Obviously, karamihan saatin dito ay mataas ang interest concerning bitcoin at cryptocurrencies, so minsan baka naisisingit natin ang topic na bitcoin pag nakikipag kuwentuhan tayo sa mga kaibigan natin at ibat ibang tao.
In the event na mapunta sa maling tao ang kaalaman na nag mamay-ari ka ng bitcoin(regardless of amount), pwede kang tamaan ng $5
(or ₱250?🤔) wrench attack.
Basically, kahit naka hardware wallet ka pa at sobrang secure ng funds mo, pwedeng mapa-walang kwenta ang security mo pag kinidnap ka naman or hinampas ka ng wrench o martilyo o ano man. Remember,
pseudonymous at irreversible ang bitcoin transactions. Di gaya ng bank transactions na pag na-transfer ng isang tao ung pera mo e makikita ng banko kung kanino na-transfer ung pera; unless di nag isip ung kidnapper mo at coins.ph ang ginamit nyang wallet.
source: xkcd In summary: as much as possible, piliin lang natin ang mga taong pinagsasabihan natin na may hawak tayong bitcoin/crypto. Siguro sa mga close friends lang natin, para maiwasan ang ganitong pangyayari kahit baka malabong mangyari. Baka mapa-abot sa mga loko loko ang info na may malaking halagang bitcoin ka pala. Prevention is better than cure ika-nga. Just a heads up.