Pages:
Author

Topic: What if Bitcoin ang gagamiting pambayad ng PCSO sa mga mananalo sa lotto? - page 7. (Read 986 times)

member
Activity: 124
Merit: 10
Magandang paraan ito na dapat iadapt ng PCSO. Iwas pa sa nakaw kase protektado ang ating wallet. Walang hassle kasi mabilis lang ang transaksyon.
member
Activity: 350
Merit: 47
Hindi ko alam kung posibleng mangyari ito pero maganda siyang idea. May mga pros and cons pa din kung iaadopt ng PCSO ang cryptocurrency.

Pros:
1. Mas madali iprocess dahil hindi na nila kailangan pa ng tseke or cash. Isang click lanv ay matatransfer na agad sa wallet nung nanalo ang premyo.

2. Mas magiging confidential ang detalye ng nanalo.


Cons:
1. Kailangan pa pagaralan muna ng nanalo kung paano gumagana nag cryptocurrency.

2. Kapag nahack ang wallet ng nanalo ay ubos agad ang perang napanalunan niya.
Di naman na siguro natin icoconsider yung number 1 ng cons. Since bitcoin naman yung tinaya niya, assume na natin na knowledgeable siya sa crypto.

I con mo nalang as kung bitcoin yung tinataya/mapapanalunan sobrang con padin ang pagiging volatile neto. Sabihin nating tumaya ka ng 20 pesos worth of btc ngayon, baka bukas 50 pesos na pala edi talo ka. Same din sa napanalunan mo kung 150m worth of btc nakuha mo, baka bukas 70m na lang. Pero panalo ka padin naman pala since nanalo ka nga kase.
sr. member
Activity: 462
Merit: 260
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Pwede din ito pero ang tanong alam ba ng mananalo sa lotto kung paano gagamitin ang bitcoin, Saan ilalagay ito ? Paano magiging mas secure pa ang halaga ng hawak nyang pera. Dahil kung bitcoin ang ibabayad sa kanya pwede rin na hindi stable ang price nito at pwede rin na bumagsak ito.
Kaya para sa akin imposible na gamitin ito ng PCSO pwede kung ang bitcoin ay kilala na at maraming tao na ang gumagamit pero sa ngayon kung ito ang gagamitin malamang na tatanggi din ang nanalo dito
newbie
Activity: 98
Merit: 0
Mas maganda siguro kung may option ang nanalo kung fiat money o bitcoin ang kanyang gagamitin upang makuha ang kanyang napalalunan. Sa ating kasalukuyang sitwasyon ay kokonti pa lamang ang nakakaalam nito lalo na pano kung ang nanalo ay wala pang pinagaralan. Mahihirapan siya makuha ang kanyang reward kung ganun.
full member
Activity: 350
Merit: 110
AYos to kung gagawin nila para sa security ng nanalo pero kung ung nanalo mismo eh walang kahit na anong ideya about sa bitcoin sa tingin ko hindi siya papayag na equivalent value ng bitcoin ang ibibigay sa kanya. Pero kung ang nanalo naman ay gusto din ng cryptocurrencies malaki ang posibilad na maganda itong paraan para mapataas ang seguridad. Basta ba ang ibibigay nila na bitcoin eh ung equivalent talaga ng napanalunan para walang daya.
sr. member
Activity: 490
Merit: 250
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Ang PCSO ay pagaari ng gobyerno at alam naman natin na hindi sinusuportahan ng ating gobyerno ang bitcoin o cryptocurrency kaya hindi ito mangyayare not unless of course kung magbabago ang takbo ng isip ng ating pamahalaan at tuluyang iadopt ang cryptocurrency.
full member
Activity: 798
Merit: 109
https://bmy.guide
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.

Sa aking palagay mas magandang gamiting pambayad ang bitcoin sa mga mananalo gaya ng sinabi mo para na rin sa seguridad ng mga nanalo.
Ang tanong papagayag kaya ang psco sa ganitong sistema ng pagbibigay ng premyo kasi ang bitcoin at hindi stable ang galawan ng presyo.
Maybe it will happen kung maliliit lang na fund ang mapanalonan pero kung jackpot na ang mapalonan mo sa tingin ko much better kung checque na talaga para idaan nlang sa banko hirap din kasi ang withdrawal kapag malaki na ang fund na maiwithdraw mo.

In my own, mangyayari lang to kapag fully legalized na ang bitcoin dito sa ating bansa dahil possibling talagang magbayad tayo ng tax dahil yan ang required sa atin ng government. It is very convenient if manyari nnga ito pwedi na tayong hindi pumupunta sa lotto outlet para tumaya ititext lang natin operator kapag kilala at bayaran through bitcoin.
jr. member
Activity: 90
Merit: 5
Sa tingin ko possible na maadopt ito kung magkaroon ng stable price ang bitcoin for example mag rerange lang ang bitcoin sa 6000 usd to 7000 usd pero kung hindi mangyayari yun malabo siguro gamitin nila yan as payment para sa mananalo dahil maaring ang mapanalunan ay masbaba sa nasabing papremyo.
sr. member
Activity: 854
Merit: 257
Magandang idea nga to pero to pero pag ganto sana mawala yung tax na binabawas ng pcso dahil blockchain na mag pprocess nito at hindi na bangko. Pero mahihirapan din yung mananalo kung ito ay iwiwithdraw nya into fiat dahil alam naman natin na para wala syang fee sa pag withdraw ay sa security bank which is 5k only per transaction edi kung mananalo ka ng 50million napaka tagal non at kung ikaw naman ay sa mga selected brances ito ay may transaction fee edi parang ganun nadin mas maganda pang mag cheque kahit may tax ng banko at pcso mas madali mo naman mawiwithdraw at buo na.
full member
Activity: 952
Merit: 104
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.

Sa aking palagay mas magandang gamiting pambayad ang bitcoin sa mga mananalo gaya ng sinabi mo para na rin sa seguridad ng mga nanalo.
Ang tanong papagayag kaya ang psco sa ganitong sistema ng pagbibigay ng premyo kasi ang bitcoin at hindi stable ang galawan ng presyo.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
Sa ngayon ang maganda gawing dual payment options muna. PHP or BTC. Alam naman natin na karamihan sa mga tumataya sa LOTTO ay mga may kahirapan ang buhay at umaasang makamit ang pangarap nilang jackpot. Kahit ako nangarap na rin minsan pero kung pinambili ko ng BTC yun malamang nakuha ko na yung jackpot. Tingin ko napakaliit na porsyento lamang ng mga pilipino ang may alam ng BTC. Base lang naman ito sa mga numero, pawang mga tantyahan lang ito.



Source



Source
member
Activity: 252
Merit: 10
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Sa tingin ko ay hindi gagawin yan ng PCSO. Bakit? Dahil hindi naman legal ang bitcoin dito sa Pilipinas. Bukod pa don, sa dami ng tumataya sa Lotto hindi natin masasabi kung sila ay may kaalaman sa cryptocurrency. Mahaba-habang pang usapin ang tatalakayin ng PCSO at nang gobyerno bago mangyari ang lahat ng iyan.
sr. member
Activity: 700
Merit: 257
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.

malabo yan bro di pa nga inaadapt totally ng bansa natin ang bitcoin ganyan pa ang gagawin nila,tska mahirap yan sa mananalo dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman na din syempre pipiliin nila na icash na lang tska kung bitcoin ang ibabayad bitcoin na din dapat ang pantaya.
Why not di ba? kaso matagal pa bago mangyari yon pero good idea ang OP diyan what if gawa na lang ang gobyeron ng PCSO then ang payment ay bitcoin din diba, obligado ang mga tao na bumili ng bitcoin sa ganung paraan mas makikilala ng mga tao ang bitcoin at lalong lalaki ang demand nito.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.

malabo yan bro di pa nga inaadapt totally ng bansa natin ang bitcoin ganyan pa ang gagawin nila,tska mahirap yan sa mananalo dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman na din syempre pipiliin nila na icash na lang tska kung bitcoin ang ibabayad bitcoin na din dapat ang pantaya.
newbie
Activity: 210
Merit: 0
Para sakin hindi magiging maganda ang kakalabasan kapag gumamit ang PCSO ng Digital Currency. Dahil papano makukuha ng winner yung premyo nya kung wala syang kaide-idea sa bitcoin or crypto kakaylanganin muna nyang pagaralan ito bago nya maclaim? At hindi lang naman lahat ng tumataya sa lotto may alam sa bagay na ito posible pa ngang mas marami ang mahihirap o walang alam sa Cypto ang tumataya sa lotto kaya napaakahirap para sa kanila kung gagamitin ng PCSO ito. Mabuti pa sana kung papapiliin nila ang winner kung paano nila ikeclaim ang price kung bitcoin ba o cash ang gusto nila.
jr. member
Activity: 100
Merit: 1
Sa palagay ko, kung iiaadopt man ng PCSO ang bitcoin, dapat ito ay optional. Dapat may option pa rin ang tao kung anong payment system ang gusto nyang gamitin. Dapat may kalayaan ang individual na mamili kung saan sya kumportable.
member
Activity: 124
Merit: 10
Magandang idea din yan. Pero matagal pa yatang mangyari yan, dahil kailangan pa nilang e - announce yan, at pag usapang mabuti, baka kase yung ibang tao ay hindi sang- ayon sa ganyang paraan.
jr. member
Activity: 143
Merit: 2
Kung mapapatupad man to dapat ay lahat ng mga tumataya sa lotto ay may wallet upang maitransfer ang btc at dapat lahat ay edukado tungkol sa bitcoin kasi kung hindi nila alam ito maaaring ma scam sila or hindi nila ito magamit. Pero pwede naman siguro na mamimili ang mananalo kung gusto ba niya na cash ang premyo or bitcoin. Kung susuportahan ito ng pcso siguro pwede sila makipagcollaborate kay coinsph para dun ittransfer ang mapapalanunang btc.
member
Activity: 335
Merit: 10
mas maganda kung bitcoin kasi hindi kana mamomroblema sa tax kasi alam naman natin na ang bitcoin ay walang tax kaya ligtas ka sa tax
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
Hindi ko alam kung posibleng mangyari ito pero maganda siyang idea. May mga pros and cons pa din kung iaadopt ng PCSO ang cryptocurrency.
Cons:
1. Kailangan pa pagaralan muna ng nanalo kung paano gumagana nag cryptocurrency.

2. Kapag nahack ang wallet ng nanalo ay ubos agad ang perang napanalunan niya.
magiging mahirap ito sa mga nanalo kung hindi nila alam kung paano gumagama ang crypto worst case pa ma scam sila mas mabuting peso nalang. ubos na ubos talaga mas maganda kung hardware wallet yung gagamitin pwede din namang ibigay nalang ang hardware wallet.
Pages:
Jump to: