Pages:
Author

Topic: What if Bitcoin ang gagamiting pambayad ng PCSO sa mga mananalo sa lotto? - page 8. (Read 986 times)

newbie
Activity: 40
Merit: 0
Pwede rin naman. Pero kung ako ang manalo, mas gusto ko parin na Philippine Peso ang ibayad sakin dahil wala ng transfer charges in or out  if cash/check tapos magagamit ko agad sa mga basic needs ang pera considering na nasa Pilipinas at dito ko mismo plano gamitin ang pera.  Ang mas mabuting gawin is pag natanggap ko na ang prize ko eh part of it is ilagay ko sa bitcoin as investment.
jr. member
Activity: 155
Merit: 2
Siguro pag naging mas kilala pa ang bitcoin sa pilipinas ay pwede mag implement ang PCSO na gantimpala na bitcoin, siguro pwede rin na mamili ang winner kung bitcoin ba o fiat ang ibibigay na prize o kaya naman seperate sila may palaro na bitcoin ang premyo at palaro na fiat ang bayad, kung mangyari man ito ay siguradong matagal pa at malamang kilalang kilala na ang btc at kung paano ito gamitin ng 90% na mga tao sa pilpinas.
hero member
Activity: 1176
Merit: 509
Hindi ko alam kung posibleng mangyari ito pero maganda siyang idea. May mga pros and cons pa din kung iaadopt ng PCSO ang cryptocurrency.

Pros:
1. Mas madali iprocess dahil hindi na nila kailangan pa ng tseke or cash. Isang click lanv ay matatransfer na agad sa wallet nung nanalo ang premyo.

2. Mas magiging confidential ang detalye ng nanalo.


Cons:
1. Kailangan pa pagaralan muna ng nanalo kung paano gumagana nag cryptocurrency.

2. Kapag nahack ang wallet ng nanalo ay ubos agad ang perang napanalunan niya.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Pages:
Jump to: