mas nag-aalala ako sa mga mabibingwit nilang matabang isda na magiinvest sa kanilang pinopromote na scam.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
October 05, 2019, 01:40:28 PM
#23
@mjglqw hindi ko din maipapayo na sabihin mo na humahawak ka ng crypto sa mga kaibigan o kamag-anak mo kasi hindi mo din naman sila mako-kontrol sa pag-kwento sa ibang tao. Gaya nalang nung sinabi ko sa mama ko na may Bitcoin ako after a month or two mga kamag-anak ko na at mga kaibigan niya nagtatanong kung paano ako kumikita dun. Mahirap na talaga na maikwento sa iba na may hawak ka na Bitcoin. Tratuhin nalang dapat natin sya na parang ibang assets na ikaw lang din nakaka-alam gaya ng stocks or lupa at bahay na hindi naman natin pangkaraniwan na kinikwento.
I do have the same experience and same error.  Did tell my family about crypto and they were shocked that I earned money online, Hangang sa mga kalapit bahay namin naka dating na sakanila ang balita. Malaki din effect sakin nun kasi unang una nachichismis nako ni hindi nga ako lumalabas sa bahay namin. Since then never ko na sinabi na gumagamit ako ng cryptocurrency. I don't see them deserving to be taught on how to use crypto, syempre kasi inunahan nila ng chismis pwera illegal daw o kung ano ano pa. Ayaw ko lang na umabot pa sa wrench attack tong effect sakin nito. Better to get low key to avoid the worst scenario's.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
October 05, 2019, 10:30:58 AM
#22
Ako sa totoo lang I feel worried sa mga taong nagyayabang ng mga kita nila through social media about cryptocurrency or ano pa man. Yung mga tipong selfie with money. Hindi ba nila iniisip yung panganib ng ginagawa nila? Kung sa tingin nila effective na panghatak ng referrals yung ginagawa nila well effective din na panghatak ng kriminal yun at manganib pa buhay nila. Sorry kung may gumagawa man ng ganun dito, but be wise with life guys.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
September 13, 2019, 02:26:08 AM
#21
<...>
Unfortunate. Ingat ingat lang, gawa ka na ng contingency plan pag sakaling mag full-on mala 2017 bull market tayo ulit. Pag umabot nanaman sa mga TV news stations na tumaas ang presyo ng Bitcoin at bumango nanaman ang pangalan ng Bitcoin, mahirap na. Just in case lang.

Yeah, may plan naman na ako incase nga na tumaas na ulit yung price ni bitcoin at baka bumango nanaman yung pangalan ni bitcoin at baka dumami nanaman yung magka-interest at sakin pa sila magsi tanong tungkol kay bitcoin. No worries naman na sakin kasi wala silang naririnig dahil ang alam nila tumigil na daw ako kaya ayun halos nagsilayuan yung mga dumb na iba talaga nagagawa ng pera, makikita mo kung sino yung nanjan kasi may pera ka lang tapos pag alam nilang wala ka, sibat na. Lesson learned naman na.

Moral of the story: Be private person and never disclose how rich you are.
Yep. This applies inside or outside bitcoin & cryptocurrencies.
Calling newbies/newcomer.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
September 13, 2019, 12:40:03 AM
#20
Let me quote:

Quote
Privacy is necessary for an open society in the electronic age. Privacy is not secrecy. A private matter is something one doesn’t want the whole world to know, but a secret matter is something one doesn’t want anybody to know. Privacy is the power to selectively reveal oneself to the world.

- Eric Hughes in a Cypherpunk’s manifesto in 1993

Kaya hindi ako naniniwala na “I don’t care about privacy, I have nothing to hide” attitude.

Kailangan parin natin na maging ma-ingat tungkol sa privacy natin, as mas maganda nga wag na natin makukuwento kahit kanino maliban sa ating asawa (in my case). Kasi nga di natin alam ang takbo ng utak ng ibang tao sa paligid ligid, lalo na nakikita nila na parang bigla kang umangat sa buhay.

May instance pa nga na pinag ang tiningin involved ako sa droga dahil nga nung bull run maganda ang kinita dahil sa trading at HODL lang. Kaya tama nga ung pumasok ang bear market at least tumahimik din ang lahat.

Kaya mas mainam na "less talk, less mistake" na lang tayo at ingatan na lang ang ating sarili sa mga social media sites na rin. Sa mga personal social media sites natin mabuting wag na banggitin ang tungkol sa pagkaka involved sa bitcoin or wag na ipagmalaki kung gaano na kayo kaasenso dahil sa crypto.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
September 12, 2019, 09:02:58 PM
#19
I guess it's better talaga na tumahimik lang kung mayroon ka mang malaking halaga na hawak mo remember na "may tenga ang lupa, may pakpak ang balita" konting rinig lang sa kung anong meron ka pwedeng umabot yan worldwide man. So far may napagsasabihan pero people out here are not that curious as it was sa ganitong mga bagay pa mukhang konti nga lang nakakaalam kay bitcoin rito sa lugar namin pero hindi naman laging kampante syempre nag-iingat din.

Better we know how to defend ourselves parin sa mga ganitong bagay, maybe mag-aral na tayo ng self-defence ngayon pa lang and I guess that's a good investment for ourselves. Marami namang makikita at matututunan sa internet in regards to this.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
September 12, 2019, 07:29:31 AM
#18
Sinubukan ko maghanap na malayo layo sa tinitirhan namin kaso halos puro rent lang yung nakikita and walang mga nagbebenta. Mabuti talaga yung nangyari na bear market na halos tumahimik yung pangalan ni bitcoin na pati sa lugar namin hindi na siya ganun usap-usapan. At that napanatag naman ako and wala na yung concern ko about sa security ko dahil nabawasan na din yung mga drug addict sa lugar namin.
Unfortunate. Ingat ingat lang, gawa ka na ng contingency plan pag sakaling mag full-on mala 2017 bull market tayo ulit. Pag umabot nanaman sa mga TV news stations na tumaas ang presyo ng Bitcoin at bumango nanaman ang pangalan ng Bitcoin, mahirap na. Just in case lang.

Moral of the story: Be private person and never disclose how rich you are.
Yep. This applies inside or outside bitcoin & cryptocurrencies.

Hindi ko alam na may posibilidad na aabot sa trahedya na pumatay para lang sa bitcoin. Ako tahimik lang ako hindi ko basta basta mag share ng kaalaman sa bitcoin kasi tinatamad ako mag explain about sa bitcoin hehe.. pero hindi ko naisip na may taong papatay para lang sa bitcoin na alam nila kung paano gagamitin. Mag ingat ingat na siguro ako sa panahon ngayon mahirap na.
Basta't may pera sa isang bagay laging may mag tatake advantage nito. Tongue
full member
Activity: 1344
Merit: 102
September 12, 2019, 07:26:33 AM
#17
Hindi ko alam na may posibilidad na aabot sa trahedya na pumatay para lang sa bitcoin. Ako tahimik lang ako hindi ko basta basta mag share ng kaalaman sa bitcoin kasi tinatamad ako mag explain about sa bitcoin hehe.. pero hindi ko naisip na may taong papatay para lang sa bitcoin na alam nila kung paano gagamitin. Mag ingat ingat na siguro ako sa panahon ngayon mahirap na.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
September 12, 2019, 06:18:36 AM
#16
Hirap nyan ah. Ngayong malayong mas mataas na ang presyo ng bitcoin compared sa last few years(besides Q4 2017), sana nakalipat ka na ng tirahan. Hindi ko naman sinasabi na masasamang tao ang mga nasa skwater's area, pero pag alam ng mga tao na marami kang pera, well, let's just say na iba ang nagagawa sa tao pag kailangan talaga ng pera. Not necessarily na hoholdapin ka, pero pwede ka ring gawing utangan. Tawagin ka pang madamot pag di ka nagpautang.  Cheesy

Sinubukan ko maghanap na malayo layo sa tinitirhan namin kaso halos puro rent lang yung nakikita and walang mga nagbebenta. Mabuti talaga yung nangyari na bear market na halos tumahimik yung pangalan ni bitcoin na pati sa lugar namin hindi na siya ganun usap-usapan. At that napanatag naman ako and wala na yung concern ko about sa security ko dahil nabawasan na din yung mga drug addict sa lugar namin.

Moral of the story: Be private person and never disclose how rich you are.

legendary
Activity: 2492
Merit: 1232
September 12, 2019, 05:08:19 AM
#15
I didn't know if babangon ka paba sa wrench attack kapag natamaan ka niyan ng dahil lang sa Bitcoin mong hawak na akala nila malaki.
Dito sa probinsya namin siguro malabo yan mangyari kasi wala pa silang alam masya sa cryptocurrency, at dapat talaga secure yung gadget/bitcoin wallet natin lalo na yung cellphone ko na may coins.ph apps dapat secure talaga kasi minsan may stock ako doon na php currency na madali lang nila ma withdraw kapag meron nakakaalam.

snip-
Haha. Dito nag-uumpisa yung curiosity ng mga kapamilya at kapitbahay mo na nauuwi minsan sa mali-maling chismis, kagaya ng shinare na experience ni asu. Bukod sa hinihiraman ka na ng pera, posibleng sinisiraan ka pa sa likod.
Relate ako nito kasi lahat ng co-workers ko nagtatanong kung bakit hindi ako nauubosan ng pera kahit medyo malayo pa yung sahod. Mararaming nakakaalam na yung extra income ko ay galing sa crypto o kilala dito sa amin na bitcoin, pero hindi ako masyadong open kasi hindi pa masyadong kilala dito sa amin ang crypto. Naalala ko tuloy na may nagsabi dito sa amin paano ba kumikita gamit ang "bertcoin". Cheesy
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
September 12, 2019, 04:31:42 AM
#14
~snip~
Yes. As much as possible talaga, mas better ung mas less people ang may alam. May tita rin akong ganyan, kaya lesson learned. Kaya for now, pag may magtanong man sakin about bitcoin, sasagutin ko. Pero isisingit ko lagi na wala akong hawak na bitcoin kasi sobrang volatile(kahit na mejo over invested ako).

Hahaha ganun na nga mahirap kasi yung ganitong posisyon na kumikita ka sa cryptocurrencies tas di mo manlang maikwento sa pamilya mo pero I think the benefit of it is yung kaligtasan na mismong cryptocurrency mo. Another thing is mas-maiipon mo yung Bitcoin mo kasi hindi ka din dapat magpahalata na medyo gumagastos ka na. Ok na din yung alam mo natutulungan mo pamilya mo sa pera na kinikita mo sa Bitcoin ng di mo sinsabi na dun nang galing, kasi based from my personal experience once na malaman nila yan hihihinge at hihingi na din sila.

Alam mo ang mas mahirap? Yung tambay ka lang sa mata ng lahat tapos buhay na buhay ka, may pera ka naman, nakakagala at nakakapagbakasyon pa, padota-dota at basketball lang, latest ang smart phone, at nakakainom sa tuwing gusto mo. Haha. Dito nag-uumpisa yung curiosity ng mga kapamilya at kapitbahay mo na nauuwi minsan sa mali-maling chismis, kagaya ng shinare na experience ni asu. Bukod sa hinihiraman ka na ng pera, posibleng sinisiraan ka pa sa likod.

Dati lagi akong kinukulit ng tatay ko na mag-apply na at ng makapagtrabaho. Eh ako naman medyo may sapat na pera ayoko syempre. Kung nabubuhay naman ako sa ganitong sobrang relax na paraan, bat pa ako mag-aapply di ba? Kaso sa sobrang tagal na na walang trabaho at hindi naman humihingi ng pera, minsan naitanong nya kung pumasok na daw ba ako sa negosyo sa droga. Jusko po! Syempre ittry mong mag-explain, hindi nila maintindihan, parang anlabo sa kanila na kumikita ka ng malaki gayung nakatambay ka lang.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
September 12, 2019, 04:08:13 AM
#13
~snip~
Yes. As much as possible talaga, mas better ung mas less people ang may alam. May tita rin akong ganyan, kaya lesson learned. Kaya for now, pag may magtanong man sakin about bitcoin, sasagutin ko. Pero isisingit ko lagi na wala akong hawak na bitcoin kasi sobrang volatile(kahit na mejo over invested ako).

Hahaha ganun na nga mahirap kasi yung ganitong posisyon na kumikita ka sa cryptocurrencies tas di mo manlang maikwento sa pamilya mo pero I think the benefit of it is yung kaligtasan na mismong cryptocurrency mo. Another thing is mas-maiipon mo yung Bitcoin mo kasi hindi ka din dapat magpahalata na medyo gumagastos ka na. Ok na din yung alam mo natutulungan mo pamilya mo sa pera na kinikita mo sa Bitcoin ng di mo sinsabi na dun nang galing, kasi based from my personal experience once na malaman nila yan hihihinge at hihingi na din sila.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
September 12, 2019, 03:27:13 AM
#12
I’ll share my story here. 2015 at that year ko nalaman ang bitcoin, syempre mababa pa value at nasubaybayan ang bull market and madaming mga benefits pa at that time. Then, days, months and years na yung nakalipas at nakakapaglabas na ako ng pera na hindi ko naman halos akalain pumutok yung pangalan ko sa lugar namin oh yeah, sa skwater ako nakatira. Madaming mga sabi-sabi na sa drugs yan kaya may pera na ganyan na hindi nauubusan at syempre hindi natin maiiwasan na may mga stismosa kaya minsan kung sino pa yung kamag-anak mo halos sila pa yung nagkwe-kwento sa mga ibang tao, na hindi ba nila naisip yung security.

Hirap nyan ah. Ngayong malayong mas mataas na ang presyo ng bitcoin compared sa last few years(besides Q4 2017), sana nakalipat ka na ng tirahan. Hindi ko naman sinasabi na masasamang tao ang mga nasa skwater's area, pero pag alam ng mga tao na marami kang pera, well, let's just say na iba ang nagagawa sa tao pag kailangan talaga ng pera. Not necessarily na hoholdapin ka, pero pwede ka ring gawing utangan. Tawagin ka pang madamot pag di ka nagpautang.  Cheesy
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
September 12, 2019, 03:15:51 AM
#11
I’ll share my story here. 2015 at that year ko nalaman ang bitcoin, syempre mababa pa value at nasubaybayan ang bull market and madaming mga benefits pa at that time. Then, days, months and years na yung nakalipas at nakakapaglabas na ako ng pera na hindi ko naman halos akalain pumutok yung pangalan ko sa lugar namin oh yeah, sa skwater ako nakatira. Madaming mga sabi-sabi na sa drugs yan kaya may pera na ganyan na hindi nauubusan at syempre hindi natin maiiwasan na may mga stismosa kaya minsan kung sino pa yung kamag-anak mo halos sila pa yung nagkwe-kwento sa mga ibang tao, na hindi ba nila naisip yung security.

Nangyari yung bear market na parang trahedya kung tatawagin. For me, naging maganda yung pangyayari na yun na naging tahimik yung pangalan ni bitcoin at that time and naging private person ako even sa mga relatives ko. Parent’s ko na lang yung pinagsasabihan ko na pinagkakatiwalaan ko kung mag kwe-kwento man ako tungkol sa bitcoin.

Kaya to those na bago pa lang sa bitcoin. Take time to read this thread and apply it. We don’t know kung anong baka may masamang mangyari saatin.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
September 12, 2019, 03:01:57 AM
#10
As far as bitcoin balance in my account concern maliban  sa aking asawa wala ng iba ang may alam na may hawak akong bitcoin. Oo aaminin ko na paminsan minsan sinasabi ko sa mga kapatid at mga pamangkin ko ang salitang bitcoin kung ano ang kagandahan nito at kung pano ito gamitin pero never ever kung sasabihin na may laman ang coin.ph wallet ko.

Ang nasa isip ko kasi kahit kapatid mo kung gipit at kailangan nito ang pera baka bigla ka nalang gawan ng masama makuha lamang ang gusto lalo no kung alam nila na may bitcoin ka.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
September 11, 2019, 09:28:12 PM
#9
@mjglqw hindi ko din maipapayo na sabihin mo na humahawak ka ng crypto sa mga kaibigan o kamag-anak mo kasi hindi mo din naman sila mako-kontrol sa pag-kwento sa ibang tao. Gaya nalang nung sinabi ko sa mama ko na may Bitcoin ako after a month or two mga kamag-anak ko na at mga kaibigan niya nagtatanong kung paano ako kumikita dun. Mahirap na talaga na maikwento sa iba na may hawak ka na Bitcoin.
Yes. As much as possible talaga, mas better ung mas less people ang may alam. May tita rin akong ganyan, kaya lesson learned. Kaya for now, pag may magtanong man sakin about bitcoin, sasagutin ko. Pero isisingit ko lagi na wala akong hawak na bitcoin kasi sobrang volatile(kahit na mejo over invested ako).

Pero buti na lang, kahit nalaman nila na may ganyan ako at nakita nila ang bunga nito sa akin, di pa rin naging interesado ang bitcoin sa karamihan dito. So walang mag-iisip na paldo ako unless involved din sya sa crypto. Thanks to 2018 bearish market lol.
Yea. Ang problema kasi baka lay low lang sila for now, since kagagaling natin sa bear market tapos mejo flat line ang price ngayon, pero nakow pag nag skyrocket ulit ang price ng bitcoin. Wag sana tayo maging utangan ng bayan. Marami ring hihingi ng "balato" jan sigurado.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
September 11, 2019, 07:16:57 PM
#8

Ibang case yan.

On the first article, ang involved na victim is bitcoin trader pero di sure ang mga authorities if bitcoin ba ang habol ng mga ito sa kanya or may iba pang dahilan. Kasi mas piniling di sabihin in public e meaning personal yan at sensitive.

Dun naman sa second article, di involved or walang kinalaman sa bitcoin ang mga biktima pero iyong mga kidnapper nanghihingi ng bitcoin as reward. Siguro kilalang mayaman ang mga pamilya. Saka iyong mga kidnapper is kilala na sa ganyang activity dun sa bansa nila.

Wag na lang siguro parang mag-astang mayabang o mapagmataas iyong iba na may bitcoin ako, kumikita ako ng bitcoin, marami ako bitcoin etc. kasi minsan kaya  nangyayari yang **** (wag naman sana) kasi iyong iba mataas na tingin sa sarili nagkaroon lang ng 1000 satoshis or kahit simpleng token lang lol. Ok lang magkwento sa iba pero kung wala namang point para ikwento or wala naman topic about bitcoin, wag na ipasok sa topic na lang. If magtanong sila, sagutin lang ng basic at wag detalyado.

Tama may mga mahangin talaga kasi lalo na nung pumutok ang presyo ng bitcoin noong 2017. Marami silang nakita ko. Saglit lang daw magpayaman at kinain na ng sistema. Ng dahil sa kayabangan puwedeng mag-ugat ng di magandang pagtingin ng iba sa kanila at maging mainit pa sa mata. Di rin talaga maiwasan na malaman na may bitcoin ka pero dapat wag na masyado over sa pagkwento.
Pages:
Jump to: